CHAPTER 73 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA Parang sumasabog na ang ulo ko sa kaiisip. Sobrang stress na ako sa mga nangyayari. Muli kong tinignan ang hawak kong cellphone. Nag-scroll ako sa contacts ko. Nagdadalawang isip ako kung gagawin ko ito. Kanina lang ay ipinagtutulakan ko siya palayo sa aking buhay. Ngunit gusto kong makasiguro. Baka may makuha akong kahit katiting na idea para maipagtagpi ko sa mga magulong pangyayari. Nag-aalangan man pero tinuloy ko pa ring pinindot ang call button sa baba ng pangalan ni L-jay. "Hello" sagot niya sa kabilang linya. Tinalasan ko ang pandinig ko kung nasaan siya. Naririnig ko ang malakas na patalastas sa TV. Nasisiguro kong nasa loob nga siya ng condo niya. Mas tumibay ang paniniwala kong wala

