STRANDED
Chapter 2
Sa himpapawid kung saan nakasakay si Raymond sa isang eroplano.
"PLEASE BE CALM AND STAY IN YOUR SEATS. WE ARE JUST EXPERIENCING SOME MODERATE TURBULENCE, WHICH SHOULD BE OVER SOON.
YOUR COOPERATION IS APPRECIATED." sabi sa PA.
Pinilit ni Raymond na manatili sa upuan niya kahit nagpapanik na ang ibang pasahero sa lakas ng yanig ng eroplano.
"Normal lang yan..
Easy ka lang boy!" pagpapakalma niya sa sarili.
Nang biglang tumunog ulit ang PA.
"Ladies and gentlemen, this is your captain speaking. We have a problem. All four engines have stopped, and we are going to have an emergency landing.
For your safety, please locate your designated life jackets underneath your seats and brace yourselves for impact.
May God save us all." huling announcement ng piloto bago biglang bumulusok pababa ang eroplano.
"HHHHHHHHYYYYYYYYYYWWWWWWWWNNNGGGGGGGGG" malakas ng tunog ng sumasagitsit nilang eroplano pabagsak ng tubig.
.
..
...
Nagkamalay na lang si Raymond na nakadapa siya sa isang pampang.
Nagkalat ang mga sira-sirang parte ng eroplano sa paligid.
Maging ang mga bangkay ng mga nasawing pasahero at crew ay nagkalat sa paligid.
Nanghihina man ay pinilit niyang tumayo at tingnan ang paligid.
Ang alam niya ay papalapit na sila ng Europe nang magsimulang yumanig ang eroplano.
Pero ang islang kinaroroonan niya ngayon ay parang tropical island.
Maraming puno ng buko.. Makakapal na bundok sa may di kalayuan..
Parang isang isla sa Palawan ang itsura nito.
Mayroon bang ganito sa Europe?
Pinilit niyang maglakad papunta sa may silong ng isang puno para makaalis sa tirik ng araw.
Kahit uhaw na uhaw ay wala naman siyang makitang pwedeng inumin sa paligid.
Marami ngang buko pero wala naman siyang pambukas nito kaya nahiga na lng siya at nagpahinga.
"Nasan ba ako? May nakatira kaya sa isla na to?
Nakakalat lang ang mga buko sa paligid, malamang walang nag-aalaga nito.
Napakasukal din ng mga halaman dito, parang walang dumadaan.
Wala rin akong makitang kahit anong signs na may nakatira dito, ni isang usok wala akong nakita.." pag-iisip niya habang nagpapahinga.
"Sana may iba pang survivors.
SI JANE!!!" biglang bangon niya ng maalala ang dalaga.
Pilit siyang tumayo para hanapin ito.
Kada makita niyang bangkay ay itinitihaya nya para makita kung sino ito.
Pero hindi niya nakita ang dalaga.
Halos magdidilim na rin ng tumigil siya sa paghahanap.
Nakakita naman siya ng isang piraso ng yerong napunit galing sa eroplano.
Ginamit niya iyon para ipangbukas ng buko at mainom ang katas nito.
"AAhhhhhh.." bulas niya nang masayaran ng sabaw ang kanyang lalamunan.
Nang bigla siyang may napansin na parang lumulutang sa may di kalayuan sa pangpang.
Nilapitan niya ito at nakita ang isang taong nakakapit sa isang may kalakihang styro.
Nilangoy niya ito para dalhin sa pampang.
"JANE!!!!" malakas niyang sigaw ng makilala kung sino ang taong yon.
Pilit niyang hinila papunta sa pangpang ang dalaga at dinala sa may pwesto niya sa ilalim ng puno.
Inihiga niya ito ng maayos saka chineck kung may pulso pa ito.
"Uuunnnggghhh.." mahinang ungol nito.
"May pulso pa. Humihinga pa siya. Salamat naman at buhay ka.." parang nabuhayan ng pag-asang sabi niya sa sarili.
Madilim na nang makagawa siya ng mas maayos ayos na higaan para sa dalaga. Marahan niya itong binuhat para maihiga nang maayos.
"Kahit galing ka sa plane crash, ang ganda mo pa rin. Kaya kita crush e." biro niya sa sarili.
Napansin niyang parang nilalamig ito dahil sa basang damit.
Buti na lng at may nakita siya kaninang mga maleta. Pinilit niyang buksan ang mga ito at tiningnan kung mayroong damit na pwede niya ipalit.
Kaso halos puro basa rin ang mga ito, kaya pinili na lng niya ang mga hindi masyadong basa para ipalit sa suot ni Jane.
Tapos ay pumwesto na rin siya sa may di kalayuan para bantayan ito habang wala pang malay.
Nagising ang dalaga mga madaling araw. Masakit man ang buong katawan ay pinilit niyang umupo para malaman kung nasaan siya. dahil sa dilim ay halos wala siyang makita, pero may naaninag naman siyang tao sa may bandang paanan niya.
"Sino kaya to? Teka, bat iba na ang damit ko?? Gago tong taong to, baka pinagsamantalahan pa ako ah!" tanong ng dalaga habang pinakikiramdaman ang sarili.
Wala naman siyang naramdaman na kakaiba kaya kumalma siya.
"Sino ba to? Mabait naman pala siya.
Baka pinalitan nya lang talaga ang damit ko dahil basa..
Saka kinumutan pa niya ako ng jacket niya..
Teka, kilala ko tong cardigan na to ah.." patuloy nitong sabi sa sarili.
"RAYMOND??!!" malakas nitong bulas pagkakilala sa taong kasama niya.
Nakafetal position ito at parang lamig na lamig na habang natutulog.
Napangiti naman ang dalaga sa isiping hindi siya nag iisa sa isla.
May kasama siyang kakilala.
Hindi na niya ito ginising dahil alam niyang pagod rin ito dahil sa trahedyang inabot nila.
Ikinumot na lng niya dito ang jacket na pinahiram sa kanya saka pumuwesto na rin siya para matulog ulit.
Pagmulat ng mata ni Raymond ay nabungaran niya ang mukha ni Jane na nakaupo sa tapat nya habang nagaayos ng mga bukong naipon nito.
"Ayan, buti gising ka na. Ipagbukas mo naman ako ng buko..
Di ako marunong eh.." Pakiusap ng dalaga rito.
"Ha? Ahh.. sige.. akina.." sagot naman niya dito.
"Tulog ka pa ata e.. Hahahha.. " natatawang sabi ng dalaga.
Napangiti na lng ang binata.
"Thank you nga pala sa pag ligtas mo sa kin ah.. Saka sa jacket." pasasalamat ni Jane.
"Wala yun.. Kahit sino naman ililigtas ka pag ganun.." parang nahihiyang sagot niya.
"Kahit na, thank you pa rin.
Kasi kung di mo ginawa yun baka kinain na ako ng mga pating..
Or namatay sa lamig.." nakangiting tugon ni Jane.
"Kalimutan mo na yun. Ang mahalaga, buhay tayo. " sabi niya sabay abot ng nabuksang buko sa dalaga.
Inabot ito ni Jane at parang hayok na hayok na uminom ng sabaw ng buko.
Halos ilang lagok lang niya ang isang buong buko!
Nag tutuluan pa sa gilid ng bibig nya ang sabaw dahil sa lakas ng pag-inom nya.
"Grabe naman tong babaeng to, kahit walang kapoise-poise ang pag-inom, ang cute nya pa rin!!" isip niya habang pinapanood uminom ang dalaga.
Napansin naman ito ni Jane.
"Gusto mo? Ay ubos na pala, bukas ka na lang ng bago. Sorry! Uhaw na uhaw talaga ako! Hahahaha.." natatawang sabi nito.
"Okay lang, ikaw pa ba. Akina pa ang isa, pagbubukas pa kita." sagot naman niya.
"Nga pala, di ba ikaw ang nagbihis sa kin? Edi ibig sabihin, nakita mo akong nakahubad??!!!" malakas na tanong nito dito.
"Hala siya, e anong gusto mong gawin ko? Hayaan kitang mamatay sa lamig?" balik tanong niya dito.
"Saka kung akala mo, sexy yun dating nun hinubaran kita, hindi po. Pagod na pagod na rin ako, ang dugyot dugyot pa natin pareho. "paliwanag pa niya.
"Joke lang, ikaw naman! Sa sitwasyon natin, akala mo ba, uunahin ko pang magpaka-kikay at intindihin kung nabobosohan mo ako? Siyempre hindi.
Saka alam ko naman na hindi mo ako gagawan ng masama e..
Pilyo ka lang pero hindi ka masamang tao." nakangiting tugon nito sa binata.
Parang kinilig naman siya sa sinabi nito. Pero mabilis ding bumawi.
"Yan ganyan.. Dalawa lang tayo dito, partners tayo..
Dapat tulungan lang tayo.
Pag pinaandaran mo ako ng kaartehan, iiwan talaga kita!" biro niya sa dalaga.
"Hoy! Hindi ako maarte no!" irap nito sa binata.
"Joke lang. Alam ko naman na hindi ka kagaya ng ibang girls na kala mo e lagi na lang minamanyak kung maka arte.
Ang O-OA! Hindi naman kagandahan, kung maka react, wagas!
Ikaw hindi ganun e. Chill ka lang.
Kaya nga crush kita e. " pabirong tugon niya.
Bahagyang namula naman ang dalaga sa sinabi ng binata.
"Tigilan mo na nga yan. Kahapon ka pa ha..
Kaya siguro tayo nag crash dahil sa kakulitan mo na yan.." ganting biro nito.
"Teka, ano na ba ang plano? Nasaan ba tayo?
Wala ba tayong mahihingan ng tulong dito?" seryosong tanong nito sa kanya.
"Nagcheck ako ng vicinity kahapon. Wala ako nakitang kahit anong signs of life.
Ni wala akong nakikitang usok kahit saan na indication na may namumuhay dito." sagot niya.
"Saka bakit parang tropical island to? Based sa pagkakatanda ko, palapit na tayo ng Europe nang bumigay ang engine ng eroplano.
Walang tropical island sa Europe!" takang tugon ng dalaga.
"Yan din ang tanong ko kahapon e. Pero di bale.
Ganito na lng muna ang gawin natin. Let's focus on surviving first, tapos pag nakabawi tayo ng lakas saka tayo mag-isip ng next step kung ano gagawin natin." sabi naman niya.
"Sige, magtry muna ako manguha ng pagkain sa mga puno sa paligid. Ikaw naman, ilibing mo muna yun mga natirang bangkay sa paligid natin. Namamaho na sila at baka magkasakit pa tayo jan. Pati yun tubig sa dagat, ma contaminate." suggestion naman ni Jane.
"Okay! It's a plan. Wag ka masyado lalayo papasok ng forest ah. Saka magiingat ka, ayoko matirang magisa dito sa island na to." sagot niya.
At naghiwalay na nga ng tasks ang dalawa.
Habang iniipon ni Raymond ang mga natirang bangkay ay napansin niyang ang ilan sa mga ito ay kulang kulang na ang bahagi ng katawan.
"Could it be sharks? Most probably.
Pero parang ang konti ng naiwang mga bangkay dito.
Maraming sakay yun eroplano namin.
Meron pa kayang ibang survivors bukod sa amin? Sana naman marami pa.
Kasi yun lang ang logical na pwedeng nangyari.
Its either marami pa ang naka survive, or ganun karami ang sharks sa dagat na to.." sa isip niya.
Nang mailibing na niya ang mga nakuhang bangkay ay naglibot libot naman siya para maghanap ng mga bagay na pwede nilang magamit.
Nakakita rin siya ng isang box na may lamang jungle knife saka isang medical kit.
Makalipas ang ilan pang oras ay bumalik na siya sa pwesto nila ni Jane nun gabi.
Naabutan niya itong inilalatag ang mga nakuha nitong prutas sa isang malaking dahon.
"Wow! Ang dami! San mo nakuha yang mga yan?" excited na tanong niya sa dalaga.
"Jan lang sa paligid! Parang plantation ng mga prutas dito, Ray!
Napakaraming prutas pero parang wala naman kumukuha.." masayang sagot naman nito
Napangiti naman ang binata.
"Ray? Last time I was called by that name is nun highschool pa tayo. Wala na tumawag ulit sa kin nyan kundi ikaw.. Hahahaha.." parang nag reminisce siya bigla.
"So hindi ka na pala si 'Ray' ngayon? Sino ka na? Si 'Mond'? hahahaha.." pang aasar ng dalaga.
"Well, I'd prefer you call me babe.. Pero whatever.." natatawang biro niya.
"Baliw ka talaga!!" natatawang sagot ng dalaga sabay sabunot sa kanya.
"Tara kumain na tayo, gutom lang yan." aya ng dalaga.
"Wait, wala kayang lason ang mga to? Edible kaya to?" may pag aalalang tanong ni Jane.
"May nabasa ako dati, malalaman daw natin if may lason ang prutas kapag ipinahid mo yun juices niya sa balat.
Pag hindi nangati or nagkarashes, safe kainin.
But of course, hindi ako sure." sagot naman niya.
"Hhhmmm... Well, I guess we have no choice but to try it first.." sabi naman ng dalaga.
At nagtry nga sila na ipahid ng katas ng prutas na parang apple sa balat niya.
"Parang wala naman ako nararamdaman na kati or hapdi or kahit ano.
Try mo kayang kumagat, tingnan natin kung may lason." alok niya kay Jane.
"At ako pa talaga gusto mo maunang mamatay??" pabirong bulas nito sabay kurot sa kanya.
"Joke lang! HAhahaha... Ako na unang titikim. Ang sakit mo pa rin mangurot!!" natatawang tugon niya rito.
"Ang tamis! Ang sarap! Ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na prutas!" manghang sagot niya rito pagkakagat sa prutas.
"Patikim nga!" naglalaway na rin sa gutom na tugon ni Jane.
Kumuha rin ito ng isa at kumagat ng maliit dito.
"Oo nga, wow! Hindi ko maexplain yun lasa niya, pero sobrang sarap!!" masayang sabi nito.
Sabik na nga nilang pinag saluhan ang mga nakuha nilang prutas.
Matapos kumain ay nagpahinga lang sila ng kaunti at nagpatuloy na sila sa paglilibot sa isla.
Sa may di kalayuan ay may namataan silang isang box na may lamang mga trashbags.
May ilang piraso din yon.
"Pwede natin gawin habong yan para hindi tayo lamigin sa gabi!" sabi niya.
"Oo nga, pwede rin pansapin para hindi na tayo sa buhangin nakahiga!" si Jane naman.
At dinala na nila ang mga trashbags pabalik sa camp nila.
Hapon na nang makabalik sila kaya agad na nilang inasikaso ang pagtatayo ng makeshift na tent para tulugan nila.
Nang matapos ay madilim na kaya pumuwesto na kaagad si Jane sa loob nito para i-check kung ayos na ba ang tutulugan.
Napansin naman siya nito na inaayos ang mga dahon sa tinulugan niyang puwesto sa ilalim ng puno nun nakaraang gabi.
"Huy, Ray! Ano ginagawa mo jan?" tanong ng dalaga.
"Inaayos ko tong tutulugan ko. Hindi naman tayo kasya jan, unless magkatabi talaga tayo." sagot naman niya.
"Kasya tayo dito, halika na. Wag ka na magpacute jan. Kaya nga tayo gumawa nito para mas comfortable tulog natin e. Tara na." yakag ni Jane.
"Sigurado ka? Okay lang sayo tabi tayo matulog?" tanong naman niya.
"Oo nga. Basta wag kang malikot ah, jojombagin talaga kita!" biro nitong pananakot.
Parang nagdadalawang isip pa rin si Raymond na tabihan ito. Parang nahihiya siya dito.
"Sus naman tong lalaki na to. Nakita mo na nga akong nakahubad, ngayon ka pa mahihiya!
Tara na tabi tayo, basta walang manyakan ah..
Tulog lang." sabi ng dalaga.
"Sige na nga. Basta okay lang to sayo ah?" paninigurado niya.
"Oo nga. Basta kapag minanyak mo ko, gugulpihin talaga kita." nakangiting biro ni Jane.
"Ako nga kinakabahan sayo e.. Baka hindi mo mapigilan ang bugso ng damdmin mo." ganting biro naman niya.
"Ang kapal mo!!" natatawang sagot ng dalaga.