CLARA
Namamaga ang mga mata ko at sumasakit ang ulo dahil sa nangyari kagabi.
Matapos akong sampalini mama'y sinigawan naman ako ni papa na pumasok na sa loob ng kwarto ko, doo'y inilabas ko na lahat, sakit, pagkalito, galit.
Ngayo'y naglalakad ako papasok ng paaralan, kanina'y lubos ang pagpapasalamat ko na matagumpay kong naiwasan sina mama at papa, matagumpay kong hindi sila pansinin.
Kanina nang nasa bahay pa'y nagtangka silang kausapin ako, humingi ng tawad ngunit pinilit kong huwag makinig. Nagagalit ako sa kanila. Nagagalit sa pagsisinungaling pa nila kahit pa alam ko na, narinig ko na.
Napakagat ako ng pangibabang labi, habang nakayuko'y pinipilit kong huwag umiyak sa tuwing maaalala ng nangyari, sa isip ko'y umiikot parin ang pinag uusapan nina mama at papa, hindi ko magawang hindi alalahanin sapagkat may nararamdaman talaga ako, may nararamdaman ako patungkol sa pangalang Maizey Triana.
"What a hot new student."
"I wonder if she's a f**k girl? I would really want her to be my f**k buddy!"
"She looks innocent yet seductive."
"I want her to be my girl! "
"Dude, she's mine! "
"Fuckers! I saw her first! "
"That angel, will be my angel. "
Doo'y napaangat ang ulo ko nang marinig ang bulong bulungan ng mga estudyanteng nagkukumpulan sa tabi, mga lalaki.
Nakatingin sila sa isang babaeng naglalakad na wari ko'y papunta sa registration office. Tinignan ko ang babae.
Napakurap ako. Napakaganda, napakaganda nga ng babaeng iyon. Para siyang isang anghel na siya ipinadala ng Diyos uoang makita namin. Kakaiba ang kagandahang taglay ng babae, parang anghel.
Sino kaya siya?
Nang mawala na siya sa paningin ko, marami parin akong naririnig na bulungan ng ibang estudyante tungkol sa babaeng iyon na siyang napag alaman kong isa palang bagong lipat. Kaya pala'y ngayon ko lamang siya nakita dahil nga palagi lamang akong mag isa, kadalasa'y sa tuwing nauupo lamang ako sa isang tabi'y pinagmamasdan at inoobserbahan ko ang mga estudyante dito na halos lahat ay naging pamilyar na sa akin, halos lahat ay alam ko na ang bawat pag uugali.
Ngunit ang babaeng may malaanghel na mukha, unang kita ko pa lamang ay ramdam ko na ang pagkapuro ngbkatauhan nito.
Hindi ko namalayan, ngayo'y nasa silid na namin ako, at habang paupo'y napangiti. Sa isip ko parin ang babaeng anghel. Hindi ako nakikipagkaibigan at iniiwasan ko iyon ngunit parang gusto kong maging kaibigan ang babaeng bagohan. May nararamdaman akong kagaanan ng loob nang makita ko siya, hindi ko siya kilala ngunit alam kong isa siya sa mga taong bihira na lamang sa mundong ito. May busilak na puso.
Sa aking pag upo'y doon naman nanahimik ang lahat, hindi na ako nag angat pa ng tingin.
Alam ko na kung bakit.
Nandito na ang halimaw.
Nakayuko ako nang mula sa gilid ng aking mga mata'y nakita ko itong naglakad palapit sa gawi ko.
Ang upuan kasi niya'y nasa gilid ng bintana sa pinaka dulo at ang linyang kinabibilangan ng upuan ko'y katabi lng ng linyang kinabibilangan naman nhmg upuan niya kaya't madadaanan muna niya ako bago niya maabot ang sariling upuan.
Pigil hininga ako nang dumaan siya sa harap ko't lumiko sa gild ko naman at naglakad palagpas.
Kagaya ng dati'y agad itong umupo't yumuko, natulog suot ang malaking earphone sa tenga.
Ngunit hindi narin ako nagtangkang tignan siya, titigan siya, ayokong mawalan ng paningin kagaya ng babae kahapon na lumipat ng paaralan.
Sa mga nagawa ni Haro sa mga estudyanteng pinapahirapan nito't naipapadala sa hospital, wala sino man sa kanila ang nag tangkang magreklamo dahil imbes na si Haro ang naagrabiyado, sila ang mababaliktad. Kaya nama'y ang magagawa na lamang nila'y lumayo at hindi magpakita sa halimaw na ito.
Hindi naman nagtagal, dumating na ang guro namin.
"Class, I have an announcement for you. Settle down first please. You have a new classmate here,"
Agarang pag aanunsiyo nito.
Para namang nakukutuban ko na ang tinutukoy nitong magiging bagong kaklase namin. Napangiti ako't inabangan ang pagpapakilala ng tinutukoy ng guro.
"Introduce yourself miss. "
At tama nga ako, iyong may malaanghel na mukha ang siyang magiging kaklase namin nang umangat ang ulo ko'y nakita ko naman siyang pumasok. Hindi ko alam ngunit, gustong gusto ko ang matitigan ang kaniyang mukha. Napakaganda talaga.
"Umm.. Ako po si Ziche Vides, galing ako sa Southern High."
Malimit nitong pagpapakilala kasabay ng pagikot ng paningin sa aming mga bago din niyang kaklase. Pati ang boses.. Napakalambing, nakakagaan ng pakiramdam, ang sarap sa tenga.
Ziche Vides.
Hindi ko talaga maiwasang hindi mamangha habang nakatingin sa maamong mukha ni Ziche, na siyang nakapagpalimot ng kaninang masasakit na alaala.
"Okay miss Vides, you may sit beside Mr. Haro. "
Doo'y hindi lamang ako ang napasinghap.
Lahat ay gulat, napasinghap sa gulat pagkat sa isang halimaw ipapatabi ng guro ang napakagandang babae.
Alam ba niya ang sinasabi niya?
Hindi ko alam ngunit nang makita ko ang walang kamuwang muwang na mukha ni Ziche'y ako ang kinakabahan, ako ang natatakot para sa kaniya na baka kung ano ang gawin sa kaniya ni Haro. Sa mukha nito'y bakas ang walang kaalaman sa kung sino, anong klaseng tao ang makakatabi niya.
"Omo! Kawawa ang babaeng iyan oras na magising ang halimaw! "
"Nakuu! Siguradong aatakehin talaga yang babaeng iyan ng halimaw! Sayang, maganda pa naman! "
"Oo nga, malas niya at sa halimaw pa siya napatabi! Gwapong halimaw! Hehehe. "
"Ki bago bago pa naman, tsk, tsk, tsk. "
Pagsisimula ng mga bulungan.
Ngunit kita ko ang wala namang takot na mukha ni Ziche nang dahan dahan siyang umupo sa tabi ng natutulog na si Haro.
Nangunot ang noo ko.
Bakit..
Bakit habang sinusundan ko bawat galaw ni Ziche sa pagupo sa tabi ni Haro, may kung anong lumulukob sa loob ko na hindi ko alam. Ewan.
Hindi ko na naman pa pinansin iyon at umayos na nang upo nang magsimulang tumuro ang guro.
Nakatuon ang buo kong atensiyon sa pagtuturo nito at nang magpakuha ng sulatin upang maisulat ang mga notes na ibibigay nito, bigla'y nagkaroon na naman ng bulungan, at ito'y tungkol sa likuran, sa bagong babae at sa halimaw.
"Hala! Nagising na ang halimaw! "
"Eehhh! Ako ang natatakot sa bagohang iyan eh! "
"Sayang ang malaanghel niyang mukha kung mabibigwasan lang ng napakalaki at matutulis na kuko ng halimaw. "
Hindi ko alam kung bakit at paano nagising si Haro ngunit agaran akong lumingon sa babaeng katabi nito, nanlalaki ang mga mata ko't lumalakas ang t***k.
Nananalanging wala sanang gawin si Haro kay Ziche.
"P.. Pasensya na po. H.. Hindi ko sinasadya. "
Doo'y rinig kong nauutal na hinging paumanhin ni Ziche habang si Haro'y masama at nakakamatay ang tinging ipinupukol nito sa babae. Gusto ko sanang palayuin si Ziche sa halimaw na iyon, iligtas siya sa kung ano ang gagawin ni Haro. Ngunit hindi ko naman kaya iyon, isa lamang akong mahina't mapag isang babae.
"omyygaawd! Napakahot ng halimaw! Katakot nga lang talaga.."
"Lasta time, noong may gumising sa kaniyang babae din dahil nasagi rin siya nito, sinuntok at pinagsisipa niya yung babaeng iyon. Kawawa naman yang babaeng iyan, pagdadaanan pa iyon sa unang araw niya."
"Sigurado akong hindi ito palalampasin ng nanggagalaiting halimaw. "
Inis na tinignan ko ang nagbubulungang mga babae, hindi ko alam kung talaga bang nagbubulungan sila o nagpaparinig dahil nang marinig iyon ni Ziche, nakita ko ang agarang pangingiyak nito.
Gusto ko talaga itong puntahan.
Sana'y maawa naman si Haro at palagpasin na lamang ito.
Na siyang hinuha ko'y narinig niya, narinig ng kung sino mang santo.
Hindi nga sinaktan ni Haro si Ziche at nakita ko ang paglapit nito ng mukha sa babae.
Habang pinagmamasda'y napatingin ako sa ibaba, teka..
Bakit ganito? Ano ito?
Bakit habang tinitignan ko ang magkalapit nilang mukha'y nakakaramdam ako ng..
..sakit?
Ano?
Bakit?
Napapakurap ako at nang muling napatingin sa halimaw at ang napakagandang babae, tumindi.
Tumindi ang sakit sa loob ko.
Nasasaktan ako?
Bakit?
Para saan?
Anong dahilan?
Wala sa sariling napahawak ako sa may dibdib ko, hindi parin inaalis ang tingin sa dalawang taong nagtititigan.
Hindi ko makapaniwala.
Nasasaktan ako sa nakikita ko.
Bakit? Bakit? Bakit!?
"Beauty.. "
Mahina, malalim na boses. Narinig ko iyon. Sinambit ni Haro habang tinapik ang puntong ilong ni Ziche.
Beauty..
Beauty..
Bakit parang pamilyar?
Nasasaktan ako, naguguluhan ako.
Bakit ko ito naramdaman?
Hindi ko nakayanan na, sa harap ay muli akong tumingin, mariing napapikit, sumasakit ang ulo ko sa kalituhan.
'My beauty.. '
Ano iyon?
Sa pagkapikit ay bigla akong napadilat sapagkat bigla'y may isang boses na kagaya ng boses ni Haro ang umalingawngaw sa isip ko.
Nahawakan ng dalawa kong kamay ang ulo ko. Bakit sumasakit ang ulo ko? Mas sumasakit.
'Beauty.. Don't leave me ok? I love you..forever.. '
Ayun na naman. Ang boses na kasing lalim, kasing lamig ng boses rin ni Haro.
Kaninong boses ito?
Bakit naririnig ko ito?
Halos maiyak ako nang bigla'y may mga larawan, mga alaalang hindi ko maklaro ang rumagasa sa isip ko. Napakahilam, hindi klaro ang mga mukha.
Ano itong mga alaala?
Isang lalaki..
Isang babae..
Nagyayakapan at kita ang saya kahit pa hindi ko makita ang mga mukha.
Bakit parang pamilyar ito?
Ano ito?
Aaah! Masakit!
Napayuko ako sa mesa, mahinang ibinubunggo ang ulo habang nakapikit.
Nawala na sa isip ko ang nangyayari ngayon.
"Hala!? Hindi niya sasaktan ang babae? "
"Narinig niyo yun? "
"Oo, beauty daw! "
"Diba iyon yung tinatawag niya sa mga babaeng gusto niya? "
"Did our beast already found its beauty? "