CLARA
Lumipas ang isang araw, natapos ang buong klase na ang usap usapan sa buong NU ay ang babae dinukutan ng mata ni Haro.
Wala ng nagtaka pa, wala ng nagulat pa, naaawa na lamang sila sa babae sapagkat hindi na bago ito, hindi na bagong may mga araw na may babae, lalaki, o kahit guro pa man ang madadala sa hospital dahil sa brutal na p*******t ni Haro sa kanila.
Wala namang namamatay pero matindi naman ang mga p**********p na igagawad sayo ng halimaw na siyang parang gusto mo na lamang mamatay.
Ngayon ay pauwi na ako sa bahay naming hindi kalakihan, pumasok ako't namataan sina mama at papa.
Nasa sala sila at nag uusap, hindi pa nila ako napapansin, nang babatiin ko sana sila, bigla'y napatigil ako nang marinig ang kanilang pinag uusapan.
"Sasabihin ba natin sa kaniya? "
Si mama na may pag aalala sa mukha, nakaupo siya sa sopa katabi ni papa, nasa likuran nila ako.
Ano kaya ang sasabihin nila? Kanino?
"Hindi, hindi natin sasabihin sa kaniya Caline, anak na natin siya. Anak natin si Clara, hindi siya si Maizey Triana. Hindi na siya Triana, isa na siyang Avila! "
Nangunot ang noo ko't nagpantay ang mga kilay sa sinabi ni papa.
Maizey Triana?
Sino si Maizey Triana?
At... ako ba ang pinag uusapan nila?
"P.. Pero Rinko, paano kung makaalala.. "
"Tama na Caline! Hindi na mababalik pa ang alaala ni Maizey, si Clara na siya! Siya ang anak natin! "
Nanlaki ang mga mata ko, ako nga. Ako ang pinag uusapan nila.
Gulat at gulantang.
"M..Ma, pa.. "
Hindi ko mapigilang matawag ang pangalan nila. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanila.
Maizey Triana.
Ako ba siya?
Naguguluhan ako.
Nakita kong sabay na napatingin sa akin sina mama at papa, si mama'y nanigas at ang mukha naman ni papa'y klaro ang pagkagulat.
"C.. Clara.. "
Nauutal na pagtawag sa akin ni papa.
Napalunok ako.
Gusto kong tanungin kong anong ibig sabihin ng pinag uusapan nila, ng sinabi nila tungkol sa akin? O kay Maizey, hindi ko alam!
"A.. Anak, k..kanina ka pa ba diyan? "
Si mama na dali daling tumayo't natatarantang naglakad patungo sa akin. Nang nasa harap ay kaniyang hinawakan ang magkabila kong pisngi ng dalawa niyang kamay, may takot sa mga mata ni mama.
"A.. Anak.. Ang mga narinig mo.. Hi.. Hindi iyon.. Hindi iyon totoo okay?"
Hindi ako nagsalita, tinignan ko lamang siya.
Parang nablangko ata ang isip.
Hindi iyon totoo?
Eh ano ba ang totoo?
Sino ba si Maizey Triana?
Sino si Clara Rinker Avila?
Sino ba ako?
Doo'y di ko na namalayang tumulo ang luha ko na siyang pinahidan naman ni mama kaya't doon ko lamang nalaman ito.
Sa totoo'y hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi ni mama ngayon o sa narinig ko mula mismo sa kanilang bibig.
Nagsisinungaling ba sila sa akin?
May tinatago ba sila sa akin?
Gusto kong magtanong pero hindi ko magawa dahil natatabunan, natatakpan ng sakit ang bibig ko na siyang hindi nito binubuksan upang makapagsalita ako.
Hindi naman ako tanga para maniwalang hindi iyon totoo.
Kung magtatanong man ako sa kanila tungkol doon, wala ring halaga dahil hindi ko rin alam kung maniniwala ba ako, makikinig.
Pero gusto ko lang malaman, gusto kong madiskubre.
"M.. Ma, s..sino si Maizey Triana? "
Doo'y naramdaman ko ang unti unting pagdausdos ng palad ni mama mula sa pagkakahawak sa pisngi, dumaisdos hanggang sa tuluyan nang nawala ang haplos nito. Napaatras si mama sa harapan ko, lumingo kay papa na siyang sinundan ko rin ng tingin.
"P.. Pa.. Sino siya? "
Tanong ko rin dito na garalgal ang boses.
Nagtataka ako, talagang gulong g**o sapagkat ang pangalang Maizey Triana ay talagang pamilyar sa akin. Parang narinig ko na ito, parang kilala ko ito.
Maizey Triana.
"Walang Maizey Triana, Clara, patay na iyon at wala ka dapat pakialam sapagkag isa lamang siyang estranghero sa pamilya ng Avila. "
Ano?
Ano daw?
Estranghero?
Napaiwas ako ng tingin, tumulo na naman ang luhang di ko mapigil.
Bakit sila nagsasalita ng hindi totoo?
Bakit sila nagsisinungaling gayong narinig ko na mismo sa kanilang labi na ako, ako si Maizey Triana at hindi si Clara Rinker Avila!
Hindi ko man alam kung paano iyon nangyari, hindi ko man maintindihan kung bakit naging si Clara ako, ngunit noon paman, simula noong nagising ako sa hospital, nang hindi ko maalalang sino ako, ano ang nangyari sa akin, bakit nasa hospital ako. Doo'y naramdaman ko ng kahit pa kanilang iminungkahi ang mga naganap 'daw', kung sino 'daw' ako, may namamataan parin ako sa loob ko na parang hindi naman iyon ang nangyari, parang hindi naman iyon ang tungkol sa akin. May kulang, may nawawala.
Ngunit dahil kahit nararamdaman ko iyon, isinasawalang bahala ko na lamang dahil hindi ko rin naman alam kung sino ako at ano talaga ang nangyari.
Pero sa mga oras na ito, dito'y lubos kong naramdamang may kulang talaga, may hindi tama.
"Kung gano'y bakit niyo siya pinag uusapan? Bakit sinasabi niyong hindi na ako Maizey Triana? Sino ba ako? Sino talaga ako!? Bakit kayo nagsisinungaling!? Bakit kayo naglilihim!? Bakit hindi niyo sinasabi sa akin ang.. "
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko, natigil ang pagsasalita ko sapagkat bigla na lamang napabaling ang mukha konsa kaliwang bahagi kasabay ng p*******t ng kanang pisngi ko dahil sa isang palad na marahas na sumampal dito.
Si mama, sinampal niya ako.
"Clara! Hindi ka namin pinalaki na walang respeto! Magulang mo kami kaya't wala kang karapatang sigaw sigawan kami! Anak ka lang namin at kung ano ang sinasabi namin, iyon ang sundin mo! Iyon ang paniwalaan mo! "
Hindi ako makapaniwala. Hindi ako maka imik.
Nanatiling nakabaling ang mukha ko.
Hindi ko sila matignan, hindi ko sima kayang makita.
Ngayo'y tunay na ang lahat.
Ngayo'y klaro na ang pangyayari.
Kung ayaw nilang sabihin sa akin ang totoo'y ako mismo ang mag didiskubre. Ako mismo ang siya tutuklas sa tunay kong katauhan, sa tunay na ako, sa nagngangalang Maizey Triana at Clara Rinker Avila.