JING AFTER ONE YEAR BANGKOK THAILAND "Jing nandito ka lang pala? Kanina pa kita hinahanap." Bakit ang aga nandito ka na? Naka inum ka na ba ng gatas?" Parang kinakabahan na tanong ni Peter. Nandito kasi ako sa likod bahay nakaupo sa may duyan. Alas siete ng umaga kaya maganda ang sikat ng araw. Gusto ko munang magpa araw bago maligo sa dagat. Nagtaka ako kung bakit kakaiba ang mukha ni Peter parang may hindi magandang balita. Ang bilis lang ng panahon isang taon na kami dito sa Thailand. Maayos naman ang buhay namin dito ni Peter. Ngunit ang sakit ko hindi pa rin gumaling. Patuloy pa rin kami sa paghahanap ng heart donor. "Peter, may kailangan ka? Pasensya na kung hindi ako nagpaalam sa'yo na dito ako tatambay. Ang ganda nasi ng sikat ng araw kaya magandang panuorin dito." Nakangiti

