MAXINE’S POV Ngayon ang araw ng fashion event nina Lucas. Isa siya sa rarampa na tanging men’s underwear lang ang suot. Maagang natapos ang trabaho ko sa school. Umuwi lang ako sa condo upang magpalit ng formal dress, dahil balak ni Lucas na ipakilala ako sa kanyang manager bilang fiancee. Ang sabi ni Lucas kung may pagkakataon ay ipapakilala rin niya ako kay Ben Chan, ang founder ng Bench. Adito ako ngayon sa City Hall MRT Station kung saan matatagpuan mo ang Raffles City Covention Centre, kung saan gaganapin ang fashion event nina Lucas. Naglalakad ako palabas ng MRT Station ng tumunog ang aking cellphone at nakita kong tumatawag si Lucas. “Hello, babe,” sabi ko nang sagutin ko ang tawag ni Lucas. “Hello, ba

