MAXINE’S POV Dahil hindi namin na overlook ang buong sa Sentosa mula sa cable car, ay naisipan namin ni Lucas na pumunta dito sa Henderson Waves Bridge. At dahil medyo hapon na ay dito namin panonoorin ang paglubog ng araw. Nakaupo kami ni Lucas dito sa isang tabi at masayang nakatingin sa langit, habang ang mga kamay namin ay ayaw nang maghiwalay mula sa pagkakahawak kamay naming na dalawa. “Babe, sobrang saya ko ngayon. Kasi finally, kasama na kitang muli,” sabi ni Lucas habang pinipisil niya ang aking kamay. Dahil nasa likuran ko si Lucas ay nakayakap na rin siya sa akin. At ang kanyang baba ay nakapatong sa aking balikat, dahilan upang maramdaman ko ang kanyang mainit na hininga sa aking pisngi. Ngumiti ako at humarap kay Lucas. “Masaya rin ako, babe, at hindi ko inaasahan na muli

