MAXINE’S POV Nabalitaan ko ang nangyari kay Trixie at ang mismong suspect sa nangyari sa kanya ay si Faith. Hindi ko lubos maisip na nagawa ni Faith sa sarili niyang bestfriend ang pagtangkaan ang buhay nito, sa hindi alam na dahilan. “Oh, love, saan ka pupunta?” tanong sa akin ni Gabriel habang inaayos ko ang aking sarili. “Pupunta ako sa hospital. Dadalawin ko si Trixie,” mabilis kong tugon kay Gabriel. “Oo nga pala, comatose nga pala siya ngayon. Nabasa ko sa newspaper. At until now, pinaghahanap pa rin si Faith ng mga police,” sabi ni Gabriel habang inaayos niya ang kanyang mga gamit na dadalhin pauwi ng Pilipinas mamaya. Mabait si Gabriel sa akin, at nakahanda siya maghintay sa akin na matutunan ko siyang mahalin. Alam n

