(ANG KATOTOHANAN SA TUNAY NA PAGKATAO NI GABRIEL) LUCAS’S POV Gagawin ko ang lahat mahanap ko lang si Maxine at mabawi mula kay Gabriel. Hinding-hindi ako papayag na paghiwalayin niya kaming dalawa. Nakahanda akong makipagpatayan kay Gabriel, para sa babaeng mahal ko. Kausap ko ngayon si General Mondragon upang hanapin si Maxine nang biglang tumunog ang aking cellphone, at nakita kong si Maxine ang tumatawag sa akin. Mabilis kong sinagot ang kanyang tawag. “Hello, Babe, nasaan ka? Saan ka dinala ni Gabriel?” sunod-sunod kong tanong kay Maxine. “Babe, tulungan mo ako! Dinala ako ni Gabriel dito sa Tiaong,” mabilis na tugon sa akin ni Maxine mula sa kabilang linya. “Tutulungan kita. Pero bakit ngayon ka lang tumawag sa akin?”

