MAXINE’S POV Katulad nang sinabi ko kay Lucas, sinamahan ko siya rito sa St. Lukes Hospital, kung saan isinigod ang ama niya. Kita ko sa mga mata ni Lucas ang labis na pag-aalala sa kalagayan ng kanyang ama, na ngayon ay nasa emergency room. Samantalang hinahanap ng mga mata ko kung nasaan ang ina ni Lucas, dahil ang kanilang kasambahay lamang ang tanging sumalubong sa amin. Mas naawa ako kay Lucas nang marinig ko siyang magsalita. “Daddy, lumaban ka. Hindi ko kayang mabuhay mag-isa, daddy. Paano na ako, kapag umalis ka na,” malungkot na sambit ni Lucas, habang nakatitig siya sa kanyang ama na inaasikaso ng mga nurse at doctor. Pinisil ko ang kamay ni Lucas. “I’m here for you,” mga katagang lumabas sa labi ko, dahil kinakailangan ngayon ni Lucas ang masasandalan. Kakalimutan ko na

