JING "Jing, anak! Nandito ka? Umuwi ka na? Kamusta anak? Sobrang nag-alala kami sa'yo n'ong umalis ka. Lalo pa na hindi ka makuntak ng Ate mo Esme. Miss na miss kita anak." Wika ni Tatay sa garalgal na boses habang umiiyak. Kagigising niya lang at bigla siyang bumangon ng makita niya ako. Umiiyak din ako habang mahigpit na nakayakap kay Tatay. "I'm sorry po Tay! Pasensya kung nag-alala kayo. Pasensya kung umalis ako na hindi nagpaalam. Kamusta ang pakiramdam mo tay? Nagugutom ka ba? Nauuhaw?" Tanong ko Kay Tatay habang panay ang haplos ko sa kanya. "Okay lang ako anak. Medyo nahihilo lang kahapon. Ayaw ko nga sana pumunta ng hospital. Ngunit si Ate mo dinala talaga ako sa hospital. Gusto ko na nga sana umuwi anak. Mas makapag pahinga pa ako kapag nasa bahay ako. Lalo na nandito ka na."

