CHAPTER 2

1526 Words
MAXINE'S POV KINABUKASAN, nagising ako sa ingay ng aking cellphone. Pupungay-pungay pa man ang aking mga mata ay sinagot ko na ang tumatawag. "Hello, sino 'to?" walang buhay kong tanong sa taong tumawag sa akin. Halos mawala naman ang antok ko nang marinig ko ang nagsalita. "Hey, Maxine, it's me...Lucas." pagpapakilala sa akin nang tumawag. Hindi ako makapaniwala na tatawagan niya ako sa ganitong oras. It's only fourty in the morning. Parang gusto kong tumili sa saya. "One, two, three," pagbilang ko sa aking isip bago ko muling kausapin si Lucas. Sino ba naman ang 'di mawawala sa sarili, kapag mismong crush mo ang kumakausap sa 'yo. Feeling ko tuloy, ang haba-haba ng hair ko. "Lucas, napatawag ka," mga salitang lumabas sa labi ko habang kinikilig. Narinig kong tumawa si Lucas bago magsalita. "Hey, Maxine...you haven't gotten up yet? You mean, you're still in bed? But I thought we were going to your province? That's why I'm here," mga katagang binitiwan ni Lucas mula sa kabilang linya. Tila natauhan naman ako nang dahil sa sinabi ni Lucas. Ngayon lamang pumasok sa isip ko na uuwi nga pala ako sa Quezon, at nagsabi siyang sasama siya sa akin. "s**t!" mura ko sa aking isip, dahil hindi pa ako prepare. Nawala sa utak ko ang mag-ayos ng mga gamit ko nang dahil sa paghalik niya sa noo ko kahapon. "C'mon, Maxine, umayos ka, huwag kang mataranta," bulong ko sa aking sarili. I took a deep breath. "Lucas, I'm sorry. I just woke up...b'coz of your call. And I—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang magsalita si Lucas. "I will give you ten minutes, to get ready. Or else." "And what?" curious kong tanong. "Or else, pupuntahan kita diyan sa loob at para ako na mismo ang magpapaligo sa 'yo," seryosong sabi ni Lucas at pinatay na niya ang kaniyang linya. Oh my gosh! He just only give me ten minutes to get ready, ni hindi pa nga ako nagsisipilyo. At dahil may sampung minuto lamang ako ay nagmadali na akong pumunta ng banyo upang maligo. Wala ako sa aking sarili habang naliligo, dahil kailangan kong magmadali at baka totohanin pa niya ang sinabi niya. "Eh, kung tagalan ko nga kaya? Pupuntahan nga kaya niya ako para paliguan?" pilyang tanong ko sa aking sarili. Ipinislig ko ang aking ulo dahil sa makamunduhang pumapasok sa isip ko. Ano ba itong nangyayari sa akin? Nang dahil kay Lucas, kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko, naturingan pa naman na virgin pa ako at never pang nakatikim nang luto ng Diyos. Ngumiti ako nang pilya nang maalala ko ang magandang katawan ni Lucas. Ilang beses ko nang nakita ang six pack abs ni Lucas, sa tuwing binobosohan ko siya, after ng swimming class niya. Every year ay inaalam ko ang schedule ni Lucas, since the day I'm in love with him. Hindi ko lang siya basta crush, andito siya sa aking puso, kahit pa hindi niya ako pinapansin. Tamang-tama na natapos ang oras na binigay sa akin ni Lucas, ay natapos na rin akong mag-ayos ng mga gamit ko na dadalhin pauwi. At 'yong paliligo ko, sa Quezon na ako maliligo nang said. Kasi thirty minutes talaga ang oras ko sa paliligo, at hindi ako sanay maligo in just five minutes. Halos basa pa ang aking buhok nang puntahan ko si Lucas. He look so simple today. He just only wear denim short until his knee, with his black t-shirt na round neck ang leeg, na halos bumakat naman ang kaniyang abs sa sobrang fit ng suot niya. Napalunok ako nang bumaba ang aking paningin sa baba ng kaniyang beywang. Hindi maipagkakaila ba may ipinagmamalaki siyang sandata. Isang ngiti ang pinakawalan ni Lucas at tinitigan ako. "What took you so long?" Sabay kuha niya sa aking bag at inilagay niya ito sa hulihan ng kaniyang Toyota Hiace car. Nagmula sa isang mayamang pamilya si Lucas. Kilalang businessman ang kaniyang ama, at isa sa kilalang mall dito sa buong Pilipinas ay pag-aari nila, walang iba kung 'di ang LB Shopping Mall. Kay walang imposible na magkaroon siya ng sariling sasakyan. Kinagat ko ang aking ibabang labi. "I'm sorry, na-late lang talaga ako nang gising. May isang tao kasi ang hindi ako pinatulog kagabi," pagdadahilan ko. Tumango si Lucas at inilapit niya sa akin ang kaniyang mukha. "Next time na ma-late ka sa usapan natin...hahalikan talaga kita," mga katagang lumabas sa labi niya habang magkalapit ang aming mukha. Halos manigas ako sa aking kinatatayuan at naramdaman ko ang mga paro-parong lumipad sa aking tiyan. Hindi ko maibukas ang mga labi ko, dahil kaunti na lamang ay magdidikit na ang aming mga labi. Hindi ko alam ang aking gagawin kung pipikit ba ako o hindi, dahil ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga. Ngumiti si Lucas. "Can I open the door?" maya-maya ay tanong ni Lucas. Tumango ako at umalis sa pagkakaharang ko sa pintuan ng kaniyang kotse. Ngayon ko lamang nalaman na nakaharang pala ako sa pintuan ng kaniyang sasakyan. Ang akala ko pa naman ay matitikman ko na ang aking unang halik. "Sorry, hindi ko alam na nakaharang pala ako," hingi ko nang paumanhin habang bakas sa aking mukha ang pagkapahiya. Tinulungan niya akong makasakay ng kotse at pati seatbelt ko ay siya na rin ang nagkabit. *** Tayabas, Quezon Makalipas ang apat na oras na biyahe ay nakarating na rin kami sa aking probinsya at bayan na sinilangan. "Ang ganda pala ng bayan mo," basag ni Lucas sa aming katahimikan. Ngumiti ako nang pilit, dahil hindi pa rin nawawala sa isip ko na, 'he hates promdi,' katulad ko. "Maganda talag dito, lalo na kapag buwan ng May. Maraming night party sa gitna ng bayan," pagmamalaki ko. Tumango-tango si Lucas at ngumiti nang pilyo. "So dapat pala sa May, bumalik tayo dito." Sabay tigil niya nang sasakyan sa gasoline station upang magpa-gas. Gustong magdiwang ng puso ko dahil sa ipinapakitang kabaitan sa akin ni Lucas ngayon. After all this year ay nakasama ko rin siya at as in kami lamang dalawa, na kung iisipin mo ay p'wede naming gawin ang ginagawa ng mga mag-asawa. Pero hindi p'wedeng mangyari 'yon, dahil nakikipagkaibigan lang naman sa akin 'yong tao. Nang matapos kaming magpagasolina ay muling pinaandar ni Lucas ang kaniyang sasakyan at itinuro ko naman ang kalye patungo sa aming tirahan. "Sa village pala kayo nakatira," sabi ni Lucas nang ipasok niya ang sasakyan sa gate ng Intertown Homes. Umiling ako. "Hindi kami dito nakatira sa village. Ito lamang 'yong malapit na daan papunta sa bahay namin," pagtatapat ko. "Oh, I see," tanging reaksyon ni Lucas nang ipatigil ko ang sasakyan sa pinakadulo ng subdivision. Tinulungan niya akong bumaba ng sasakyan at siya na rin ang nagdala ng mga gamit ko at pagkatapos ay magkahawak kamay kaming naglakad patungo sa munti naming tirahan. Napatawa na lamang ako nang halos mandiri si Lucas sa paglalakad sa may talahiban. Halatang ayaw niyang nadidikitan ng mga talahib. "Okay ka lang?" tanong ko sa kaniya nang palisin niya ang talahib na dumikit sa kaniyang balat. "Ha! Yes, I'm okay," matipid niyang tugon at nagpatuloy na kami sa paglalakad at muli niyang hinawakan ang aking kamay. Ngumiti ako dahil lihim na nagdiriwang ang aking puso, dahil pakiramdam ko ay boyfriend ko siya. Hindi nagtagal ay narating na namin ang munti naming kubo. Dahil hirap kami sa buhay ay sa ganitong tirahan lamang kami kayang buhayin ng aking ama. "Ate Maxine, dumating ka na!" sigaw ng bunso kong kapatid na si Jessica nang makita niya ako habang naglalaro at tumakbo na siya palapit sa akin. "Kuya Justine, andito na si Ate Maxine!" tawag niya sa kapatid kong lalaki. Lumabas ng bahay ang aking kapatid na lalaki, kasunod ang aking mga magulang na tila nagulat nang makita nila ako. "Ate Maxine, bakit may kasama kang lalaki?" tanong ni Justine sa akin. "Justine, siya si Lucas, ka—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang sumigaw nang malakas ang aking kapatid. "Ye-hey! May boyfriend na ang ate ko." Napalunok naman ako nang pormal na nagsalita ang aking ama. "Maxine, pumasok na kayo sa loob at mag-uusap tayo," utos sa akin ni Tatay Maximo. Kahit kailan talaga, napaka-advance ng utak ng aking ama. Panigurado ako, iniisip niyang boyfriend ko si Lucas, ni sa pangarap ko ay malabong mangyari, b'coz...I'm not the girl that he wanted too. "Anak, bakit ka nag-uwi ng lalaki?! Magtapat ka nga sa amin ng ina mo...buntis ka ba?!" singhal ng aking ama na nagpaubo sa aming dalawa ni Lucas. Napalunok ako, dahil ganoon agad ang pumasok sa isip ng aking mga magulang. "Hello, paanoo ako mabubuntis? Ni halik nga, hindi ako nakakatikim," bulong ko sa aking isip. "Nay, Tay, hindi po ako buntis." Tumingin ako kay Lucas. "At hindi ko po boyfriend si Lucas, kaibigan ko lamang po siya," pagtatapat ko na ikinatuwa ng aking ama. Mabuti na lamang at naniwala agad sila sa akin, dahil kung hindi, ay baka hinayaan na ng itak ni tatay si Lucas para pakasalan ako. Sayang, pagkakataon ko na sanang pikutin siya, pero ayaw ko naman na kaya niya ako papakasalan ay dahil pinikot ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD