MAXINE’S POV Masaya kong pinagmamasdan ang mukha ni Lucas, habang natutulog siya. Mukang napagod ang mokong. Dahil hindi niya ako tinigilan kagabi. Hindi lang isa o dalawang beses kaming nag-s*x. Kaya eto, plakda ang mokong, habang ako’y masakit ang katawan, lalong-lalo na ang nasa pag-itan ng aking hita. Nagdesisyon na akong bumangon upang maglinis ng aking katawan. Nakasanayan ko na rin ang bumangon ng maagap. At tuwing lingo ako naglilinis ng aking silid. Habang tulog si Lucas ay maliligo na ako, dahil mukang wala akong magagawa ngayon dahil kay Lucas. Papasok na ako ng bathroom ng may yumakap mula sa aking likuran at hinalikan ako sa aking leeg. “Ang bango-bango talaga ng baby ko,” sabi ni Lucas na may kasamang lambing.

