JING "OKAY ka na? Sigurado na hindi ka na iiyak dahil sa kanya?" Malumanay na tanong ni Kuya Peter. Pagkatapos niya kanina ibigay ang tubig. Lumabas muna siya para daw makapag-isip ako. Pagka inum ko ng tubig nakaramdam ako ng pagod kaya nakatulog ako ng dalawang oras. Every twice a week ang check-up ko sa hospital. Nang gumising ako nasa silid na ulit si Kuya Peter. Nang makita niya ako na gising na, niyaya niya na akong umuwi sa bahay na tinitirhan namin. Pagdating namin nagpahinga ulit ako sa aking silid. Pagsapit ng hapon lumabas ako para maglakad lakad sa dalampasigan. Nasa tabing-dagat kami dahil sinabi ni Kuya Peter na mas maganda kung makalanghap ako ng preskong hangin. Sobrang nagpasalamat ako kay Kuya Peter dahil sinamahan niya ako dito. Lumipat pa siya ng trabaho para sa akin.

