MAXINE'S POV
"Mabuti naman, at hindi mo pala nobyo ang lalaking 'yan," seryosong sabi ng aking ina na hindi ata natiis ang hindi magsalita.
Hindi ko naman masisisi na mag-isip sila ng ganoon, dahil first time kong magsama ng isang kaibigan at lalaki pa. Pagkatapos, nagkataon na si Lucas pa.
Lumapit ako sa aking mga magulang. "Nay, Tay, sumama lamang po sa akin si Lucas, para makapamasyal dito sa 'tin. Isa pa po, gusto kong ipakita sa inyo 'to." At kinuha ko ang medalya mula sa aking bulsa at ipinakita sa kanila. "Nay, Tay, natupad ko na po ang ipinangako ko sa inyong...magtatapos ako bilang isang summa c*m laude," masayang sabi ko na ikinaiyak ng aking ina, dahil sa labis na kaligayahan.
Alam kong sa munting medalya na ito ay tuwang-tuwa sila, dahil nakapagtapos ako na may karangalan. Malimit nilang ipagmalaki sa tao, na kaming mga anak nila ang kayamanan nila sa buhay.
"Maxine, anak...masaya ako para sa 'yo." At isang ngiti ang pinakawalan ng aking ina, bago muling magsalita. "Sayang lang...at hindi kami nakaakyat ng stage, para isabit ang medalya mo, anak." Sabay yakap sa akin ng aking ina.
Naghiwalay kami sa pagkakayakap nang biglang magsalita ang aking ama.
"Maxine, dapat maghanda tayo! Dahil...nakatapos ka na sa 'yong kolehiyo. At tamang-tama ang dating n'yo, dahil nakapag-ani na ako sa ating palayan," masayang wika ng aking ama at kinuha niya ang medalya mula sa akin. Pagkatapos ay isinabit niya ito sa dingding namin, katabi sa mga medal ko simula daycare ako. "Ayan, anak, nadagdagan na ulit ang medal mo," muling sabi ng aking ama.
Masaya kong pinagmasdan ang mga medalya ko sa dingding, dahil hirap man kami sa buhay, ay nagsikap ang mga magulang ko na makapag-aral ako sa highschool. Mabuti na nga lang at ma-swerte akong nakakuha ng scholarship sa Princeton University, upang makapag-college at hindi ko sinayang ang opportunity kong makapag-aral ng BSED. Tanging pambayad ko lamang sa dorm ang pinagsikapan ng aking mga magulang na matugunan at kung mamalasin pa'y, nakakapanghiram ako sa aking mga kaibigan lalong-lalo na kay Heat, kapag nahuhuli ang padala sa akin ng pera ni Tatay Maximo. Napakaswerte ko rin at nagkaroon ako ng mga kaibigang katulad nila. They treated me as a sibling, hindi basta kaibigan lang.
Napalingon ako kay Lucas nang magsalita siya.
"Ang galing mo talaga, Maxine, ang dami mong medal," puri niya sa akin, habang ang mga mata ay sa mga medal ko nakatingin.
"Matalino talaga 'yang anak namin. Kaya kung may balak kang manligaw sa anak ko...ako muna ang liligawan mo," seryoso at makapangyarihang wika ng aking ama.
Tanging ngiti lamang ang ibinigay ni Lucas sa aking ama.
Gusto ko namang mahiya dahil sa sinabi ni Tatay Maximo kay Lucas. Ewan ko ba, kung bakit siguradong-sigurado siya na liligawan ako ni Lucas. Samantalang, ngayon lamang ako nabigyan ng pagkakataon na mapalapit kay Lucas.
"Tay, hindi po nanliligaw sa akin si Lucas." Humilig ako sa aking ama katulad nang nagawian ko, kapag naglalambing sa kaniya. "At isa pa po...wala pa sa plano ko ang mag-boyfriend. Hangga't wala pa akong trabaho, dahil ang lupa natin ang mahalaga sa akin. Pag-iipunan ko ang pantubos sa maliit nating palayan," seryosong pahayag ko.
Napasanla ang lupa namin kay Mrs. Gonzales, nang magkasakit sa puso ang bunso kong kapatid. Kinailangan namin ang malaking halaga para sa heart surgery ng aking kapatid, at dahil hirap kami sa buhay. Ang kinikita ni tatay sa pag-aani ng palay ay halos mapapunta na sa tubo ng utang namin. Isa ito sa dahilan, kung bakit nagsikap ako sa aking pag-aaral. Minsan ay ginawa ko na ring extra income ang thesis ng iba.
Ngumiti sa akin si Lucas nang magtama ang aming mga mata. Parang gusto ko tuloy tumili sa sobrang saya. Lucas was the man of my dream, na gusto kong makasama habambuhay.
Ang mga mata namin ni Lucas ay tila nag-uusap, dahilan upang lumikha ng ingay ang aking ama, upang makuha ang aming atensyon.
"Anak, bakit tila nahipnotismo ka?" pagbibiro ng aking ina.
"Nay, naman, eh!" reklamo ko, dahil parang tinutukso niya pa ako.
"Tumigil na nga kayong mag-ina. Ang mabuti pa, Maxine, ay ayusin mo na ang 'yong silid na tutulugan ni Lucas mamaya. Ipagamit mo muna sa kanya 'yong kutson mo. At mukang hindi sanay humiga sa papag itong si Lucas," utos sa akin ng aking ama.
Mabilis kong sinunod ang utos ni tatay. Inayos ko ang aking silid, upang dito patulugin si Lucas. Napapakamot ako sa aking ulo habang inaayos ko ang kwarto, dahil mukang hindi makakatulog si Lucas ng walang aircon. Kung bakit naman kasi pumayag akong sumama siya. Ayan tuloy, problemado ko pa ang tutulugan niya. Eh, kung tabihan ko na lamang siya. Napailing ako dahil sa kapilyahang iniisip ko.
Katatapos ko lamang ayusin ang aking silid nang biglang may biglang kumatok. Bago ko pa lamang bubuksan ang pintuan, nang biglang bumukas ito at iluwa si Lucas. Halos manigas ako sa aking kinatatayuan nang maghubad si Lucas ng kaniyang damit. Napalunok ako nang bumaba ang aking paningin sa kanyang abs.
Shit! ang sarap, bulong ko sa aking sarili. Sino ba naman kasing babae ang hindi matatakam sa kaniyang six packet, parang pandesal na nakahanay.
Natauhan lamang ako nang tumawa si Lucas, na tila pinagtatawanan ang pagkatitig ko sa kanyang katawan.
"Maxine, don't tell me...ngayon ka lamang nakakita ng abs?" pabirong tanong sa akin ni Lucas.
"Hindi, 'no!" matipid kong tugon, dahil ang totoo'y matagal ko nang pinapangarap na mahawakan at mahalikan ang katawan niya.
Lumapit sa akin si Lucas at tinitigan ako sa aking mga mata. "I want to know you more, Maxine," sabi ni Lucas.
Tila naman umurong ang aking dila nang unti-unting ilapit ni Lucas ang kaniyang mukha sa aking mukha. Halos pigil ko ang aking hininga nang hawakan ni Lucas ang aking baba at tangkang hahalikan ako. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinihintay na maglapat ang aming mga labi. Ngunit bago ko pa lamang nararamdaman ang labi niya sa labi ko nang narinig ko ang boses ni Tatay Maximo, dahilan upang itulak ko si Lucas.
"Ka-kailangan ko nang lumabas. Baka makita tayo ni tatay dito na magkasama...kung ano pa ang isipin niya," nauutal kong pahayag at pagkatapos ay iniwan ko na si Lucas.
Nang lumabas ako sa aking silid ay maswerte pa ring wala sina tatay at nanay dito sa loob ng bahay. Kaya naman pala nakapuslit na pasukin ako sa silid ng mokong na 'yon.
Konting hinay Maxine, baka bukas o sa makalawa'y bumigay ka na sa lalaking 'yon. Alalahanin mo, kailangan mo pang magtrabaho para sa pamilya mo at ibibigay mo lamang ang 'yong sarili, sa lalaking maghaharap sa 'yo sa altar. Ngunit aminado akong, pagdating kay Lucas ay nanghihina ako.
Hindi nagtagal ay lumabas na rin si Lucas mula sa aking silid. Nakapagbihis na rin siya ng sando.
Lumapit siya sa akin at nagsalita. "Maxine, I'm serious, about what I've told you. At kaya ako sumama sa 'yo dito, gusto kong mapalapit sa 'yo."
"Ano pa bang gusto mong malaman tungkol sa akin?" tanong ko kay Lucas.
Ayaw kong mag-assume, na gusto akong ligawan ni Lucas, dahil sa pagkakaalam ko ay may girlfriend si Lucas. Walang iba, kung 'di si Bianca Garcia, isang sikat na model. Kaya hindi ako aasang maging kami ni Lucas. Ngunit hindi maalis sa isip ko, kung bakit ganito ang ipinakikita sa akin ni Lucas ngayon. Kung ano man ang dahilan niya, saka ko na aalamin.
"Marami." Huminga muna siya nang malalim bago muling magsalita. "Gusto kong malaman...kung may naging boyfriend ka na."
"Wala pa akong naging boyfriend," mabilis kong tugon kasabay nang aking pag-iling.
Hindi ko alam kung bakit natuwa si Lucas sa kaniyang nalaman. At nagulat na lamang ako nang hawakan niya ang aking kamay.
"If you give me a chance...to take care of you. I prom—"
Hindi na naituloy ni Lucas ang sasabihin niya nang pumasok ang kapatid kong si Justine.
"Ate Maxine, andiyan si Gilbert...hinahanap ka," ani ni Justine.
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Lucas, kasabay nang pagtagis ng kaniyang mga panga. At ang kaniyang mga mata ay tila nagtatanong kung sino si Gilbert. Gusto ko na lamang tumawa dahil sa reaksyon niya.
Nang dahil sa ipinapakita sa akin ngayon ni Lucas, gusto kong kausapin ang bakla kong kaibigan na magpanggap na boyfriend ko. Para malaman ko, kung nagseselos nga siya.
"Lucas, puntahan ko lang si Gilbert," pagpapaalam ko sa kanya.
Wala sa loob na tumango si Lucas. Kaya naman hanggang tainga na lamang ang ngiti ko nang labasin ko ang aking kaibigan.
"Bakla, balita ko may kasama kang papa!" patiling sabi ni Gilbert nang makalapit ako sa kanya.
Minulatan ko siya ng mga mata at hinigit ko siya sa may sagingan namin.
"Gilbert, please shut up!" singhal ko sa aking kaibigan. Lumingon ako sa aming munting kubo at nakita kong nasa pintuan si Lucas na madilim na nakatingin sa aking kaibigan. Muli akong tumingin kay Gilbert. "Bakla, may hihingin sana akong pabor sa 'yo...p'wede bang magpanggap kang lalaki sa harapan ni Lucas?"
Napalunok si Gilbert na tila nandidiri sa kanyang narinig. "Bakla, naman! Pakainin mo na ako ng palakang bukid...huwag lang magpakalalaki," pagtutol niya.
Sumimangot ako at tinalikuran na siya. Nagkunwari akong nagtampo sa kaniya, dahil alam kong hindi niya ako matitiis na pagbigyan. Ganiyan kami ka-closed ni Gilbert, palaging nagtutulungan.
Maglalakad na sana ako pabalik sa bahay namin nang magsalitang muli si Gilbert. "Sige na nga, pumapayag na ako."
Mabilis akong yumakap sa kanya. "Salamat, bakla!" patiling sabi ko.
Naghiwalay kami sa pagkakayakap nang may tumikhim sa likuran ko. At halos matakot ako nang hawakan nang mahigpit ni Lucas ang aking kamay.
"f**k off!" singhal niya kay Gilbert.
He took a deep breath before facing Lucas. "Pare, manliligaw ako ni Maxine, kaya wala kang karapatan na paalisin ako!" seryosong tugon ni Gilbert sa lalaking boses niya.
Ngumisi si Lucas. "P'wes, may the best man win!" Sabay tagis ng kaniyang mga panga, kasabay nang pagkuyom ng kaniyang kamao.
Pumagitna na ako sa dalawa, dahil mukang makakatikim si Gilbert ng suntok mula kay Lucas. Kaya nagdesisyon na rin akong hilahin si Lucas pabalik sa aming bahay.
Hindi nagsasalita si Lucas at halatang galit pa rin, kaya naman naisipan kong gumawa nang paraan para mawala ang galit niya.
Pumasok ako sa aking silid at nagpalit ng aking sandong puti, na ginagamit ko kapag naliligo sa ilog. Naisipan kong dalhin sa ilog si Lucas, upang maligo, at nang makapamasyal na rin siya.
Nang lumabas ako mula sa aking silid ay napalunok si Lucas nang makita ako. Alam kong magugulat siya, dahil inalis ko ang aking salamin sa mata at ang suot ko ay hanggang sa kalahati ng hita ko lamang. Konting yuko ko lamang ay makikita na ang aking undies. At kahit naman manang ako manamit ay may maipagmamalaki rin naman akong flawless and sexy body.
"Why are you wearing that?" he asked.
I smiled and came to him. "Because I'm going to take a bath." Hinawakan ko siya sa kaniyang kamay. "I will take you to the river," sabi ko at hinila ko na siya patungo sa ilog.
Hindi ko alam kung bakit pagdating kay Lucas, ay nawawala ako sa aking sarili. Basta ang alam ko, I want to enjoy, hangga't kasama ko siya. Kasi kailangan naming bumalik sa Manila after two days, dahil magsisimula na ang pagre-review ko para sa board exam.