"Ang pagbabalik ng alaala ni Maxine" MAXINE’S POV After one month Mabilis lumipas ang araw at hanggang ngayo'y ay hindi ko pa rin naalala ang tungkol sa tunay na relasyon namin ni Lucas. May isa lang akong ipinagtataka sa aking sarili, dahil simula nang magising ako, after ng aksidenteng nangyari sa akin ay hindi pa rin ako magkakaroon ng buwanang dalaw ko. Pilit kong inaalala ang sinasabi ni Lucas na nagkabalikan na raw kami. Ngunit wala talaga akong naalala. Pagkatapos ng aking klase ay nagdesisyon akong pumunta sa Guardian Pharmacy, upang bumili ng pregnancy kit, dahil malakas ang kutob ko na buntis ako. Pagkadating ko ng bahay ay naabutan ko si Gabriel. "Oh, andiyan na pala si Maxine," sabi ni Trixie nang makita ako. Ngumiti ako at lumapit ako sa kanila. "Gab, kanina ka pa ba?

