Stranded 7

1535 Words
Stranded Chapter 7 Nagkamalay na lang si Raymond na masakit ang ulo niya at parang malabo ang paningin. Wala siyang makita kundi puro puti sa paligid. "Patay na ata ako ahh.. Eto na ba ang langit? Pero baka hindi, makulit ako sa Earth e.. Impiyerno? Edi dapat mainit saka me mga apoy.. Baka naman purgatoryo.. Tama, baka hindi pa bumababa ang hatol ko.." naisip niya kahit naguguluhan pa ang isip. Maya maya ay may naaninag siyang mukha sa harap niya. Maganda ito at mababakas dito ang sobrang saya habang nakangiti sa kanya. "J-J-Jane? Isa kang angel??" tanong niya dito. "Anong pinagsasabi mo jan, tulog ka pa ata.." lumuluha nitong sabi sabay kiss sa noo niya. Doon na dahan dahang luminaw ang paningin niya. Nasa isang ospital pala siya at napapalibutan ng mga taong hindi niya kilala bukod kay Jane. "Ano nangyayari?" nagtatakang tanong pa rin niya rito. "Almost 1 week ka nang walang malay, Ray. Mula nang marescue tayo sa island, di ka na nagising.. Akala ko iiwan mo na naman ako e.." papalakas na nitong iyak. "Oh, wag ka na umiyak, gising na nga ako oh.." alo niya dito habang pinipilit yumakap. "Ikaw na lang pala yumakap sa akin, Jane. Hindi kaya ng katawang tao ko." biro niya dito. Natawa naman ito kahit lumuluha sabay yakap sa kanya. Maya maya pa ay kumalma na rin ito at umupo patabi sa kanya sa kama nun naiwan na silang dalawa. "Ano ba talaga ang nangyari? Last na naalala ko ay nung bumagyo nang malakas tapos biglang may malakas na ilaw na tumama sa atin.." tanong niya kay Jane. "Malakas na ilaw? Wala naman malakas na ilaw nun ah.. Malakas ba ilaw ng flashlights ng rescuers?" nagtatakang tanong nito. Napakunot noo lang siya. "Alam mo Ray, sobrang kakaiba nga yun nangyari sa atin dun. Sobrang daming weird na pangyayari na hindi ko ma explain!" panimula nitong magkwento. "Pagka rescue sa atin mula sa island, mga 1 day lang ako nagpahinga tas nun medyo okay na ako, pinuntahan na kita dito. Sabi ng mga doctors okay ka naman daw, baka hindi na lang kinaya ng body mo yun sobrang stress kaya ka nawalan ng malay. Kaya sinamahan na lng muna kita dito. Don't worry, sinabi ko na sa tita mo ang nangyari para hindi na siya mag alala. Okay lang din naman daw siya sa atin. Tuwang tuwa nga nun malaman na magkasama tayo dito. Naikukwento mo pala ako sa kanya." nakangiting kwento nito. Napangiti din naman siya. "Alam mo ba, ibang island ang sinasabi ng rescuers na pinagka kuhaan daw nila sa atin. Nung ni research ko yun island na sinasabi nila, hindi ako makapaniwala na dun tayo galing. Puro batuhan lang at mga maliliit na shrubs ang nandun. Ni wala kahit isang fruit bearing trees. E di ba puro prutas ang mga puno sa island na napuntahan natin? Nagtataka nga daw sila paano tayo naka survive ng ilang araw sa island na yun, e ni wala man lang tayo masisilungan. Nasa ilalim lang daw tayo ng tirik ng araw the whole time. Paano nangyari yun e may ginawa nga tayong tent di ba? Saka maraming punuan." patuloy na kwento nito. Napakunot noo naman siya habang nakikinig dito. "Oo nga naman, paanong mangyayari yun sinasabi ng rescuers e dalawa kami naka experience! Saka yung demonyong piloto, kung nakita man nila." naisip niya. "Wala rin daw fresh water, san daw tayo nakakuha ng ininom nating tubig. Unless daw tiyinaga natin sipsipin yung tubig sa mga moss sa paligid ng island. E di ba may ilog naman dun? marami pa ngang isda. Tas yun falls! Ano yun napunta tayo ng Biringan ng Europe??!!" parang natatawa nitong dugtong. Medyo natawa rin siya sa reference nito. Pero napapaisip nga din siya ng malalim. "Eto pa, Ray. Nun binalikan daw nila yun island kinabukasan para magbakasakali na may iba pang survivors, wala naman daw silang nakitang kahit anong signs na may nakuha tayong mga gamit. Wala rin yun ginawa nating camp pati yung mga damit. Kahit yun suot suot nating damit pag dating dito, yun pa ring suot natin bago mag crash yun eroplano. Naka flight attendant uniform ako, naka polo shirt at cardigan ka pa rin. Can you believe that? Ang weird no??" patuloy pa rin nito. "Ano yun? sa isip lang nila nangyari? Imagination lang nila lahat yun? Paano yun, sabay sila nanaginip ng parehong pareho?? Ang labo naman nun. Nothing makes sense!" sa isip niya "Saka hindi raw possible na may mga inilibing ka sa island dahil wala naman daw lupa dun na pwede paglibingan. Puro malalaking tipak ng bato lang daw ang nandun. At ang pinaka weird sa lahat, actually creepy na nga. Impossible daw na nakita natin si Calvin sa island dahil nakuha nila ang bangkay nito na nasa loob pa rin ng cabin ng plane. E sino yun nang manyak sa kin na binugbog mo?" kunot noo na rin nitong tanong na parang naghihintay sa sasabihin niya para kumuha ng konting validation kahit paano. "Ano sa tingin mo? Ano kaya nangyari sa atin? Sumasakit na ulo ko Ray, tulungan mo ako! Di na kaya ng brains ko to!" sabi ni Jane habang kunyaring sinasabunutan ang maganda niyang buhok. Natawa naman siya dito. "Hindi ko rin alam kung paano sasagutin yan mga tanong na yan, Jane. Basta ang alam ko, nangyari talaga yun kahit hindi ko kaya iexplain. Baka me mga ganun lang talaga.. Me mga bagay lang talaga sa mundo na hindi natin kayang ieksplika.. Me mga pangyayaring hindi maipaliwanag.. Baka napaglaruan lang tayo ng tadhana.. Basta isa lang ang sigurado ako.. Nagpapasalamat ako at nangyari yun.. Kasi kung hindi tayo napadpad dun, hindi pa ako makakapagtapat sayo.. Teka, yun sa ating dalawa, totoo naman yun di ba?" paninigurado nito sa dalaga. "Hoy Raymundo, wag mo ako simulan ng ganyan! Wala kang amnesya, tumigil ka! Alam mo nangyari sa atin.. Babawasan ko talaga ng isa yan dragonballs mo pag di ka umayos.. " mataray na sagot ni Jane sa kanya. "Nagiging matalinhaga pa tong panget na to.." natatawang sabi pa nito sabay kurot sa magkabilang pisngi niya. "A-Aray!! Oo na, totoo na! Ang sakit mo pa rin mangurot!" sabi niya at sabay silang natawang dalawa. Tawa naman ito ng tawa sabay halik sa kanya. "Jane.." sabi niya dito. "Yes, Ray" malambing nitong tugon. "Amoy fish." natatawang biro niya rito. "ANG KAPAL MO HOY!! Nagtoothbrush na ako! Ikaw ang hindi! Ang baho mo na! Di ka naliligo! HAhahaha.." masayang ganti nito. Tumatawang hinuli nman niya ang mukha nito.. Saka ito hinalikan ng buong pagmamahal.. Dahil sa mga hindi maipaliwanag na pangyayari ay napilitan silang dalawa na sundin na lang ang payo ng mga abogado nila na huwag nang ipagpilitan ang bersiyon nila ng kwento. Mas mapapadali umano ang pagkuha nila sa insurance money kung hindi na magiging kumplekado at wala nang gagawing malalim na imbestigasyon. Mabigat man sa kalooban nila ay tinanggap na lang nila yon. "Hayaan na natin yun, mahal. Wala rin maniniwala sa tin kung ipipilit natin ang kwento natin. Wala rin tayo ebidensya.." sabi sa kanya ni Jane. "I agree. Basta sa ating dalawa, alam natin ang katotohanan.." sang ayon niya sabay pisil sa kamay nitong hawak hawak niya. . .. ... Dalawang taon ang mabilis na lumipas. Papalabas si Raymond ng garahe ng matandang bahay nila ng Tiya niya na naiparenovate na nila. "Hoy Raymundo, nagmamadali ka na naman! Kumain ka muna bago ka lumayas!" sigaw ng Tiya niya na gumaling na mula sa karamdaman nito. "Doon na lang po ako kakain tiya, baka naghihintay na yun mga yun!" sagot niya naman dito. "Ay siya sige, mag-iingat kayo ah! Saka agahan niyo uwi, magluluto ako ng hapunan." pahabol pa nito "Okay po, labyu!" tugon niya rito habang nakangiti. Sakay siya ng isang magandang SUV at papunta sa commercial building na naipatayo nila dahil sa insurance money na nakuha nila mula sa airlines. May tatlong floor ang building kung saan may videoke bar at billiard hall sa taas, internet shop sa second floor at laundry shop naman sa pinaka baba. May ilang units din ang building na pinapaupa naman nila sa ibang business. Pagkapark niya sa harap ng building ay nakita niya agad si Jane na naghihintay sa kanya. Napakaganda pa rin at hindi pa rin siya makapaniwala na asawa na niya ito. Agad naman siyang nilapitan nito nang mapansin at sinalubong siya ng halik sa labi. "Ba't ang tagal mo, kanina pa kami nag hihintay sayo." sabi nito. "E may tumawag pa kasi, nag-iinquire kung may bakante tayong units." paliwanag niya dito. "Tawagin mo na anak mo, baka nanonood na naman mga nagdodota yun." utos nito sa kanya. "Sige, wait mo na lng kami sa sasakyan." sagot niya. "Hey buddy! Time to go, come on! Your mom's waiting in the car." Tawag niya dito. "Okay! You have to teach me how to play Dota, Dad.. That game really looks awesome!" sabi nito sa kanya. "Sure, I'll teach you once of these days." nakangiti niyang tugon dito. Pagkasakay sa sasakyan.. "Hey, mom, dad.. Lola Tita's been telling me about your island adventure. Is that where I came from?" inosenteng tanong nito. "JOHN RAY!!!!" sabay na saway naman ng mag -asawa dito. END OF STRANDED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD