MAXINE’S POV Andito kami ngayon ni Lucas sa Fairprice NTUC dito sa Velocity, kung saan ako namimili ng mga kailangan ko katulad ng mga personal hygiene. Napatawa si Lucas nang tumigil kami sa tapat ng mga pads o napkin. “Why are you laughing?” tanong ko kay Lucas nang kumuha ako ng pads at ilagay ito sa cart na siya ang nagtutulak. “Nothing! I just laugh. . . because I think you don’t need that next month and you can’t use it for nine months,” mabilis niyang tugon Bigla akong natigilan dahil sa sinabi ni Lucas. Malaki ang chance na mabuntis ako, lalo na at hindi siya nagwi-withdraw. “What if magkaroon ako?” katwiran ko, kaya kumuha pa rin ako ng pads. “Really? I think you already forget your fertility days,” katwiran ni Lucas na lalong nakapag-isip sa akin. Napailing ako. “You

