CHAPTER 84 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA "Julia! Maligo ka kaya! Kanina pa kami dito!" sigaw ni Sydney. "Sige lang. Enjoy lang ninyo. Masaya na akong nakikita kayong nag-eenjoy?" sagot ko. "Mga kabigan mo?" tanong niya. "Oo. Bestfriends ko sila. Hindi mo ba sila namumukhaan?" "Namumukhaan? Hindi e." Sagot niya. Hindi na ako nagpumilit. Baka nga nasa ibang bansa siya nang sumikat na artista ang mga kaibigan ko. "Sige ituloy mo ang kuwento mo kasi sa totoo lang, nadadala ako. Natutuwa akong makarinig ng one of a kind love story ng iba." "Hayun, nagkalayo kami kahit hindi namin iyon kagustuhan. Pati si Princess naiwan kasi nga parang ampon na rin siya ng Lolo at Lola ni

