LUCAS’S POV Hindi ko gustong bumalik ng Pilipinas at iwan si Maxine sa bansang Singapore sa gitna ng kanyang kalagayan, ngunit ang doctor na rin ang nagsabi na kusang babalik ang alaala ni Maxine. At ngayon nga ay lumipas na ang isang buwan at tatlong linggo simula nang bumalik ako dito sa Pilipinas ay wala pa ring naalala si Maxine. At si Trixie ang pinagkatiwalaan kong magbalita sa akin ng tungkol sa kondisyon ni Maxine. Katatapos lang ng aking pictorial nang maalala o ang aking cellphone na naiwan ko ito sa dressing room. Kaya agad ko itong binalikan. Pagdating ko sa dressing room ay naroon si Bianca, hindi ko ito pinansin at hinanap ko agad ang aking cellphone. Habang hinahanap ko ang aking cellphone ay nakatingin lang sa akin si Bianca na til

