Stranded 4

2658 Words
Stranded Chapter 4 Naunang nagising si Raymond kinabukasan. Madilim pa ang paligid nang imulat niya ang mga mata niya. Pagtingin niya kay Jane ay mahimbing pa itong natutulog habang nakayakap sa kanya. Napakapayapa ng mukha nito.. Maaliwalas.. Hindi mo maaninag ang problema sa kinalalagyan nilang sitwasyon.. Napakaganda.. Naalala tuloy niya yun kanta ng PNE dito. "Kanina pa kitang pinagmamasdan Kanina pa kitang tahimik na binabantayan Hindi gumagalaw hanggang wala ang araw Sadyang nakatanga nakatitig lang sa iyong mukha" Napangiti na lang siya at ipinikit ulit ang mata. . .. ... Ilang sandali pa ay naramdaman niyang gumalaw na rin ang dalaga. "Good morning, Jane.." bati niya dito. "Good morning, Ray.." sagot nito sabay kiss sa pisngi niya. Nabigla man ay natuwa ito sa inasal ng dalaga. "Parang ang sarap ng tulog mo ah.." biro niya dito. "Yup! Parang nabawasan ng 12 tons ang dinadala ko sa heart ko.. hahahha.." sagot naman nito. "Wag ka mag alala, dadagdagan ko ulit yan. Hahaha.." ganting biro niya dito. "Baliw ka talaga no? hhahaha.." masayang tugon nito. "Tara hanap tayo ng breakfast." aya niya dito. "Sige. Wala ba tayo nakuha coffee? or kahit mainit na tubig lang.." tanong nito. "Wala ako nakitang coffee.. Pero me mga freshwater sa malalaking dahon, pwede natin ipunin." sagot niya. "Teka, di ba nakakuha ka ng jungle knife kahapon?" tanong ulit nito. "Oo, eto, gamit ko na nga yun jungle knife pang bukas ng buko." sagot nya dito. "Patingin nga niyan.." sabi ng dalaga sabay kuha ng jungle knife. Binuksan nito ang ilalim nun at may mga gamit pa pala sa loob nun. May sinulid at karayom, ilan pirasong fish hooks.. Saka flint! "Meron pala niyan jan??!!" gulat na sabi niya rito. "Hahahaha.. Meron naman pla tayo flint, pwede tayong makagawa ng apoy!" natatawang sabi naman ni Jane. "Hindi ko alam na me ganyan pala yan! HAhahaha.." natatawa na rin siya. "Waaassshhhhuuuu!!! Alam mo ata talaga meron niyan, hindi mo lang nilabas para maka chansing ka ng hug sa kin e.." biro ng dalaga sa kanya. Namula naman siya ng bahagya. "H-H-Hindi ah.. di ko talaga alam yan.. " parang nautal nyang tugon dito. "Joke lang! Eto naman! HAhahaha.. Wag ka mag alala, di kita sisingilin sa hug. Masarap ang tulog ko kagabi. HAhaha.." sabi nito. At sinubukan nga nila kung gumagana ang flint. Kiniskis nila ito sa walang talim na part ng jungle knife. May tumalsik naman spark dito. "YEEEHHHEEEY!!! Yan gumagana. Mag ipon na tayo ng kahoy para may nakaready na tayo para mamaya. " masayang bulas ni Jane. Nang makaipon ng sapat na panggatong ay pumasok na ang dalawa sa gubat para mag explore. Habang daan ay pinagsasaluhan nila ang mga prutas na nakukuha nila sa paligid. "Alam mo, kahit nakakatakot dito, feeling ko makakasurvive tayo dito dahil sa dami ng prutas. Saka parang walang wild animals. Buti naman." sabi ni Jane. "Oo nga e. Ang lakas pa naman ng phobia mo sa gagamba. Hahahaha.." pang aasar niya dito. "Hahahaha.. Buti alam mo. Alam mo bang muntik na ako mawalan ng trabaho jan? Hindi ko mabuhat yun carry on ng elderly passenger kasi may nakita akong gagamba sa handle. Hahahaha.. Buti hindi ako sinumbong sa Service Director." natatawang kwento nito. "E yung hindi ka makalabas ng cr? Akala namin kung ano na nangyari sayo, sobrang tagal mo sa cr. Yun pala hindi ka makadaan sa pinto dahil me malaking gagamba. Hahahaha.." tumatawa rin niyang kwento rito. "Oo nga! Naaalala ko yun! Hahahaha.. Buti naalala mo pa yun? " sagot nito. "Oo naman. Ako pa nga nagpaalis sa gagamba nun. Saka paano ko naman makakalimutan yun? Ikaw kaya yun." sabi niya. Parang namula naman pero napangiti ang dalaga. May ilang oras na rin silang naglalakad nang may marinig silang parang lagaslas ng tubig. Sinundan nila ang pinanggagalingan ng tunog. Isang magandang waterfalls ang bumungad sa kanila paglabas nila sa kasukalan ng gubat. Hindi ito kataasan, pero napakaganda nito at malakas ang daloy ng tubig. Hindi na sila nag dalawang isip at tumakbo na sila pareho para makainom ng sariwang tubig. "Aaahhhhhh! Refreshing!" sigaw niya. "Ang sarap! Mas masarap pa ata sa mineral water to! " si Jane naman. Maya maya pa ay pareho nang nakalusong sa tubig ang dalawa. "Ang lamig!" sigaw ni Jane. "Oo nga, pero sa wakas nabawasan na rin ang libag ko sa katawan! hahaha.." At sabay silang nagtawanan. Ilan minuto rin silang nagbabad sa tubig para maglinis ng mga sarili. Mayamaya pa ay umahon na rin sila dahil baka ginawin naman sila sa lamig ng tubig. "Parang may mga isda sa part na yun. Teka titingnan ko lang." sabi niya nang may makita siyang parang gumalaw sa mababaw na part ng ilog. "Sama ako!" si Jane. Meron nga silang nakitang parang mga tilapya sa tubig doon. Hindi man kalakihan, pero sakto nang pang kain nila yun. At napakarami ng mga isda doon! "Baka dahil wala silang natural predator kaya dumadami sila ng ganyan.." sabi niya sa dalaga. "Siguro nga. Sundan kaya natin tong ilog para makita kung san to papunta.." mungkani nito. "Sige, tara." sang ayon naman niya. Nanghuli lang sila ng ilang pirasong isda para kainin at binalot yun sa tshirt na dala nila. Tapos ay binagtas na nila ang ilog para tingnan kung saan ang punta nun. Wala pa sigurong isang oras ay lumabas na ulit sila ng gubat at bumungad na ang malawak na dagat. Malapit lang pala ang narating nila kung dito sila nagdaan imbes nasa gubat. Hindi lang ito tanaw mula sa ginawa nilang camp dahil may malalaking bato na nakaharang. "Pwede na rin tayo bumalik doon sa ilog para sa mga isda at fresh water. Tara uwi muna tayo sa camp. Ihawin natin tong mga isda para makakain tayo." sabi niya sa dalaga. Pagdating ng camp ay napasindi agad ng apoy si Raymond para makapag ihaw. Si Jane naman ay dinala ang mga isda sa dagat para hugasan. "Sa tingin mo, tayo lang kaya talaga dalawa ang nakaligtas sa flight natin?" tanong ng dalaga habang kumakain sila. "Not so sure, pero sana ay hindi. Kaso mag 3 days na tayo stranded dito, wala pa tayong nakikitang ibang tao. Unless may nakuhaan din sila ng source ng inumin at pagkain, mahirap mag assume na may iba pang nakasurvive bukod sa atin.." sagot niya. "Hhhhhhmmmm.. Bakit kaya antagal din ng rescue? Usually pag nagka emergency gaya nito, full force ang paghahanap ng survivors e. Pero dito, ni hindi tayo nakakakita ng mga lumiligid na helicopters, kahit rescue boats man lang.." nagtatakang tanong ni Jane. "Oo nga e. Nakakapagtaka nga yun. Mamaya try natin mag iwan ng apoy para makita ng rescuers ang usok. Baka hindi nila alam na nandito tayo." sabi niya sa dalaga. "Ano na ba gagawin natin after kumain? Mag explore pa ba tayo ulit sa gubat?" tanong nito. "Hhhhhmmm.. Baka tama na muna yun for today. Ayusin na lng natin yun tent natin saka mag stock ako ng fresh water sa mga lalagyan. Yun isang maleta, mukhang waterproof naman, iconvert ko na lng para maimbakan ng tubig. May mga damit rin pala laman yun ibang maleta, baka me pwede sa iyo sa mga iyon. " sabi niya dito. "Okay, thanks! Ako na mag aayos ng higaan natin." Nakangiting sagot ni Jane. "Hhhhmmm.. Maaga pa naman, pwede rin siguro tayo gumawa pa ng isang tent para masolo mo na yun una natin ginawa." suggestion niya. "Bakit, ayaw mo na ba ako katabi?" may pag pout pa ng labi na pacute ng dalaga sa kanya. "Siyempre, gusto! Sino ba aayaw na katabi ka. Iniisip ko lang baka gusto mo mag solo, alam mo na. For privacy. Babae ka kaya, lalaki ako." sagot naman niya. "E basta, dun ka na lang din. Mas gusto ko me katabi. Natatakot ako pag magisa lang ako e. Baka me kung anong gumapang sa kin jan. Hahhahaha.. " sagot ni Jane. "Ayun, kaya pala.. Akala ko pa naman, gusto mo talaga ako katabi.. Takot lang pala sa gagamba.. Hahahaha.." pang aasar niya dito. "Hahahaha.. Kasama na rin yun! Saka alam ko naman wala kang gagawin masama sa akin. I trust you." nakangiting sagot nito. "Di ka sure! Baka biglang mag wala ang dragon ni Recca, di ko mapigilan!" ganting biro nya dito. "HAHAHAHAHA... Baliw! " malakas na tawa naman ng dalaga. Habang kumukuha nga ng tubig at ilan pang isda si Raymond ay naiwan naman si Jane para ayusin ang tulugan nila. Yung mga damit na hindi pa nila nagagamit ay ginawa na muna niyang pang sapin sa ilalim para kahit paano ay malambot ang higaan nila. May nakuha rin siyang ilan pirasong towel at blanket na magagamit nila mula sa mga maleta. Natuyo na rin ang mga damit na sinampay nila kaya nagpalit na siya ng suot. Isang oversized na long sleeves polo ang napili nya. Pagbalik nga ni Raymond ay iniabot niya kay Jane ang mga isda para malinisan nito bago ihawin. Nakatalikod ito sa kanya ang dalaga para kunin ang jungle knife at pagtuwad nito ay kitang kita niya ang panty nitong kulay maroon dahil wala itong suot na pang ibaba bukod sa polo. Nanlaki ang mga mata niya at biglang nag-init ang mukha. "Holy pwet!!! Ang ganda ng pwet ni Jane!!" tulala niyang sabi sa sarili. Napansin naman ng dalaga ang pagka tulala niya at bigla rin itong namula. "HOY! Bat mo ako sinisilipan! Hahahaha... Sorry, wala akong nakitang pambaba, puro panlalaking damit lang meron. Di naman kasya sa kin yun pants! Pwede na to, mahaba naman yun polo! Wag mo na lng akong tingnan! HAhahaha.." natatawang puna nito sa kanya. "Pwede ba yun e ang ganda ganda ng puwet mo? Wag mong iharap sa akin kung ayaw mo tingnan ko!" ganting biro niya sa dalaga. "Hahahaha.. Ang manyak!" sagot ni Jane sabay dala na ng mga isda sa dagat para hugasan. Bago dumilim ay kumain na sila ng mga prutas at isdang nakuha nila. Nagparikit na rin ng apoy si Raymond para hindi na sila masyadong ginawin sa pagtulog nila. Nag handa na rin siya ng mga malalaking kahoy para idagdag sa apoy pag humihina na ito. Magkatabi silang nakaupo sa habang pinagmamasdan ang apoy nang matawa siya. "Bakit ka natawa? Share mo naman.." tanong ni Jane. "Naisip ko lang. Ganito kaya kung mag netflix and chill ang mga sinaunang tao? Hahahaha.." sagot niya. "Siguro. O kaya naman nagpapaligsahan sila. Paramihan ng mabibilang na stars. Hahahaha.." ganting biro naman ng dalaga. At sabay silang natawa. "Alam mo Jane, alam kong hindi maganda ang situation natin dito. Para tayong bumalik sa pagiging caveman. Hindi rin tayo sure kung kelan darating ang rescue natin.. Nag aalala rin tayo sa family natin.. Sigurado ganun din sila. Lalo na si Tiya. Wala pa naman siyang kasama.. Pero in a way, I am happy this happened." seryosong sabi niya. "Baliw ka talaga, nag crash na nga yun eroplano natin, tapos stranded tayo in the middle of nowhere, tapos happy ka pa? Hahahaha.. Ang weird mo.." tugon ni Jane. "Hahahaha.. Let me explain kasi muna.. Sabat ka rin ng sabat agad e.. Kasi if you think about it, kung hindi nang yari to, hindi ako magkaka chance na makausap ka ng ganito. Hindi ko masasabi yun naramdaman ko noon. Hindi natin maaayos yun misunderstanding natin.. With everything that has happened, I am just happy. I am happy that I am here right now. Masaya ako na nandito sa tabi mo. I am happy that I am with you. " nakangiti niyang sabi habang nakatitig sa apoy. "HHHmmmmm... If you look at it that way, ako rin naman happy. Na ikaw ang nakasama ko rito at hindi ibang tao." sagot naman ni Jane. Paglingon niya dito ay nakatingin ito sa kanya. Ang magandang mukha nitong matagal na niyang sinasamba. Ang mga mata nitong dinadala siya sa ibang mundo. At ang mga labi nitong parang nag-aanyaya.. At hindi na nga niya napaglabanan ang nadarama. Unti unti niyang inilapit ang mga labi niya sa labi ng dalaga. Hindi man nagsalita ay alam mong payag rin ito sa nangyayari dahil nakita niyang ipinikit nito ang mga mata at ibinuka ng kaunti ang sariling labi.. At naglapat na nga ang kanilang mga sabik na labi.. Sa una'y dampi, pero kusang gumalaw ang mga ito.. Palalim ng palalim ang pinagsasaluhan nilang halik.. Parang isang bugsong matagal nang nais kumawala.. Mga ilan minuto rin nilang pinagsaluhan ang halik na matagal nilang inasam. Nang magkahiwalay ay malambing nilang tinitigan ang isa't isa. Hinaplos pa ni Raymond ang magandang mukha ni Jane. "Ang alat ng labi mo. Lasang isda." biro niya sa dalaga. "Siraulo ka talaga!" nakangiting sagot naman nito. Kukurutin pa sana siya ni Jane, pero bigla niya ulit kinabig ang ulo nito para halikan. Nagulat man ay nagpaubaya rin ito.. At mainit ring tumugon.. Ilang saglit pa ay nagyaya na rin matulog ang dalaga. "Tara na Ray, tulog na tayo.." aya nito. "Okay.." sagot naman niya sabay ngiti. "Ano nginingiti-ngiti mo jan? Hoy Raymundo, tigilan mo yang dirty thoughts sa isip mo ah. Hindi porke't nagkiss na tayo, me gagawin ka na sa akin!" biglang taray ni Jane dito. "Ano naman dirty thoughts? Napa smile lang ako kasi na enjoy ko yun kiss.. Ikaw ang judgmental mo rin e.." natatawang tugon naman niya. "Sinisigurado ko lang. Baka magkulang ng isa yan dragon balls mo pag makulit ka.." birong banta nito sa binata. "Hahahaha.. Baliw ka rin pala.." sabi niya. At magkayakap na nga silang pumuwesto ng higa ang sa ginawa nilang kama. "Ray?" tanong ni Jane. "Yes, Jane" tugon naman niya. "Thank you for always being there for me.. Noon, saka ngayon.." malambing na sabi ng dalaga. "Don't worry about it. Masokista ata ako sa aspect na yan. Gustong gusto ko na pinagsisilbihan ka, kahit nagmumukha na akong tanga.. Hahahha.." biro niya. "Hoy grabe siya! Kala mo naman inaalipin ko siya kung makapag salita! Wala naman akong sinabing gawin mo yan ah!" mataray nitong sagot at parang bibitaw sa yakap. Inagapan naman niya ito ng mahigpit na yakap para hindi makawala. "Joke lang. Ikaw naman.. Alam mo naman handa ako gawin lahat para sa iyo.. Hindi mo na kelangan sabihin.." bawi niya. "HHHmmmmmm... Ang martyr mo naman.. hahahah.." tugon ng dalaga. At sabay silang natawa. "Can I tell you a secret?" tanong ni Jane sa kanya. "What's that?" patanong niyang sagot. "Crush din kita dati." parang nahihiyang sabi ng dalaga. "HUWAT??!!! Bat ngayon mo lang sinabi?? Edi sana matagal na tayong maligaya sa piling ng isa't isa!!" gulat niyang bulas dito. "Hahahaha.. Wag kang OA! Crush lang naman. Siyempre, nakikita ko naman yung mga effort mo dati para sa akin.. Siyempre, kinikilig din ako minsan.. Pero alam mo naman ang priority ko, kaya hindi ko na lang sinabi sayo para wag nang maging kumplikado.." paliwanag nito. "HHHHmmmmmm.. Okay, I understand. Tama ka naman, baka kung sinabi mo, baka lalo kitang i-pursue. And dahil nga sa situation natin noon, baka lalo lang tayo nagkagulo gulo. Or worst, baka di mo naabot ang pangarap mo. At least now I know. I can now sleep each night knowing na naging crush din pala ako ng crush ko. Hahahaha.." masayang tugon niya rito. "Who said it stopped?" pilyang ngiti ng dalaga. Napaangat naman si Raymond para tingnan ang dalga sa mukha nito. "Crush mo pa rin ako hanggang ngayon? Hindi ako naniniwala. Sinasabi mo lang yan kasi ako ang kasama mo dito." hindi kumbinsidong sabi niya. "Edi wag kang maniwala. Ako na nga nagiging honest sayo, ayaw mo pa yata." nakapikit pero nakangiting pacute nito sa kanya. "Totoo ba?? Wow! Napakaswerte ko namang nilalang!" masayang tugon niya rito sabay hahalikan sana ulit ang dalaga. "Hep! Nagpaka honest lang ako sayo, pero it doesn't mean na me nagbago sa atin, okay? Hanggang hug and kiss pa rin tayo. Wag kang apurado." masungit pero natatawang sabi nito. "I wouldn't ask for more.." malambing na sagot naman niya saka hinalikan nang muli ang dalaga. Ilang saglit pa silang nanatili sa ganon bago sila makatulog nang magkayakap..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD