Stranded 3

2551 Words
Stranded Chapter 3 Magkatabi ngang pumwesto sila Raymond at Jane sa ginawa nilang makeshift na tent. Hindi naman sila masyadong siksikan dahil ilang pirasong trashbag rin ang ginamit nila. Ilang minuto rin silang nakahiga ng magkatalikuran. Walang nagsasalita. Nagpapakiramdaman. "Ray, tulog ka na ba?" mahinang tanong ni Jane. "Hindi pa. Bakit?" sagot niya rito sabay biling para naka tuwid na siya ng higa. "Sa tingin mo may magrerescue kaya sa atin dito?" tanong ni Jane habang nagtuwid na rin ng higa. "I think so. For sure may naghahanap na sa atin ngayon. Ganun naman yun pag may aksidente diba?" sagot niya. "Sana dumating kaagad sila. Parang nakakatakot dito, hindi natin alam kung ano meron sa isla na to. Hindi tayo pwedeng magtagal dito." nag aalalang tugon ng dalaga. "Oo nga. Parang may kakaiba nga sa island na to. Parang walang kahit anong buhay except sa mga halaman. Wala ako nakikita kahit anong hayop, kahit insekto man lang sa paligid. Parang hindi naman ata pwede yun. Hindi mag susurvive ang isang island nang walang inhabitants.." may pagtatakang sabi niya. "Baka naman malakas lang ang pakiramdam ng mga hayop dito. Tapos naramdaman nila tayo kaya kusa na naglayuan.." si Jane. "Maybe. Sana ganun nga. Pero parang me narramdaman talaga akong kakaiba dito e.." sagot niya rito. "Wag ka na nga mag-isip ng ganyan! Kinakabahan na nga ako, nananakot ka pa!" saway ng dalaga. "Hindi kita tinatakot. Sinasabi ko lang yun nararadamadaman ko. Dapat ganun ka din, kasi baka akala natin wala lang, pero mahalaga na pala. Basta let me know what you think, kahit feeling mo walang kwenta. Makakatulong sa atin yun para at least lagi tayong aware sa paligid.." paliwanag niya. "Saka okay lang matakot. Wag lang tayo mag-panic. Sa ganitong situation, normal naman ang kabahan dahil sa uncertainty sa mga pwedeng mangyari. Basta dapat, wag tayong papadala sa emotions natin. Dapat diretso pa rin tayo mag isip. Makaka-survive tayo dito, believe me. Basta magtulungan lang tayo." patuloy niya. "Ang lakas naman ng resolve mo. Alam mo, dati ko pa napapansin sayo yan. Kahit makulit ka at puro kalokohan, maasahan ka talaga pag seryosohan na.. Naalala mo nun nagka emergency sa school? Yun nauntog yun isa natin classmate sa plantbox, tapos pumutok yun ulo? Nag-panic lahat, yun iba natakot pa dahil sa dami ng dugo. Ikaw lang hindi nagpanic nun. Pinahiga mo lang siya, tas diniinan mo yun sugat para hindi masyado magdugo. Ikaw rin nag instruct na tawagin yun school nurse sa isa natin classmate. Ang galing mo kaya nun. Kaya siguro marami nag kakacrush sayo nun e, magaan ka na kasama dahil kwela ka, tapos headstrong ka pa sa mga problema.." mahabang kwento ni Jane. "Parang wala naman ako nababalitaan me gusto sa kin nun. Edi sana marami na ko naging girlfriend. Hahahaha.." birong tugon niya dito. "E siyempre, hindi namain sasabihin yun out loud. Babae kami e. Kami kami na lng nakakaalam nun. Hahahaha.." ganting biro ng dalaga. "Akala ko pa naman, close na tayo nun. Marami pala kayong mga dark secrets sa amin. Hahaha.. " tuloy na biro niya. "Maka dark secret naman to! Parang kayo sinasabi nyo sa amin pag minamanyak nyo kami sa imagination niyo! HAhahaha.." malakas na tawa ni Jane. "Hahahaha... Alam nyo pala yun?" sagot niya. "Siyempre, ano akala nyo sa min, tanga. Saka normal lang naman yun. Mga nagbibinata at nag dadalaga pa lang tayo nun e. Kahit naman kami, naguusap ng medyo naughty pag kami kami lang. hahahah!" rebelasyon ng dalaga. "Seryoso?? Like what?" curious na tanong niya. "Secret!! Hahahahaha.. Hindi naman bastos. Mga tipong, uy me abs si ganito, anlaki ng muscle ni ganyan.. mga ganun lang. Hindi kagaya nyo, hinuhubaran nyo agad kami pag napadaan sa harap niyo. Hahahha.." paliwanang nanamn ni Jane. "Hahahaha.. Hindi naman lahat. Pero, meron talaga tayong mga ka batch na ganun e. Di ko alam kung san kumukuha ng inspiration. Kahit naka pang P.E. uniform, nakikitaan pa rin nila ng dahilan para maging sexy sa paningin nila. Hahahaha.." sagot naman niya dito. "Wow ah, bakit ikaw? Hindi ka ba ganun?" tanong nito sa kanya. "Hhhhmmmm... I'm no saint, pero hindi naman ako ganun. Meron din minsan dirty thoughts,pero sa akin na lng yun. Di ko sinasabi out loud, and lalo hindi ko binabastos yun tao. Ewan. Ganun lang siguro talga ako. Makulit, pero hindi badboy. Kaya ako single e. Gusto nyo kasi yung mga badboy lagi e. Hahahaha!" sagot naman niya. "Oi hindi ah. Pero dati parang oo. Mas malakas ang dating sa amin dati pag maangas yun guy. Pero siyempre, dati lang yun. Nagbabago rin preference ng tao habang nagmamature.." tugon ng dalaga. "Sabagay.. Lahat naman nag babago habang tumatanda.." maikling sabi naman niya. "Teka nga, bakit nga ba wala ka niligawan sa school dati? Gwapo ka naman, maganda katawan, me karisma.. Maganda rin status mo sa academics, pumasa ka pa nga sa UP diba? Kaso di mo tinuloy kasi sa LB ka na lineup.." tanong ni Jane sa binata. "That's not entirely true. Me natipuhan din ako dati sa school. Kaso ni hindi ako pinayagan manligaw. Actually, siya lang talaga gusto ko nun e. Kaya siguro hindi na ako nag pursue ng iba." sagot naman niya rito. "Wow! Ang magiting na si Raymond, me type rin pala dati.. Akala namin dati sobrang taas ng standards mo kaya wala ka niligawan.. Hahahaha.. Kilala ko ba yan?" curious na tanong ng dalaga. "Siyempre naman! Meron ba tayong hindi kilala sa batch natin e ang konti natin! HAhahaha.." natatawang sagot niya. "Oo nga noh. Hahahaha.. Hhhhhmmmm... sino kaya yan.. Si Roxanne?" tanong ni Jane. "Nope." mabilis niyang sagot rito. "Si Nicole?" tanong ulit. "Nope." mabilis ulit niyang tugon. "Si Sheila? Si Bea? Si Francesca? Sabihin mo na lang kaya. Nagroll call nako ng lahat ng classmate natin dito. Hahahaha.." natatawa ni sabi ni Jane. "Ikaw." mahinang sagot niya. "Anong ako? E siret na nga ako, hindi ko mahulaan. Sino ba kasi yun?" umaangat na at naupo ang dalaga dahil sa sobrang curious sa isasagot nito. "Ikaw nga." diretsong sagot niya habang hindi gumagalaw pagkakatitig sa bubungan ng tent nila. "A-Ako? Paanong ako e hindi ka naman nanligaw sa akin?" kunot noong tanong ni Jane. "Hindi mo na pala naalala. Hayaan mo na yun. Matagal na yun.." parang malungkot na tugon niya. "Hoy, Raymond, wag kang ano jan ah! Hindi ka nanligaw sa akin! Puro pangungulit at pang aasar lang ang natatandaan ko ginawa mo!" medyo mataray na sabi ng dalaga. "Hindi mo na talaga naaalala na nag try ako manligaw sayo? Sinabayan kita maglakad papuntang tambayan natin, tas nagsabi ako kung pwede kita ligawan. Tapos hindi ka sumagot. Tumawa ka lang. Tapos kinabukasan, hindi na tayo nagpansinan. After two days, me inabot ka sa akin na letter saying 'Ray, I can't accept your courtship, but we can still be friends' Hindi mo na ba naaalala yun?" malungkot na tanong niya kay Jane. "E-E-E akala ko kasi nag-jojoke ka na naman nun.. Akala ko kasi hindi ka seryoso.. Hindi ka naman kasi nag serseryoso sa kin.. " parang nahihiyang sagot ng dalaga. Bumuntong hininga muna siya bago nag salita. "Well, I am at that time. Alam mo bang ikaw lang ang sineryoso ko nun? Wala ako ibang niligawan kasi ikaw lang ang gusto ko. Kaya siguro hindi ko napapansin yun mga sinasabi mong may crush sa kin, kasi hindi ko sila gusto. Isa lang ang gusto ko. Ikaw." seryosong tugon niya rito. "E ba't di mo naman kasi nilinaw. Hindi ko naman sure kung totoo ba yun sinabi mo.. Malay ko ba kung anong kalokohan na naman yun naisip mo.. Ayoko rin naman masira yun friendship natin dahil dun.." si Jane. "So it's mutual. Alam mo ba na sobrang pagsisisi ko na ginawa ko yun kasi hindi mo na ako pinansin after nun? Inisip ko na sana hindi ko na lang ginawa yun para nagkukulitan pa rin tayo.. Sana hindi na ako nagmatapang para hindi mo ako iniwasan.." tugon niya. "Actually, ayoko rin naman talaga iwasan ka.. Kaso hindi ko rin talaga alam kung paano kita kakausapin.. Ano sasabihin ko? Saan ako magsisimula? Kaya dinaan ko na lng sa letter.. Hindi ko naman alam na nasaktan pala kita.. Sorry, Ray.." sinserong paghingi nito ng tawad. "Wag mo na isipin yun, napakatagal na panahon na nun. Saka mga bata pa tayo nun, for all I know, baka puppy love lang yun. Or infatuation lang dahil lagi tayo magkasama bago tayo magkailangan." sagot naman niya. "Kahit na, gusto ko pa rin mag sorry. I never meant to hurt you. Lalo ikaw, e special ka sa kin nun. Ikaw lang kaya pinaka close ko na guy nun.. Tas ang thoughtful mo pa.. Lagi kang nakaready pag me kailangan ako.. Ikaw rin nagpapatawa sa kin pag naiiyak na ako sa mga problema sa buhay.. Natatandaan mo ba yun pinahiram mo sa kin yun savings mo pambili ng bagong sapatos para lang me pamasahe ako araw araw dahil nawalan ng trabaho si papa? Sobrang hindi ko kaya makakalimutan yun.. Kaya nalungkot talaga ako nun hindi na tayo nag-uusap.." malungkot namang rebelasyon ng dalaga. "And it didn't cross your mind na kaya ko ginagawa lahat para sayo e kasi gusto kita as more than just a friend? Ang tigas din ng heart mo e noh.. Hahaha.." pabirong tanong niya rito. "Hahahaha.. Baliw ka. Siyempre, nararamdaman ko. Kahit naman yun ibang friends natin, sinasabihan ako about it. Pero alam mo rin naman na hindi ko pwede pailaralin ang nararamdaman ko nun. Hindi naman kami mayaman. And ako yun inaasahan nila mama na unang makatapos para makatulong sa kanila.. Kaya kahit me mga nagpapalipad hangin sa akin, wala ako inentertain kahit isa. " si Jane. "Kahit seven silang sabay sabay, wala ka inentertain? hahahaha.. Haba rin ng hair mo e no?.. Pero in fairness, ang ganda mo naman kasi talaga noon. Kahit hindi mga bago ang suot mo, kagaya ng mga kikay nating kabatch, ikaw pa rin ang mukhang pinaka mabango. Kaya ikaw napipili sa mga beauty contest, kahit tanggi ka ng tanggi. Hahahaha.." sabi niya. "Hahahaha.. Oo, alam mo ba hate na hate ko yun mga contest na yun? Feeling ko kasi ginagamit lang kami para sa entertainment ng iba at para magkapera sila. Uuurrrggghh.. Until now, hate ko pa rin yang mga ganyan popularity contest kahit marami nag aalok." inis na sabi ng dalaga. "Perks of being that beautiful.. Hahahaha" biro niya. "Dati yun no? Hindi na ngayon. Pumanget na ako. Nalosyang na. Hahahah.." ganting biro ni Jane. "Actually, I think mas maganda ka ngayon. I mean, not this very moment dahil pareho tayong dugyot ngayon. Hahahah.. I mean, parang mas maganda ka as a whole. Mas alluring yun aura mo, mas accomodating yun face mo.. Parang ang sarap mo lang kasama maghapon magdamag.." tugon niya. "Waaaassshhhuuuu!! Sinasabi mo lang yan kasi wala ka naman ibang option. Dadalawa lang tayo sa island na to. HAhahaha.." biro ni Jane. "Hahahaha.. Sige lang laugh all you want.. Pero feeling ko talaga, kaya hindi ako nagkaka girlfriend ng matagal.. Kasi gusto pa rin kita.." seyosong sagot niya na hindi pa rin natitinag sa pagtitig sa bubong ng tent. "Sus, mag move ka na, Ray. Tumatanda na tayo. Kailangan na natin mahanap yun para sa atin.. Sayang naman lahi natin.. Hahahaha.." patuloy na biro ng dalaga. "E ikaw, bakit wala ka pa rin boyrfirend? Kala mo hindi ko alam ah.. Hindi lang ako naglalike ng mga post mo sa social media, pero nakasubaybay ako sa life events mo.. Hahahaha..." balik na tanong niya rito habang tumatawa. "Wow, me stalker pala ako dito.. Hahahaha... But to answer your question, I am not sure. Actually, great question yan. Hahahaha.. Me mga gusto naman manligaw sa akin, maaayos naman ang personality. Maganda trabaho. Pero ewan. Feeling ko hindi pa ako ready. Although okay naman na sila mama, me napundar na rin ako small business para sa kanila. Nakatapos na rin yun isa ko kapatid, isa na lng nagaaral. Maybe hindi pa lang talaga dumarating yun para talaga sa akin. Baka na traffic pa kung saan. Hahahah" paliwanag ni Jane. "I'm sure kung sino man yan, napakaswerte niya. Maganda na, mabait pa, masipag.. Just perfect.." seryosong tugon niya. "Sus, perfect ka jan.. E kung perfect, bat hindi mo na ako niligawan? Pag nagkikita tayo sa get together, halos di mo ako pinapansin.. Tapos inaaya mo ako magsimba, pero pagkatapos, hindi mo na ako ulit papansisin.. Hahahaha.. Ang labo mo rin tsong.. Hindi rin kita maisfeling! HAhahah.." pabirong sabi ni Jane. "Hahahah.. Kung alam mo lang kung gaano ko pinipigilan ang sarili ko wag ma fall sayo ulit.. Kung gaano ko pinipilit na wag kang ligawan.. Gaya mo, ayoko rin masira friendship natin dahil dun.. Pero at the same time, and I think ang mas malalim na reason is, ayoko makasira sa mga plano mo sa buhay.. Kaya nga masaya ako nun malaman ko na flight stewardess ka na pala.. Alam ko naman dream job mo yan dati pa.. E ako, ni hindi ko natapos pag aaral ko dahil hindi ko alam kung ano talaga ang gusto ko. Kaya eto, pa jump jump from one company to another.. Lahat ng raket pinapasok, just to get by. Paano ko ipagmamalaki yun sayo? Kaya hindi na lang kita ginugulo.. Okay na ako nakasubaybay sa pag-unlad mo.." malumanay na sagot niya. "Hhhhmmmm.. I get your point. Saka lalaki ka, di mo man aminin mas mataas ang insecurity nyo sa katawan, lalo pagdating sa careers. Pero, I'm sure you just need the right motivation. Matalino ka naman, not just academically, pero kahit sa ibang bagay, mabilis ka maka adapt. Kahit mga bagong bagay na tinatry mo gawin, mabilis ka maka adjust. Siguro kailangan mo lang makita yun tutulong sayo na hindi mawala yun focus mo sa goal mo. Yun mag reremind sayo kung bakit mo ginagawa yun mga bagay bagay.. Sabi nga sa kape ' para kanino ka bumabangon?' Hahahaha.." tugon ni Jane. "Sana nga.. Haaayyyy..." malalim na buntong hininga niya. "Tara matulog na tayo. Try natin pumasok ng mas malalim sa gubat bukas para mag-explore. Baka may makita tayong makakatulong sa atin." aya niya sa dalaga. "Okay. Good night, Ray..." tugon nito. "Goodnight, Jane.." . .. ... "Ray, are you asleep?" Jane asked again. "Almost, why?" tugon niya. "I'm cold.." mahinang sabi ng dalaga. "Wala tayo kumot. Nabasa rin yun jacket ko kanina.. Hug na lang, gusto mo? hahaha.." pabirong tugon niya rito. "Hhhhhmmmm.. Sige hug na lng. Basta, hug lang ah.. Sisipain ko yan junjun mo pag me ginawa ka kalokohan.." pabirong sabi naman ni Jane. Hindi na siya nag dalawang isip at niyakap ang dalaga. Gumanti naman ito ng yakap sa kanya. "I still feel sorry for what I did to you before. I am so sorry, Ray.. HHhhhhhmmmm..." malambing na sabi nito. "Ang sarap mo naman humingi ng tawad.. may pahug pang kasama.. Sige, gawan mo pa ako ng masama, para lagi ka mag-sorry sa akin.. hahahaha.." birong tugon niya. "Siraulo ka talaga no? hahaha... Basta bati na tayo ah.. Wag mo na ako iiwasan.. From now on, dito na ako lagi sa tabi mo. Just let me know if kelangan mo ng tulong..." seryosong sabi ng dalaga. "Thanks, Jane.. I needed that.." sagot naman niya sabay humalik sa noo ng dalaga bago yumakap ng mas mahigpit. At sabay na silang napapikit..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD