CHAPTER 90 The Killer Lover Joemar Ancheta “Dahil hindi rin naman niya alam ang nangyari sa akin. Hindi rin naman siguro rin kayo nag-usap talaga ng tungkol sa aming mgakapatid. Si Denver, hindi rin naman talaga iyon magsasalita tungkol sa amin dahil siya mismo ay may itinatago.” “Ibig sabihin, malinaw na si Denver ang killer.” “Iyon ang kailangan mong tuklasin.” Kasunod iyon ng kanilang paglalakad palayo. Nagkatinginan kami ng kaniyang kapatid na si Jay. Nilingon ko ang dalawang nagkakasayahang kaibigan ko. Kailangan ko bang sumunod kay Vince at Angel? Saan ba talaga siya pupunta? Sino ang tutulungan namin? Paano ako maniniwala sa isang... Oh God! Ang gumugulo sa akin ay kung maniniwala ako sa isang kaluluwa? Ano b

