CHAPTER 91 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA Kahit naninindig na ang balahibo ko ay kailangan kong labanan ang takot. Binalikan ko ang salamin. Naghintay ako na may magpakitang muli. Titig na titig ako doon, tanging manaka-nakang kulog ang pumupunit sa katahimikan ngunit pakiramdam ko ay mas malakas pa ang kabog ng aking dibdib. Nilabanan ko ang takot ko. Umaasang magpakitang muli ang multo dahil sigurado akong ang multong nakita ko sa talon ay ang multong nakita ko din sa salamin. Hindi ko lang mamukhaan dahil sa inaagnas na siya. Ilang sandali pa akong naghintay. Ngunit bigo ako. Wala nang nagpakita pa. Ngunit may kung anong parang malamig na bagay na dumaan sa akin. Mabilis ang pagdaan niyang iyon. Kinilabutan ako. "Ka-blag!" Malakas ang pagsara ng kanina ay iniwan kong bukas na p

