JING AFTER ONE MONTH "Sigurado ka Jing, na ikaw ang pupunta ng Mindanao? Okay lang ba sa'yo?" Tanong ni Kuya Arvey sa akin. Nagkaruon kasi ng munting problema sa kanilang mall sa Mindanao. Hindi naman gaano ka laki pero kailangan pa rin puntahan. Kaya ako ang nag presinta na pumunta. Saka kailangan ko din makalayo para sa pag-alis ko papuntang America. Nakahanda na ang lahat kaya sa susunod na araw kailangan ko na talaga ma operahan. Isang buwan na ako dito sa Pilipinas kaya medyo nakaramdam na talaga ako ng panghihina ng aking katawan at puso. Minsan hindi na talaga ako makahinga. Mabuti minsan lang si Ate pumupunta sa bahay at si Kuya Remy. Hindi naman makahalata si Tatay at Nanay dahil palagi lamang ako nasa loob ng aking silid. Nanliligaw pa rin si Harvey ngunit hindi ko siya sinag

