MAXINE’S POV Wala akong tigil sa pag-iyak habang yakap-yakap ko si Lucas, mula sa kanyang likuran. “Lucas, maniwala ka naman sa akin. Niyakap lang niya ako, kasi umiyak ako. Nagselos ako kay Bianca,’’ pagtatapat ko habang umiiyak. Hindi ko kakayanin kapag tuluyang magalit sa akin si Lucas. Inalis ni Lucas ang mga kamay ko na nakayakap sa kanya at humarap siya sa akin. Tinitigan ako ni Lucas sa aking mga mata at pinahid niya ang aking mga luha. “Babe, I’m sorry, nabigla ako,” sabi ni Lucas at niyakap niya ako nang mahigpit. “Nagselos lang talaga ako. Knowing na. . . na may gusto siya sa ‘yo,” pagtatapat niya sa akin. Yumakap ako nang mahigpit kay Lucas. “Babe, I’m sorry din,” paghingi ko ng tawad kay Lucas dahil

