CHAPTER 101 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA "Oo, Julia. Nandito sila ngayon para tuluyang magpaalam na sa atin. Magpapahinga na sila. Kailangan na nilang mauna dahil pagod na pagod na sila at tinatawag na rin sila doon sa taas." Hinawakan ni Vince ang kamay naming dalawa. Sumilay ang mapait na ngiti sa kaniyang labi. “Ngayon, nakakausap na rin kita Julia.” Si Angel. “Pasensiya ka na sa nakakatakot na dating ko nang una akong nagpakita sa’yo. Nakahingi na ako ng tawad kay L-jay. Mali ang ginawa kong nagpanggap na mahal ko siya kahit si Denver ang nasa puso ko. Mali ang gamitin ko siya, para paselosin sana si Denver. Ngunit lahat naman nagkakamali hindi ba? Lahat naman may ginagawa para lang hindi mawala sa kanila ang kanilang mahal? At lahat din ay may hagganan. Mauna na kami ni Kuya.

