Chapter 1

748 Words
CLARA  "Ayan na, ayan na, ayan na! Ommy! Ang gwapo talaga ng beast prince natin ano?" "Oo nga! Kahit pa halimaw ang pag uugali niya pero, eeeeeh!! Napaka hot naman! " "Oh em! I really want to be his beauty! " Rinig kong bulungan ng mga kaklase ko, nasa harapan ako't nasa likod naman sila, nilingon ko ang tatlong mga babaeng iyon pagkatapos ay sa pinag uusapan nila. Ang beast prince. Si Haro Rendrix.  Siya ang tinaguriang halimaw ng North University. Siya ang siyang kilala bilang beast prince dito dahil kahit pa ang pag uugali nito'y malahalimaw nga, ang angkin naman nitong kagwapoha'y hindi maipagkakailang nakakalalag ng suot mong napkin at kahit wala kang suot na napkin, sigurado namang matres mo ang malalaglag. (pweh! Korni ng utak koxD)  Habang nakalingon at nakatanaw kay Haro, nakita ko ang kadalasan nitong ginagawa, ang matulog habang may nakasukbit na malaking earphones sa tenga.  Ganito ito, pumapasok ngunit hindi naman nakikinig, hindi naman siya magawang suwayin ng mga guro dahil halos kalahati ng NU ay pag aari nila. Sila ang may pinakamalaking investment dito, na siyang hindi na nakakapagtaka dahil sobrang yaman nila, isa sila sa pinakamayaman dito.  Matagal ang pagtitig ko sa natutulog na si Haro, bagama't hindi ko makita ang mukha'y hindi ko parin maiwas ang tingin ko dito.  Ganito ako palagi, sa tuwing mamamataan ng mga mata ko ang lalaking ito, hirao na akong muling mabawi ang paningin ko mula rito.  Hindi ko alam kung bakit ganito. May nararamdaman akong kakaiba kay Haro. Para bang pamilyar, hindi ko alam.  Nang bigla, nagulat ako, nanlaki ang mga mata nang makitang inangat nito ang ulo't deretso ang tingin sa gawi ko.  Ang mga mata nito, nakakatakot. Nanlilisik.  Natahimik ang lahat, ako'y hindi magawang makaiwas ng tingin.  Gusto kong umiwas, ialis ang tingin sa halimaw na ito ngunit hindi ko magawa.  Bakit di ko maialis ang mga mata ko sa kaniya!?  Ang mukha niya..  Bakit parang pamilyar!?  Oo ito ang dahilan, madalas kong tinititigan, minamasdan si Haro sapagkat may nararamdaman talaga akong kakaiba mula nang una ko siyang makita. Magkaklase nga kami ngunit kailan ma'y hindi kami nag usap, nagpansinan, wala, hindi kami magkakilala at sa palagay ko'y hindi niya ako kilala. Isa lamang naman akong loner sa slwelahang ito, palaging nag iisa't walang kaibigan. Hindi ko rin naman gustong magkaroon at walang balak. Iniiwasan ko ang pakikipagkaibigan. Ayokong maulit ang dati.  At dahil dito sa pag iwas ko rin, naging dahilan nito ng kailan ma'y hindi namin pagkukrus ng landas ni Haro. Hindi ko nga rin alam kung alam ba niyang may nabubuhay na Clara Rinker Avila. Ngunit gayun paman kilala ko siya dahil minsan nang napahinipan ko ang mukha niya, ang seryoso't walang emosyon niyang mukha.  Mula nung panaginip na iyon, doon na nagsimula ang kakaibang pagtibok nang puso sa tuwing darating na siya sa silid aralan na ito, ang biglaang mararamdaman kong pangunhulila habang tinatanaw't pinagmamasdan ko siya. Laking pasasalamat ko na lamang at hindi niya ako nahuhuli kaya't mula noon pa ma't hanggang ngayo'y palihim ko na siyang tinitignan. May gusto ba ako sa kaniya?  Hindi ko alam. Ang alam ko lamang ay pamilyar siya sa akin, pamilyar na para bang nakilala ko na siya.  Hindi ko alam, naguguluhan ako sapagkat kailan ma'y hindi ko siya nakita.  Ngayon lamang na naging magkaklase kami, kaya't bakit siya pamilyar?  Sino ba talaga si Haro Rendrix?  Natahimik ang lahat nang tumayo si Haro, lahat ay umiwas ng tingin maliban sa akin. Lahat ay nanginig maliban sa akin, lahat ay natakot maliban sa akin.  Bakit?  Hindi ko alam, hindi ako natatakot sa kaniya kahit pa nga'y siya ang pinakamapanganib na halimaw dito.  Ngunit ngayo'y nagulat ako.  Ngayo'y napalunok at biglang nilabasan ng pawis.  Nang tumayo si Haro, umalis ito sa inuupuan at naglakad.. ..naglakad papunta sa gawi ko! Doon na ako napaiwas. Bakit siya papunta sa gawi ko?  Nahuli niya ba akong tumititig sa kaniya?  Napapikit ako ng mga mata, mariing napapikit nang marinig ang mga hakbang nitong papalapit sa akin.  Parang naging slowmo ang lahat, ang paghakbang, ang tunog. Kumabog ang dibdib ko, ngunit hindi sa kaba.  Sa pananabik?  Bakit?  Iyon na lamang palagi.  Bakit.  Kailan ko ba masasagot ang bakit na iyan?  "Hala!? Patay ang babaeng iyan! " "Naku, naku, naku! Talagang walang nakakaiwas sa matatalas na mata ng halimaw!" "Humanda ang babaeng iyan, bakit ba naman kasi naglakas loob na titigan ang halimaw gayong iyon ang pinakaayaw nito? " "Mukhang may mawawalan ng mga mata. " Doo'y nanigas ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD