(THE WEDDING) MAXINE’S POV “Saan mo ba ako dadalhin, Gabriel?” lakas loob kong tanong kay Gabriel nang mapansin kong andito na kami sa Sto. Tomas Batangas. Tumingin sa akin si Gabriel. ‘‘Saan pa? Eh, ‘di sa lupain ko sa Quezon! At doon kita ibabaon.’’ Ngumisi si Gabriel at muling nagsalita. “Napakamalas mo lang! Dahil ikaw ang babaeng mahal ng lalaking kinamumuhian ko!” Napalunok ako nang muling haplusin ni Gabriel ang aking hita. “Gabriel, bakit pati ako? Kailangan mong idamay sa galit mo kay Lucas? Bakit hindi siya ang harapin mo? Kung talagang matapang ka,” sunod-sunod kong tanong kay Gabriel na tinawanan lang niya. Itinigil ni Gabriel ang sasakyan at hinarap ako. “Maxine, madali naman akong kausap. Magpakasal ka sa akin at kalimutan

