Stranded 5

1992 Words
Stranded Chapter 5 Kinabukasan ay halos sabay silang nagising na dalawa. "Good morning.." sabi niya sabay halik sa sa noo ni Jane. "Morning.." ganting bati naman nito sabay hawak sa mukha ng binata. Hinalikan siya nito sa lips sa ikinangiti niya. "Ang sarap naman gumising pag ganito bubungad sayo every morning.." biro niya sa dalaga. Ngumiti lang ito saka sumiksik ulit sa kanya. Nagpasya silang maglibot ulit sa gubat para maghanap ng kahit anong makakatulong sa kanila. Nag-iwan lang sila ng siga para may usok pa ring makikita kung may lumapit mang rescuer sa isla. Papunta sa kabilang panig naman ng gubat sila naglakad. Masaya silang nagkukulitan habang naglalakad. Kagaya rin dati, kumukuha sila at kumakain ng mga prutas na madadaanan nila. May ilang oras na din silang naglalakad nang may makita silang gumagalaw sa may di kalauyan. Dahan dahan silang lumapit para makita kung ano ito. Nang makalapit ay nakita nilang isa itong tao. Lalaki, may katangkaran, parang may ibang lahi. Kita mo rin dito na medyo matipuno ang katawan, halatang batak sa gym. Pero parang sira sira rin ang damit nitong puting polo saka itim na pants. Lumapit pa sila ng marahan dito para makilala kung sino ito. "C-C-Calvin?!" gulat na sambit ni Jane. "Kilala mo siya?" tanong niya rito. "Siya yun piloto ng eroplano natin." mahinang sagot nito. "Aahhhhh.. Tara lapitan natin! Mabuti naman nakaligtas din siya!" sabi niya. "Hey Calvin! Mr. Piloto!" maagang bati ni Raymond para hindi naman mabigla ito sa kanila. "Hey! So glad to see other people here! Hahaha.. I thought I was the only one who survived! Are you alone?" tanong nito sa kanya. "No, I have someone with me. Jane!" tawag niya sa dalaga. "J-Jane?! JANE!! It's you! Oh, I am so happy to see you!!! I thought I'd lost you.. I'm so glad you're alive.." masayang sabi nito sabay lapit at yakap sa dalaga. Nakatingin lang ng blangko si Jane habang yakap siya ng piloto. "Are you okay?? Are you hurt?? Oh, I am so happy to see you, my love!" sabi pa nito. "M-M-My love?? Tama ba pagkakarining ko? Tinawag niyang my love si Jane?" kunot noong tanong niya sa sarili. Hindi naman tumugon si Jane dito. Nakatayo lang ito at nakatulala kay Raymond. "Don't worry, my love. I have set up a camp here. I found a good source of water, and we got plenty of fruits around, so we won't go hungry. Funny, I don't see any animals around here. I would have hunted a few for dinner." Nakapamewang na pagyayabang nito kay Jane. "Don't you worry anymore, my dear. I am here. You already found your way to me. Good for you!" patuloy pa nito. "You are welcome to stay here too, if you want.. uuhhhmmmm..." sabi naman nito sa kanya. "Raymond." maikling pakilala niya dito. "Ahh! Raymond. Nice to meet you. And thank you for taking care of my dearest Jane here.. Ooohhhhh.. I so miss you, Jane.." wika nito sabay yakap ulit sa dalaga. "T-That's okay. I have set up a camp somewhere down the beach. I'll just stay there in case some rescuers come this way. I'll leave you two be. " malungkot na sabi ni Raymond saka tumalikod paalis. "Ray.." tawag naman ni Jane sa kanya. "Okay lang, Jane. Naiintindihan ko. Wag ka na mag paliwanag." sagot niya dito habang nagpipilit ngumiti. Magsasalita sana si Jane pero naunahan siyang mag salita ni Calvin. "You know what, I think it's a better idea to have a camp closer to the beach. That way, we can see any boats coming this way. Great thinking, Raymond! Let's set up camp there in the beach!" magiliw na sabi ng piloto sabay hila sa kamay ni Jane papunta sa pinaggalingan ng dalawa. Naiwan namang tulala si Raymond. Hindi niya alam ang gagawin niya habang pinagmamasdan ang dalawang papalayo na sa kanya. Inilibot niya ang tingin niya sa "camp" ni Calvin. Nagkalat ang mga pinagkainan ng prutas. Marami ring nagkalat na malalaking dahon na malamang ay pinaginuman ng tubig galing hamog. Ni wala itong maayos na tulugan bukod sa pinagpatong patong na malalaking dahon na nakalapag lang sa sahig. Wala rin siyang nakitang palatandaan na nag roam man lang ito para i-explore ang paligid ng camp. "Ano to, pumasok lang dito sa gubat tapos nagbilot na ng dahon at natulog? Ano ginagawa niya nito ng mga nakaraang araw?" naguguluhang tanong niya sa sarili. Sumunod na rin siya pabalik sa camp nila ni Jane. Pagdating doon ay naabutan niya si Calvin na nakahiga sa kama nila. Kamay sa likod ng ulo at nakataas pa ang mga paa sa mga salansan nila ng mga maleta. "This is nice! You were lucky you find these suitcases. At least you have some change of clothes. I don't have any, and I haven't taken a bath for days now!" reklamo nito. "You can have some of the clothes there. See if any would fit you." Alok niya rito. Pagtingin naman niya kay Jane ay may suot nang pants ito. Kaso sobrang laki sa kanya. Ibinuhol lang nito ang dalawang gilid ng bewang saka itinupi ng itinupi ang laylayan. Nagmukha tuloy itong k-pop dancer na sasayaw ng hiphop. Gusto niya sanang matawa dito, pero naalala niyang me atraso nga pala ito sa kanya. Sinaktan na naman siya. "R-R-Ray.." parang may gustong sabihin ito pero hindi niya pinansin. Lumayo lang siya dito. Kumuha siya ng isang hindi naman sobrang laki na khaki pants. Pinutulan niya ng laylayan ito para umikli, tapos ay ginawa niyang parang sinturon ang naputol na bahagi nito. "Kahit naman sinaktan mo ako ulit, ayoko naman na makita kang parang batang hamog. Kasya tayong dalawa jan sa suot mong pants e.." natatawang sabi niya sa sarili. "Wag kang mag-alala, sanay na akong masaktan. Basta masaya ka." patuloy pa niya. Ilang saglit pa ay inabot niya ang ginawa kay Jane. "Oh, ito na lng suotin mo. Mukha kang clown jan sa suot mo." malamig na sabi niya rito. "S-S-Salamat.. Ray, wait.. Mag-usa.." hindi natapos ni Jane ang sasabihin dahil tinawag siya ni Calvin. "Jane, my dear, do you have any glasses in here? I want to drink some fresh water, but I can't find any glasses." Tawag nito sa dalaga. "Kukuha muna ako ng mga isda at tubig. Babalik rin ako mamaya." paalam niya sa dalaga. Habang naglalakad sa dalampasigan ay nagiisip siya. "Bakit kaya nagsinungaling sa akin si Jane? Hindi naman siya ganun dati.. Bakit hindi na lang niya inamin kaagad na may BF na siya. Piloto pa! Sabagay, bakit nga naman hindi magugustuhan ni Jane yun.. Matangkad, gwapo.. Maganda pa trabaho.. Saka kung makaasta, halatang anak mayaman. Mukhang hindi pa nakaranas humawak ng itak o martilyo man lang e! Haistt.. Bakit nga naman ba kasi umasa ka na naman, Raymond. Lumagay ka kasi sa lugar mo.. Nadala lang siguro yun kagabi kasi dalawa lang kayo nandito! Bat naman magkakagusto sayo yun? Makuntento ka na lang na magkaibaigan kayo.. At least part ka pa rin ng buhay nya.. " malungkot na sabi niya sa sarili. "Kaya mo yan, Raymond! Tibayan mo! Kinaya mo nga lumaki ng walang totoong magulang e. Kinaya mo lahat ng pagsubok na dumating sayo. Kung me nabibilhan lang ng red horse dito, binilhan na sana kita! Dating gawi, idaan sa alak ang lungkot. Paggising, masakit ang ulo at nakabusangot!! Hahahaha.." pilit niyang pinapasaya ang sarili kahit halos maiyak na siya sa bigat ng nadarama. Pagkakuha ng isda at tubig ay mabagal siyang naglalakad pabalik ng camp nila. Parang tamad na tamad siya sa bawat hakbang niya. Parang ayaw na niyang bumalik doon at makita yun dalawa na magkasama. Parang hindi na niya kayang makita si Jane sa piling ng iba.. "Bakit dati, kaya ko naman. Okay lang ako kahit sa malayo ko lang siya pinagmamasdan.. Yung makita ko lang siya na nakangiti at hindi nasasaktan.. Yung nakikita ko siyang umuunlad ng dahan dahan.. Uy! Magkakarhyme yun ah.. Bars!! Hahahaha.." pilit pa rin niyang nililibang ang sarili para makalimutan ang nangyari kanina. Nung papalapit na siya sa camp ay bigla siyang me narining.. "AYOKO NGA!!!! ANG BASTOS MO!!! MANYAK KA!!! RRRAAAAYYYY!!!! TULONG!!!!!!" narinig niyang sigaw. "SI JANE!!!!!" parang natauhan at bigla niyang iniwan ang mga bitbit para punatahan ang dalaga. Inabutan niya si Calvin na pinipilit kinukubabawan si Jane habang todo piglas naman ito. "HOY! TARANTADO KA AH!!" sigaw nya dito sabay tadyak sa tagiliran. Sinundan pa niya ng dalawang suntok sa magkabilang panga. "W-W-Wait, stop! Don't worry about it, mate.. She knows all about this.. They all do.. Ask her.." nakangising sabi ni Calvin sa kanya. Pagtingin niya kay Jane ay umiiyak at naginginig pa ito sa takot. "You can even go next if you want.." parang demonyong nakangisi si Calvin sa kanya. Nagdilim na ang paningin niya. Lahat nag mahawakan ay inihahambalos niya sa piloto. Bato, buko, sanga, pati ang mga maletang nagkalat ay pinaghahataw niya dito. Suntok, tadyak, siko. Pinagtutuhod pa niya ang pagmumukha nito. Hindi na nya alam ang ginagawa niya rito. Napatigil lang siya nang may yumakap mula sa likod niya. "Tama na Ray.. Tama na.." umiiyak na pagpigil ni Jane sa kanya.. Para naman siyang natauhan at tinigilan ang paggulpi sa piloto. Nagkaroon naman ng tiyansa itong makatayo at makalayo ng konti sa galit niya. Kahit hindi na halos makatayo sa gulpi ay pinilit nitong magpagulong gulong at magpakalayo sa loob ng gubat.. Hahabulin pa niya sana ito, pero niyakap siya ni Jane sa braso. "Wag na Ray.. Tama na.. Please.." namumugto na ang matang nitong sabi. "It's okay, Jane.. I'm here.. You're safe now." Pag-alo niya dito. "BAKIT MO KASI AKO INIWAN???!!! AKALA KO BA HINDI MO AKO IIWAN???!!!" lalong lumakas ang iyak nito habang nakayakap sa kanya. Saka biglang nag sink-in ang sinabi nito sa kanya.. Bigla siyang tinamaan sa mga salita nito.. Tama si Jane, hindi niya dapat iniwan ito.. Nangako siya, hindi lang sa dalaga, maging sa sarili niya na hidi niya ito papabayaan.. Pero dahil lang sa selos, ayun.. muntik na itong mapahamak.. "I-I-I'm so sorry, Jane.. Hindi kita dapat iniwan sa demonyong yon.. Akala ko kasi me ugnayan kayo.. Akala ko nobyo mo siya.. Akala ko sa kanya ka masaya.." malungkot na paghingi niya ng tawad dito. "PURO KA KASI AKALA!! NI HINDI MO MAN LANG AKO BINIGYAN NG CHANCE MAG EXPLAIN SA YO! HUHUHUHU... AKALA KO BA DAPAT SINASABI NATIN ANG MGA NASA ISIP NATIN KAHIT FEELING NATIN HINDI MAHALAGA? AKALA KO BA DAPAT NAGSASABIHAN TAYO NG LAHAT??!!" sigaw nito sa kanya pero hindi bumibitaw sa pagkakayakap. "I-I-I am so sorry, Jane.. Sorry... Kasalanan ko lahat yun.. I let my insecurities get the better of me.. I am so sorry.." lumuluha na rin niyang sagot dito. May ilang minuto rin silang nanatili sa ganung ayos. Katahimikan lang ang namamagitan sa kanilang dalawa habang magkayakap. Maya maya ay binasag ni Jane ang katahimikan. "Ano pa ba kailangan kong gawin para mawala yan insecurities mo, Ray? Hindi ako nagpapaligaw kahit kanino.. Hindi ako nag nonobyo.. Ikaw lang ang hinihintay ko.. Ikaw lang.. Huhuhuhuhu..." patuloy na iyak nito sa dibdib niya. "T-T-totoo ba yan sinasabi mo, Jane? Hinihintay mo ako? Akala ko wala na rin ako pag-asa sayo dahil parang wala lang sayo pag di tayo nag-uusap.." hindi siya makapaniwala sa narinig mula rito. "Alam mo Ray, meron ako napatunayan tungkol sayo.." sabi ng dalaga habang sumisinghot. "Ano yun?" tanong niya. "Matalino ka sa maraming bagay, pero napaka bobo mo pagdating sa ganito.. Hahahah.." pilit na tawa nito kahit tumutulo pa rin ang luha. Wala naman siyang maisagot rito. "Gusto mo ba ako pa unang magsabi?" nakangiti nang sabi nito sa kanya. "Let me. I love you, Jane. Mula noon pa man. Hanggang ngayon. At kahit kailan pa man.." buong pagmamahal niyang sabi rito. "Ang korni.. But I'll take it.. Ang bagal mo eh.. Muntik pa ako mapahamak bago ka magsabi.. Hahahah.. I love you too, Ray.." sagot nito sabay yakap ulit sa kanya. At naglapat na ang kanilang mga labi..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD