HARVEY "Gusto mo pa, baby girl? Niluto ko talaga ito para sa'yo kaya kumain ka pa ng marami." Ani ko kay Jing. Nagluto ako ng kanyang paborito na buttered shrimp at nag ihaw ako ng bangus na nilagyan ng kamatis at bawang sa loob ng tiyan. Dalawang buwan simula n'ong inoperahan siya sa puso. Nakauwi na kami galing America. Dito niya gustong magpagaling sa Mindanao kaya ako nag presinta na mag-alaga sa kanya. Kasama din si Peter kaya naiinis ako kapag makita ko silang masayang nag-uusap ni Jing. Napansin ko din na parang galit sa akin si Ate Esme dahil malamig niya ako, kung kausapin. Nandito din si Nanay Manuela at Tatay Diosdado. Kapag webes ng gabi hanggang linggo ng umaga lamang si sina Kuya Arvey at Ate Esme. Kasama si Jean at Remy . Kaya ngayon araw ng sabado, nandito silang lahat pa

