CHAPTER 102 "Bespren, lumaban ka. Huwag kang bibitiw. Nandito kami ni Mark oh. Isipin mo rin sina Tito at Tita na ngayon ay humihiling sa Diyos sa kaligtasan mo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang mangyari sa'yo. Pinayagan kasi kitang umalis na ikaw lang. Ayaw ko nang sisihin ang sarili ko sa mga nangyayari, best. Ayaw ko nang muling mawalan ng isa pang mahal sa buhay. Please?" humihikbi siya. Sobrang ramdam ko ang sakit na pinagdadaanan ng kaibigan ko. "Lumaban ka. Kahit pakiramdam ko huli na ang dating namin ni Mark para tulungan ka kanina pero alam kong nandiyan ka pa. Alam kong kaya mong lumaban. Di ba Julia, sa ating dalawa ikaw yung palaban? Ikaw yung hindi sumusuko? Ngayon ko higit na kailangan ang lakas ng loob mo, best. Ngayon mo higit na kailangang patunaya

