Chapter 2

531 Words
CLARA "You.. " Nakapikit na kagat ko ang pangibabang labi ko nang marinig ang boses na iyon sa likuran ko.  A.. Ako ba ang tinutukoy niya?  Gusto ko sana siyang lingunin pero baka dukutin nga niya mga mata ko, kaya't nanatili ako sa pag upo, hindi tumayo nang bigla, sa likuran ko'y naramdaman ko ang babae na si Aniya na siyang tumayo.  Wait, siya ba ang tinutukoy niya? Hindi ako?  "H.. Haro.. " Tahimik ang lahat, nagaabang ang lahat sa kung ano mangyayari.  Ako'y lihim na napabuga ng hangin sapagkat hindi pala ko ang tinutukoy ng halimaw, ngunit hindi parin naman ako lumilingon, nakayuko lamang ako dito't nakikiramdam sa likuran.  Nang bigla, "aaaaahhhh! T.. Tama naaaa! " Iyon ang umalingawngaw sa buong sulok ng silid, isang nakakapanindig balahibong sigaw, napakalakas at hindi mo mapipigilang manginig ang katawan mo sa pagkakarinig niyon.  Hindi parin ako lumingon kahit na gusto kong makita kung ano ang nangyayari, ano ang nangyari sa babae.  "Next time b***h, you don't just stare and look directly into my eyes, unless if your eyes' pretty enough but it looks like the eyes of tarsier, i don't like it. " "W.. Wag.. T.. Tama na.. " Iyon lamang ang maririnig, ang napakalamig at malalim na boses ni Haro na siyang nakapagdadala ng kilabot sa looban mo, na kahit nasa likuran ko lamang siya, hindi nakikita, ramdam ko parin kung paano ka dilim ang awra nito.  Napalunok ako.  Umiiyak si Aniya, ang babaeng hindi ko alam ko ano ang ginagawa ni Haro sa kaniya kung bakit siya umiiyak.  Walang nakapagsalita, walang nagsalita.  Nang, mula sa gilid ng mga mata ko, naglakad palagpas si Haro. Doo'y hindi ako nakahinga, doo'y mas lalo akong yumuko.  Hanggang sa nakalabas si Haro, doon ko lamang naipalabas ang hininga ko, doon ako tumingin sa babaeng nasa likuran ko na siyang laking gulat ko na lamang nang makita ito.  Totoo nga, may mawawalan nga ng mata sa araw na ito, at ngayon habang hawak at takip ni Aniya ang dumudugong mata, hindi ko mapigilang mapalingon sa pintuan ng silid na ito kung saan lumabas si Haro.  Halimaw nga talaga siya.  "Nakakatakot siya, dinukot niya talaga ang mga mata niya! " "Hoy! Tumawag kayo sa hispital dali! " Nang marinig ko ang natatarantang mga kaklase ko, muli akong tumingin kay Aniya, tinanggal na niya ang kamay sa mga mata, doo'y nakita ko ang pag agas ng mga dugo mula dito na para bang umiiyak siya ng dugo. Nakakakilabot siya pagmasdan, nakakakilabot ang may gawa niyan. Walang puso. Halimaw.  "A.. Ang mata ko.. A.. Ang mata.. M...Masakit.. H.. Hindi a..ako makakita.. " Garalgal ang boses nito at paos. "Oh my God! What happened to her!? " Doo'y sa wakas ay dumating na ang guro, gulantang ang mukha nito habang tinatakpan ang nakangangang bibig. Sino nga ba namang hindi masisindak kung makakakita ka ng isang bababeng dukot ang mata, isa mong pang estudyante.  Agad naman nang nagmuwestra ang guro na ito na kaagad alalayan ang babae dahil paparating na ang ambulansiya.  Alam ko, alam rin ng guro, hindi pa man siya nagtatanong, alam na niya kung sino ang may gawa nito, sino ang hindi mag aatubiling gawin ito.  Haro Rendrix. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD