bc

STRANDED

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
HE
fated
second chance
neighbor
drama
tragedy
sweet
childhood crush
secrets
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

Two old friends who meet on a flight.One is a successful Flight Stewardess..The other is still struggling in his career..Old feelings left unchecked..Can they heal the wounds of yesterday and move on with their lives?Or would one accident turn out to be a life-changing incident?

chap-preview
Free preview
Stranded 1
STRANDED Chapter 1 Sa loob ng isang matandang bahay.. "Sigurado ka na ba talaga sa desisyong mong yan, Raymond? Kung hindi naman kinakailangan ay dumito ka na lang.. Dadalawa na nga tayo magkasama, aalis ka pa.." malungkot na tanong ng isang may edad nang babae. "Sandali lang naman ako dun, Tiya. Makaipon lang tayo ng pang umpisa ng negosyo, uuwi na po ako kaagad dito sa inyo. Saka pwede naman daw po akong umuwi taon-taon.. Pwede ko rin kayo i-videocall ng madalas para di nyo ako masyadong mamiss.. Para sa atin din po ito, tiya. Pahirap po kasi ng pahirap ang buhay dito sa Pilipinas. Malulubog lang tayo sa utang kung wala tayo gagawin." paliwanag ni Raymond sa Tiya niya. "E kung iyan talaga ang pasya mo, hindi naman kita pipigilan. Alam ko naman na gusto mo lang umunlad kahit papaano. Hindi ka na rin naman bumabata, baka bukas makalawa, makaisip ka na ring mag asawa. Ang sa akin lang naman ay sana hindi mo ginagawa yan dahil lang sa akin. Wag ako ang alalahanin mo, matanda na ako. Ang paghandaan mo, yung kinabukasan mo.." sagot naman ng matanda. "Pwede ba naman hindi ko kayo alalalahanin, Tiya, e kayo lang naman ang nagtiyaga ng pagpapalaki sa akin. Hindi naman ako magiging ganito, kung hindi dahil sa inyo. Saka walang makakapantay sa pagmamahal na ipinakita nyo sa kin.. Kaya love na love ko kayo eh.." tugon niya rito. "HHuuuuu! Nambola pa itong lalaking ito. Akala mo naman e hindi pinasakit ang ulo ko nung kabataan nya!" pabirong sagot ng matanda. "Hahahaha... Kaya nga ho bumabawi ngayon!" natatawang sagot naman niya. "Basta ikaw ay mag-iingat roon at hindi natin alam ang ugali ng mga tao don. Malay mo doon mo na rin makilala ang babaeng papakasalan mo. Balita ko, magaganda at mapuputi ang babae don, marami kang pagpipilian." sabi ng matanda. "E kung lalaki mahanap ko, Tiya? Papayag ka ba?" biro niya sa matanda. "Tarantadong to! Baka buntalin kita't isako sa puno ng mangga! Walang bakla sa lahi natin, Raymundo! Yan ang tatandaan mo!" galit na sagot nito sa kanya. "Joke lang, Tiya. Masyado kayong highblood! Siyempre, chicks din ang gusto ko. Mana ako ke lolo e.. Hehehe.." ." tumatawang tugon niya dito. "Juskopo! Sa dinami dami ng magandang katangian ni Tatang, yun pagiging babaero pa gusto mong tularan!" ang matanda ulit. "HAhahaha.. Sige na po, magpahinga na kayo jan at mag-aayos pa ako ng mga papeles ko." paalam niya sa tiyahin. Makalipas lang ang ilang buwan ay nakahanda na para lumipad pa abroad si Raymond. Kasalukuyan siyang nasa departure lounge ng airport habang hinihintay ang flight nya. "J-J-Jane??!!" gulat na tanong nya sa flight stewardess na papadaan sa may pwesto niya. Medyo napakunot naman ang noo ng babae na parang kinikilala siya. "Raymond? Raymond Felix??!" naniniguradong tanong naman nito pabalik. "Ako nga! Hahahaha.. Biruin mo yun! Stewardess ka na pala? Ang ganda mo lalo ngayon ah.. Para ka nang artista! Kamusta ka na?" bati niya sa dalaga. "Eto, okay naman. Natupad ko na rin ang pangarap ko maging Flight Stewardess. Medyo matanda na nga ako e, buti natanggap! E ikaw naman, san ang flight mo? Pumogi ka rin ah! Hindi ka na payatot gaya nun dati! HAhahaha.." tugon nito. "E, eto magbabakasakali ng kapalaran sa ibang bansa.. Feeling ko, hindi ako uunlad dito sa Pinas e.. Buti ka pa nga, nakakuha ng maganda gandang trabaho." sabi niya. "Sus, una una lang yan. Lahat naman tayo daratnan ng magandang opportunity. Malay mo, jan na magsisimulang gumanda ang buhay mo. " nakangiting tugon ng dalaga. "Oh, pano, una na ako, baka magsimula na magload ang flight ko, mawalan pa ako ng trabaho." paalam nito sa binata. "Sige! Chat chat na lang! Ingat!" sagot niya. "Ang ganda talaga ni Jane.. Siya talaga ultimate crush ko e.. Kaya siguro ako hindi magkagusto sa iba dahil siya ang napipicture kong perfect girlfriend.. Kaso, hindi naman kami bagay.. Lalo pa ngayon, parang angat na siya sa buhay.. Hays... Pag ako talaga yumaman, liligawan ko siya agad. Pag sinagot nya ako, bibilhan ko ng sasakyan. At pag kinasal na kami, pagagawan ko ng mansyon. Siya ang magiging donya ng aking buhay.. HAhahaha.. Dream on boy! Ayusin mo muna buhay mo. Paano ka yayaman e andami mong utang?" kausap niya sa sarili para malibang sa pagpatay ng oras. Ilang oras pa ang lumipas ay isang malakas na announcement ang narinig sa paligid. "Good morning, ladies and gentlemen. This is Flight 3891. We are now ready to begin boarding. Please have your boarding pass and identification ready. First and business class passengers may begin boarding now" sabi ng announcer. Agad namang kumilos si Raymond para sumakay na sa eroplano. Pagkakita nya sa upuan niya ay agad na naupo ito sa tabi ng bintana. Inihanda na rin nito ang cellphone niya para kuhanan ng video ang paglipad ng eroplano. "Oi, Raymond! Dito ka pala sa flight ko! Hahahaha.." si Jane. "Hahahaha.. Dito ka rin pala! Small world! Swerte naman namin, maganda ang stewardess.. " sagot naman niya. "Wag ka mag alala, di kita bubulabugin. Matulog ka ng mahaba, matagal tagal ang flight natin." sabi naman ng dalaga na nakangiti. "Ano ka ba, gusto ko nga yun binubulabog mo ako e. Guluhin mo nga buhay ko, please?" biro niya. "Siraulo ka talaga! Hahahaha.. Ay siya dito muna ako, mag aassist muna ako ng ibang pasahero. Just let me know if me kailangan ka ah, ako bahala sayo." tugon nito sabay kindat. "E paano yun, e ikaw ang kailangan ko?" biro pa rin niya. "Sus, bolahin mo lelang mo! Hindi ka na nagbago. Isumbong kita sa gf mo, makita mo.." ganting biro ng dalaga. "Wala ako gf no.. Wala pa kasi akong nakikilalang kasing ganda mo.." patuloy na biro niya. "Waassshhhuuu!!! Maniwala ako sayo. Ikaw nga nililigawan ng girls nun highschool tayo. HAhahaha.." tugon naman ng dalaga. "E yun na nga e, naubos na ata ang karisma ko nun highschool kaya hanggang ngayon wala pa akong asawa. hahahah.." tawa niya. "Hindi pa rin ako naniniwala. Hahahaha! Sige na, jan ka muna. May nagpapa-assist na lola dun. Balikan kita mamaya." masayang paalam nito. Ilang minuto lang ay nagsimula na ngang gumalaw ang eroplano. "This is it. Think positive, Raymond. Eto na ang simula nag pagbabago ng buhay mo." matapang na sabi niya sa sarili. Ilang oras na rin silang bumabyahe nang dumaan ulit si Jane sa seat ni Raymond. "Uy, okay ka lang jan? Mamaya lang ng onti, mag seserve na ng lunch. Ayaw mo ba matulog? Dalhan kita ng blanket?" asikaso nito sa binata. "Sige blanket na lang, medyo malamig pala AC nyo dito. Sa min kasi simoy ng hangin lang e. Kaya lagi malagkit kili ko dun e." tugon niya sa dalaga. "Baliw ka pa rin talaga. Sige wait lang, ikukuha kita." sabi nito. "Saka konting ano sana, Jane. Konting bilis. Hahahaha.." biro niya. "Tuktukan kita jan, makita mo!" ganting biro naman nito sabay kunyaring susuntukin ang binata. Saglit lang ay bumalik na ito dala dala ang kumot na nirequest ng binata. "Eto na po your highness. Me ipag uutos pa po ba kayo?" biro nito. "Uhhhhmmmm.. Meron sana, pero wag na lang. Nakakahiya naman. " sagot niya. "Ano nga yun? Parang sira to. Trabaho ko kaya to. Hahahaha.." tugon ng dalaga. "Hhhhhmmmmm.. Pwede mo ba akong samahan dito?" tanong niya. "Hala siya oh.. Hoy sir, hindi lang ikaw ang pasahero dito. Wag kang selfish.. Me sariling attendant?? Hahahaha.. " pabirong sagot ng dalaga. "Natatakot kasi ako e.." sabi niya. "Bakit, first time mo ba sumakay ng eroplano?" parang biglang nagalalang tugon ng dalaga. "Hindi naman." sagot niya. "E san ka natatakot?" si Jane. "Natatakot akong ma fall sayo tapos hindi mo naman masusuklian ang pagmamahal ko." sabay ngiti dito. "Baliw ka talaga, Raymond!! Jan ka na nga! Hindi na kita aasikasuhin! Bahala ka sa buhay mo!" tumatawang sabi ng dalaga rito. Medyo napalakas naman ang tawa ng dalaga kaya nagtinginan ang ibang pasahero. Sinenyasan tuloy siya ng kasama niyang attendant na wag maingay. Parang nahiya tuloy ito at bumalik na sa crew rest compartment. Ilang oras pa ang nakalipas. Hindi niya sigurado kung nasaan na silang parte ng mundo. Tantiya niya ay malapit na sila sa Europe. Pagsilip nya sa bintana ay wala siyang makita kundi puro dagat. Sinilip nya si Jane kung naglalakad sa aisle, pero hindi niya ito nahanap. Maya maya ay biglang parang may tumama sa ilalim ng eroplano. Dahilan para mag-angatan sila sa upuan dahil para silang dumaan sa isang malaking hump. At nasundan pa ito ng mas malakas na pagyanig. "BBRRRRRGGHHHHHHHH" tunong ng parang kumakayod na kung ano sa ilalim ng aircraft.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.3K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
24.1K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
788.1K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
559.2K
bc

Dominating the Dominatrix

read
52.9K
bc

The Lone Alpha

read
123.2K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook