CHAPTER 83 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA “Dahil sa pagtatapat ko sa kaniya ay tuluyang nasira ang pagkakaibigan namin. Nilayuan na niya ako. Sinisi ko ang sarili ko. Hindi ako makakain, hindi makatulog hanggang sa tuluyang nagkasakit ako. Ewan ko ba, mahina kasi ang katawan ko. Sakitin kahit noong mga bata pa kami. Sabi ni Mommy, nang nasa hospital daw ako ay tinatawag ko ang pangalan ni bunso. Kaya paggising ko nasa tabi na niya ako. Naghihintay siyang magising ako. Dadalawa lang kami noon sa kuwarto sa hospital. Nasa labas sina Tito at Tita na mga magulang niya. Umalis daw sina Mommy at Daddy pansamantala dahil kailangan nilang asikasuhin ang visa namin dahil sasama na kami kay Daddy sa pagbabalik niya sa ibang bansa. Ayaw ko noong sumama sa ibang bansa pero pinakiusapan akong kaila

