CHAPTER 72 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA "Denver, okey ka lang?" lumuhod ako sa tabi niya. Niyakap ko siya at hinaplos ang kaniyang likod. Natutuwa dahil wala sa amin ang nasaktan o namatay tulad ng ikinatakot ko ng sobra kanina. Itinaas niya ang kaniyang ulo. Dahan-dahan din siyang lumuhod. Nakangiti siyang tumingin sa akin. “Oo, okey lang ako. Ikaw ba? Wala ka bang tama? Hindi k aba nasaktan?” tanong niya sa akin. “Hindi naman. Walang masakit bukod sa suntok at sipa niya sa akin kanina. Tara na, alis na tayo ri-“ Natigilan ako.Hinawakan niya ang kamay ko ngunit may nakita akong dugo sa kamay niya na ikinanginig ko. Magpapasalamat na sana ako sa Diyos sa pagkakaligtas niya sa amin ngunit napako ang tingin ko sa...Oh my God!

