CHAPTER 1

1475 Words
MAXINE'S POV Ako si Maxine dela Vega, isang scholar dito sa Princeton University, sa kursong Bachelor of Secondary Education (BSED), at ngayon ay matatapos ko na rin ang apat na taon kong pag-aaral dito sa university. Sa tuwing maaalala ko noong unang taon ko pa lamang dito sa unibersidad, ay natatawa na lamang ako, dahil wala akong kaibigan noon. Nilalayuan ako ng aking mga classmate dahil sa porma ko. Kaya hindi na ako nagtaka, kung bakit ayaw nila sa akin, dahil isa akong probinsyana at manang manamit with matching big eyeglasses na suot. Kaya ganoon na lamang nila akong pagtawanan dahil sa hitsura kong nerdy. Until the day na makilala ko ang aking mga kaibigan na sina Sahara, Heather, Carly, Ariella at Biatrez. Malayong-malayo ang hitsura ko sa kanila, dahil mga ismarte at sopistikada sila kung titingnan, kumpara sa akin na isang manang manamit at nerd. Ngunit tinanggap pa rin nila ako bilang kaibigan kahit magkakaiba kami ng course. Si Heather ang una kong naging kaibigan sa kanilang lahat, hanggang sa maging kaibigan ko na rin silang lahat. Si Sahara Del Rio, ay magtatapos sa kursong Business Management, isa siyang anak ng congressman. Si Heather Arellano naman na anak ng Dean dito sa unibersidad namin ay magtatapos sa kursong Interior Design. Si Carly Randall ay nagsunog ng kilay sa kursong Fashion Design. Si Ariella Trinity Visconde, ay nag-aral ng kursong AB Mass Communication major in broadcasting dahil ang pamilya nila ang may-ari ng ATV Network dito sa Pilipinas, at si Biatrez Toralba na magtatapos na rin sa kursong Fine Arts. Sa aming anim, si Sahara ang palaging sumusuway sa kaniyang ama, dahil magkaiba sila ng plano sa buhay ni Sahara. Samantalang si Heather ang una kong naging ka-close, dahil malimit niya akong ipagtanggol sa tuwing may nambu-bully sa akin dito sa Princeton. Ganoon na rin sina Carly, Biatrez at Ariella. Masaya ako habang nakatayo dito sa stage upang magbigay ng speech bilang isang summa c*m laude ng BS Education. Tama kayo nang narinig, ako pa rin ang naging summa c*m laude, kahit matindi ang naging kompetisyon namin ni Yngrid Monteverde, ang mahilig mam-bully sa akin noon at magpa-hanggang ngayon. "To our School President Mr. Benjamin Cuevaz, to our faculty and staff, honorable guests, the parents and loved ones, my fellow graduates, it is an honor for me to able to speak as the summa c*m laude of our batch. And on behalf of my fellow graduates, thank you for being here and celebrating with us this memorable ceremony." Habang nagsasalita ako dito sa stage ay tanging kay Lucas lamang naka-focus ang aking paningin. Si Lucas Buenaventura ang aking ultimate crush dito sa campus, at alam lahat ng mga kaibigan ko ang paghanga ko sa kaniya, especially Heather. Minsan na rin niyang inaway si Lucas, dahil sa pagiging arogante nito sa akin. Sa tuwing nakakasalubong ko siya palagi niya akong sinusungitan at tila nandidiri siya sa katulad kong probinsyana. Hanggang sa malaman kong...he hates 'promdi' na katulad ko, at ako naman itong si gaga, hindi nadadala sa paghahabol sa kaniya, tuwing may laro siya ng basketball. Sino naman kasing hindi magkakaroon ng crush kay Lucas, napakagwapo niya at ang galing pang maglaro ng basketball. Kaya nga siya palagi ang napipiling MVP. Habang nagsasalita ako'y nakaramdam ako ng lungkot sa aking puso, dahil pagkatapos ng araw na ito ay hindi ko na makikita si Lucas. "During our time as BSED students, we build strong relationship and we became better version of ourselves. As I expected teacher wasn't an easy journey of our lifes...because we need to study for our future students." Nagtama ang mga mata namin ni Lucas, at hindi ko alam kung bakit bigla niya akong nginitian. Napansin ng mga kaibigan ko ang aking pagngiti habang nagsasalita. Kaya naman nangunang lumingon si Heather, upang tingnan kung kanino ako ngumiti. Nakita ko na napailing na lamang si Heather sa akin, dahilan upang bumaling ako nang tingin sa kanila at nagpatuloy na ako sa pagbibigay ng speech. "Tonight as we celebrate, our success and the end of our academic journey, I would like to thank our teachers, who have patiently taught us and inspired us to become who we are today." Isang ngiti ang aking pinakawalan. "And as I end my speech I would like to leave a simple question for you to ask yourselves. Are you living you are truly capable of? And with that my fellow graduate, thank you and congratulations." Pagkatapos ay nagpalakpakan ang lahat ng mga kapwa ko estudyante at ang mga guro namin. "Congrats, Maxine," sabay-sabay na bati sa akin ng mga kaibigan ko. "Thank you," matipid kong tugon habang ang mga mata ko ay nakatingin pa rin kay Lucas. "Alam mo, Maxine, kung yelo lamang si Lucas...malamang tunaw na sa mga titig mo," biro sa akin ni Heather. Ngumiti ako at tumingin sa kanila. "Sinusulit ko lang naman ang araw na ito.. na makita at titigan siya. Baka kasi...hindi ko na siya makita, after nitong graduation," paliwanag ko sa malungkot kong boses. Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ko ngayon, dahil sa wakas ay nakatapos na rin ako ng aking pag-aaral at natupad ko ang pangako ko sa aking mga magulang, na magtatapos ako bilang c*m laude. Malungkot naman ako dahil hindi ako nabigyan nang pagkakataon na mapalapit kay Lucas. "Huwag n'yo nang tuksuhin si Maxine. Ang mabuti pa'y mag-celebrate tayo mamaya," suway ni Sahara sa aming mga kaibigan. "Hindi ako p'wede mamaya. Nagpa-book na si Daddy sa Shangrila para doon namin i-celebrate ang graduation ko," pagtanggi ni Ariella. "Next time na lamang, Sahara," segunda naman ni Carly. Ngumiti nang pilit si Sahara. "Okay, basta mag-celebrate tayo kapag free na kayong lahat," pag sang-ayon niya. Lumipas ang ilang oras ay natapos na rin ang graduation namin, dahil may kanya-kanya silang party, naghiwa-hiwalay na kami. Lahat sila ay may kani-kanilang service pauwi, habang ako ay maglalakad lamang patungo sa dorm na tinutuluyan ko. Plano ko munang umuwi ng Quezon bago magsimula ang board exam. Dito na rin ako sa Princeton College mag-re-review para sa board exam. Naglalakad ako dito sa likod ng campus, nang may biglang sumabay sa akin sa paglalakad. Halos manigas ang aking mga paa nang biglang magsalita ang lalaking sumabay sa akin. "Maxine, congratulation nga pala," pagbati sa akin ni Lucas. Hindi ako makapaniwala na babatiin niya ako at sasabayan pa sa paglalakad. May nakain ata ang supladong ito para lapitan ako. Alam ko sobrang inis siya sa akin, dahil isa akong probinsyana. "T—thank you, Lu—Lucas," nauutal kong tugon, dahil halos umurong na ang dila ko ngayon dahil sa prisensya ni Lucas. Humarang si Lucas sa unahan ko, dahilan upang tumigil ako sa paglalakad, at tila na kuryente naman ako, nang hawakan niya ang aking mga kamay. Halos tumigil ako sa paghinga nang ilapit ni Lucas ang kaniyang mukha sa aking mukha at titigan ako. Ngumiti siya, pagkatapos ay inalis niya ang suot kong salamin. "Mas maganda ka pala, kapag hindi mo ito suot." Sabay taas niya sa aking eyeglasses. Ngumiti ako nang pilit. "Lucas, hindi ako p'wedeng walang salamin. May astigmatism kasi ako. Sumasakit ang ulo ko, kapag wala akong suot na salamin," paliwanag ko. "Ganoon ba? Sige...isusuot ko na ulit sa 'yo," mabilis niyang tugon at isinuot na nga niya sa akin ang aking salamin. Ngumiti siya at muling nagsalita. "Maxine, p'wede ba kitang ihatid?" Tumango na lamang ako bilang tugon, dahil ang puso ko'y lumulundag sa saya. Hindi nagtagal ay narating na rin namin ang dorm na tinutuluyan ko. "Thank you, Lucas, sa paghatid," pasasalamat ko kay Lucas. "Wala 'yon." Huminga muna siya nang malalim bago muling magsalita. "Maxine, i-invite sana kitang kumain sa labas bukas ng gabi. Kung okay lang sa 'yo?" Tama ba ang narinig ko. Inaaya ako ni Lucas na kumain sa labas bukas ng gabi. Kinurot ko ang aking sarili, upang malaman ko, kung nanaginip nga ba ako ngayon o hindi. Nang masaktan ako'y ngayon ko lamang napatunayan na hindi ako nanaginip. Magsasalita na sana ako, pero bigla kong naalala na uuwi nga pala ako ng Quezon bukas ng madaling araw. Tumingin ako kay Lucas na may halong lungkot. "Lucas, uuwi kasi ako sa probinsya namin...bukas ng madaling araw. Kaya hindi ako p'wedeng sumama sa 'yo...bukas ng gabi," pagtatapat ko sa kaniya. "Ganoon ba? Ilang oras ba ang biyahe hanggang Quezon?" tanong niya sa akin. " Four to five hours. Minsan kapag mahaba ang traffic, inaabot ng six hours," mabilis kong tugon. Tumango-tango si Lucas at muling tumingin sa akin. "Samahan na lamang kita pauwi ng Quezon. Susunduin kita bukas ng umaga dito," pahayag niya. Hindi pa man ako nakakasagot sa kaniya'y mabilis niyang kinuha ang cellphone ko at tinawagan niya ang kaniyang numero. "I will call you tomorrow, early in the morning, okay." Sabay halik niya sa aking noo, pagkatapos ay umalis na siya at naiwan akong nakatulala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD