MAXINE’S POV Kasalukuyang andito ako sa klase at abalang nagre-review para sa darating na LET o Licensure Examination for Teacher, nang biglang tumunog ang aking cellphone. Siyempre, sino pa ba ang tatawag sa akin? Kung ‘di si Lucas, ang lalaking nanakit sa aking puso na ngayon ay boyfriend ko na. ‘‘Hello, babe, nagre-review pa ako,” sabi ko nang sagutin ko ang tawag ni Lucas. Narinig ko ang kanyang pahinga bago magsalita. “I know. I call you to say that I’m already here in front of your room,” mabilis niyang tugon na ikinagulat ko. I can’t believe that he will come on time, or much better to say he come early to fetch me. “Ang aga mo naman,” muling sabi ko. Napatingin ako sa may pintuan at nakita ko nga si Lucas na nakatayo sa may hallway. Napatawa ako nang makita ko na may dala

