MAXINE’S POV Mabilis lumipas ang araw at sa mga araw na ito’y naging mabuti sa akin si Lucas. Habang ang daddy niya ay naging successful ang heart surgery operation nito. Mabuti na nga lamang at walang naging damage sa utak nito. Kaya ang sabi ng doctor ay malaki ang chance na magising ito mula sa pagka-comatose. Samantalang ako naman ay malapit nang kumuha ng board exam para sa LET. Kasalukuyang nanonood ako nang laro ng basketball nina Lucas nang bigla kong maalala ang aking mga kaibigan na sina Sahara, Heather, Ariella, Carlyn, at Biatriz, dahil hindi ko na sila nakita simula nang magkita-kita kami sa Zenclub. Kinuha ko ang aking cellphone at nag-message ako sa aming group chat, upang kumustahin sila. Hi, girls! It’s been a month since the last time we hang out. Wala bang may bala

