Chapter V
Kakatapos lang ng seminar at dali-dali kong tinungo ang men's room dahil sasabog na talaga ang aking pantog, naghuhugas ako ng aking kamay nang pumasok si Reese at nagulat pa ito nang makita ako, bigla kong hinawakan ang kanyang kamay nang akmang lalabas ito.
"Di na tayo nag-uusap, parang di na tayo magkakilala." sabi ko sa kanya.
"Anong pinagsasabi mo?" takang tanong niya sa akin, hindi ko siya sinagot sa halip ay nilapitan ko ito at inangkin ang kanyang labi, sa una ay nagprotesta ito hanggang sa nawalan na siya ng lakas, sabay kaming napasinghap ng hangin nang matapos ko siyang halikan, muli kong tinignan si Reese magkahalong pangungulila at pagkasabik ang nakikita ko sa kanyang mga mata, sa isa pang pagkakataon ay muli ko siyang hinalikan, dinala ko siya sa cubicle at ni-lock ito, hindi na namin napigilan ang bugso nang aming puso at ang init nang aming katawan. Sa loob nang limang taon muli kong naramdaman ang aking sarili sa loob ni Reese, nakaupo ako sa bowl habang nakayakap siya sa akin. Iniharap ko ang kanyang mukha sa akin at muli ko itong hinalikan.
"Now that you're back, i promise that i will never hurt you again." seryoso kong sabi sa kanya, kahit hindi siya sumagot ay alam kong may natitira pang pagmamahal ang puso niya.
Nakahiga kaming dalawa ni Reese habang nanonood sa paglubog ng araw, niyakap niya ako at sinubsob ang kanyang mukha sa aking leeg, this is the last day of the seminar but we decided to stay for another two days para mas makasama pa namin ang isa't-isa.
Pinagmasdan ko si Reese habang natutulog, siguro kung hindi kita iniwan noon mas masaya sana tayo ngayon, siguro nasa Paris na tayo at nakikipaglaro sa ating mga anak. Pero mas nagpapasalamat ako dahil sa desisyon ko noon dahil ligtas ka at malayo sa kapahamakan ngayon.
Nagising ako na wala si Reese sa aking tabi, bigla ako nakaramdam ng takot kaya bumangon ako sa kama at hinanap siya. Napanatag ang aking loob ng makita ko siya na nagluluto.
"Hey donkey, anong niluluto mo?" sabi ko sa naglalambing na boses.
"It's your favorite, my shrek." sabi nito sabay pisil sa aking pisngi.
"I miss this, can we be like this everyday?" sabi ko habang nakayakap sa kanyang likod.
"Yes we can, pero natatakot ako sa posibilidad na malaman ni Chloe ang tungkol sa atin." ramdam ko ang biglang pagbago ng kanyang ekspresyon.
"Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa atin at sa pamilya mo, hindi ko gustong makasira." dagdag pa nito.
"Shhhh, wag mong isipin yan, walang masisira." sabi ko sa kanya, i kiss his lips and hug him tightly.
Nakaupo kami sa harap ng bon fire habang yakap ang isa't-isa dahil ito ang huling gabi namin na magkasama sabay naming pinagmasdan ang ganda ng kalawakan, i kiss his forehead as a sign of my love and respect for him. Kinabukasan sabay kaming bumaba ng eroplano pero muli din kaming nagkahiwalay dahil sinundo siya ni Dominic, he look at me before he get in the car pasimple naman akong kumaway sa kanya at ngumiti naman ito bilang sukli.
"I'm home." sabi ko nang makapasok ako sa aming sala.
"Daddy.." sabay na sigaw ng kambal agad naman silang nagtakbuhan papalapit sa akin.
"Dahil mabait kayong dalawa daddy has a present for you."
"Really daddy?." excited na sabi ni Oliver. Kinuha ko ang dalawang paper bag at binigay ito sa kanilang dalawa sabay nila itong binuksan.
"Wow daddy i like this." sabi ni Olive habang hawak hawak ang stuff bear.
"I'm glad that you like it, how about you Oliver did you like your present?" tanong ko sa kanya.
"I don't like this Daddy." kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito.
"Why baby?" tanong ni Chloe sa kanya.
"I don't like this because i love it." sabay ngiti ng kay laki, tumawa naman ako ng malakas dahil sa hirit nito.
Bumangon ako nang makatanggap ng tawag galing kay Reese.
"Nagustuhan ba nila ang mga regalo na binili ko para sa kanila?" sabi nito sa kabilang linya.
"Yes, they just don't like it they also love it." sabi ko naman sa kanya.
"I'm glad na nagustuhan nila ito, I'm also excited to meet them soon."
"Are you available this sunday? I'll bring the kids para makilala mo naman sila." sabi ko rito.
"Oh sure, I'm happy to meet them, Uhmmm its already late i think we need to rest." sabi nito.
"Good night my donkey, i love you." sabi ko sa kanya.
"I love you my shrek, good night." sabi nito at binaba na niya ang tawag.
Reese's POV
"Mukhang maganda ata ang tulog mo ah." bungad sakin ni Dominic.
"Ha?, anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong rito.
"Wala, nakangiti ka kasi habang natutulog." sabi nito sabay inom ng kape.
"What? Maybe i have a good dream lang." sabi ko sa kanya.
"Uhmm, Reese? Im planning to go back to New York next week, sasama ka ba?" biglang tanong niya sa akin, hindi ako nakasagot sa kanyang tanong dahil nag-aalangan ako kung babalik ba ako ng New York.
Sunday....
Maaga akong umalis ng apartment para kitain si Chase at ang mga bata, pagbaba ko nang sasakyan ay tinext ko si Chase kung nasaan sila.
"Nandito kami sa harap ng simbahan." basa ko sa kanyang mensahe agad naman akong pumunta doon.
"Hey donkey." sabi ni Chase nang makarating ako sa simbahan, hinalikan niya ako sa noo at niyakap.
"Chase wag masyadong sweet baka may makakita satin." bulong ko sa kanya bago ako kumawala.
"Im sorry, Hey kids this is tito Reese daddy's friend." pakilala sakin ni Chase.
"Hi po tito Reese, I'm Olive Joy" pagbati ni Olive habang nakangiti.
"Diba po ikaw yung umiiyak na lumabas sa resto ni tito Raymond?" biglang sabi naman ng batang lalaki, tinignan naman ako ni Chase.
"So you remember me? Hindi ako umiiyak nun napuwing lang ako kaya ako umiyak" pagpapaliwanag ko sa bata.
"Ganun po ba?, im Oliver po" sabi niya naman habang nakangiti.
"Nice to meet you Oliver & Olive Joy, lets get inside na mag-uumpisa na ang misa." pag-anyaya ko sa kanila.
Pagkatapos ng misa ay kumain kami sa Jollibee kita sa mukha ng mga bata ang kasiyahan nang dumating na ang aming inorder, masarap pagmasdan ang mga ngiti sa kanilang mukha habang kumakain sila ng fried chicken.
"Look ang ganda naman ng pamilya nila." sabi ng isang lalaki sa kasama nito nang napadaan sila sa aming table, magkasintahan siguro ang mga ito, napangiti naman ako sa sinabi nila.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami ng mall para makagala naman ang mga bata, binilhan ko sila ng bagong damit hindi pa sana papayag si Chase pero nagpumilit ako. Nakaupo kami ngayon sa parke habang pinagmamasdan ang dalawang bata na naglalaro sa ibang bata.
"Hanggang kailan tayong ganito?" seryoso kong tanong kay Chase.
"Ha?, anong ibig mong sabihin?" takang tanong niya naman sakin.
"Hanggang kailan tayo magtatago?" muli kong sabi rito.
Humarap si Chase sakin at hinawakan niya ang aking mga kamay. "Hindi tayo nagtatago ok?" mahinahon na sabi nito.
"Kung hindi tayo nagtatago eh anong ginagawa natin?, ayaw kong maging kabit Chase mali itong ginagawa natin, ayaw kong masira ang relasyon niyo ni Chloe." maluha luha kong sabi rito.
"Reese naman eh, wag ka ngang mag-isip ng ganyang bagay, hindi ka nakakasira ok?, tinutuloy lang natin ang naudlot nating pagmamahalan." paliwanag ni Chase, he wipe my tears and he kiss me in my forehead.
"Daddy?, anong pong ginagawa niyo ni tito Reese?" takang tanong ni Oliver.
"Ha? Ah w-wala anak kino-comfort lang ni daddy si tito Reese, malungkot kasi siya." paliwanag ni Chase sa kanyang anak.
"Ganun po ba?, can i give him a hug po para mawala din ang lungkot niya?"
"Yes, you can baby." pagbigay pahintulot ni Chase kay Oliver.
"Can i hug tito Reese din po?" sabi naman ni Olive, they hug me tightly kaya medyo nawala ang mga iniisip ko. Masarap sigurong magkaroon ng sarili mong anak, nakakawala kasi ng stress ang mga anghel na ito.
Hapon na nang magkahiwalay kami ni Chase, bago ako umalis ay muli kong niyakap ang mga bata at isang ngiti naman ang binigay ko kay Chase.
"Saan ka nanggaling?" bungad sakin ni Dominic nang makapasok ako sa kanyang apartment.
"Ha?, uhmm pumunta ako sa birthday ng kaklase ko noong college." palusot ko sa kanya.
"Talaga? Birthday ba talaga Reese?" seryoso nitong sabi, kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Akala mo ba hindi ko alam ang lahat na pinaggagawa mo Reese?" dagdag pa nito.
"Anong ibig mong sabihin?, w-wait? pinapasundan mo ba ako?" taka kong tanong rito pero hindi siya sumagot.
"Dominic sagutin mo ang tanong ko, bakit mo ako pinapasundan?" galit kong sabi sa kanya.
"Because i want to protect you." sagot nito.
"Protect from?" muli kong tanong sa kanya.
"I want to protect you from Chase." seryoso nitong sabi bigla nalang nang hina ang aking katawan at napaupo ako sa sofa.
"Bakit Dominic?, bakit kailangan mo akong protektahan kay Chase?" maluha luha kong sabi sa kanya.
"Kaya kita pino-protektahan dahil hindi ko gustong makita kang nasasaktan parang dinudurog ang puso ko sa tuwing nakikita kitang malungkot dahil ma-mahal kita." nagulat ako sa paliwanag ni Dominic.
"Why?" tipid kong tanong sa kanya.
"Simula pa noong una tayong magkilala sayo lang tumibok ang puso ko, sinubukan kong labanan ito pero i was failed, every time i see you smile there was something inside of me na nagpapagaan sa aking damdamin tinago ko ng ilang taon ang lihim kong pagtingin sayo dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan nating dalawa." muli nitong kwento, parang hindi pumapasok sa aking isipan ang sinabi ni Dominic.
"I'm so sorry Reese." muli nitong sabi.
I don't know what to say, hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya. Tumayo ako at lumapit dito.
"You don't have to say sorry Doms, alam mo naman kung gaano kita ka mahal bilang kaibigan diba, pasensya na kung hindi ko masusukli-an ang pagmamahal mo sa akin." paliwanag ko sa kanya.
"I know, ako lang talaga tong OA, I'm really sorry dahil pinapasundan kita, i want you to be safe hindi ko gustong mapahamak ka." sabi nito sa akin, hinawakan niya ang aking pisngi at ngumiti, maya-maya ay tumulo na ang kanyang mga luha kaya niyakap ko siya nang mahigpit, kahit sa ganitong paraan mapaparamdam ko sa kanya na di siya nag-iisa.
Ilang linggo ang nakalipas at bumalik na nga si Dominic sa New York, naintindihan niya naman kung ba't ako nagpaiwan rito sa Pilipinas.
"Ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong sakin ni Chase, nandito kami ngayon sa balconahe ng aking bahay, i decided to live in my parents house.
"Wala, I'm just thinking, malapit na pala ang birthday mo no? So what's your plan?" uminom ako ng wine at hinarap ko siya.
"Hmmm, i don't know." tipid nitong sabi, kumuha siya ng grapes at sinubuan niya ako. "Since malapit na ang birthday ko can i get my present?" bulong nito sa akin.
Ramdam ko ang kakaibang sensasyon nang bumulong siya sa akin, i think lahat ng balahibo ko sa katawan ay tumayo.
"Save that for your birthday honey." i passionately kissed him and left him hanging.
"No, you can't do this to me?, please kahit isa lang." nagmamakaawa nitong sabi kaya natawa ako. I grabbed his polo shirt at pinasuot ko ito sa kanya.
"Chase its getting late, magtataka na naman ang asawa mo ba't ka na naman late na umuwi." sabi ko sa kanya, habang sinasarado ko ang kanyang botones ay hinahalikan niya ako sa aking leeg.
"Ayaw ko munang umuwi, i want to stay with you." paglalambing nito na parang bata pero hindi ko siya pinansin.
"There, you're good to go." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Reese naman eh, siguro may gusto ka nang iba." sabi nito at kunwari nagtatampo, nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang mga pisngi.
"Kung may gusto man ako laging ikaw yun, ok?" seryoso kong sabi sa kanya, i kiss and hug him tightly. Hindi na siya nagpumilit pa na magstay sa bahay kaya hinatid ko na siya sa labas.
Nang pabalik na ako sa loob ay napansin ko ang lalaking nakatayo sa kabilang kalye, nakaramdam ako ng takot nang tumingin ito sa akin biglang umihip ang malamig na hangin kaya dali-dali akong pumasok sa loob. Agad kong tinawagan si Chase dahil sa aking nakita.
"Don't worry I'm fine, i already called the security guards of this village, sabi nila maglilibot sila mamaya." sabi ko kay Chase sa kabilang linya.
"Hey, but I'm still worried about you, ayaw mo namang samahan kita jan. Just lock the door, ok?" pahabilin nito sakin.
"Yes yes, I'll be fine, ingat ka pauwi love you." sabi ko rito.
12:20 am
Nagising ako dahil sa ingay ng mga aso sa labas at maya-maya ay nakarinig ako ng kaluskos sa baba, bumangon ako at dahan-dahang sumilip sa may pinto. I see a shadow slowly walking, i grab my phone and dial the digits of Chase, in my dismay he's not answering my call maybe he's in deep sleep, grabe na ang kaba sa aking dibdib i try to call the security of the village buti nalang at sinagot agad nila ito.
"Hello security, may mga akyat bahay po na nakapasok sa bahay ko, kailangan ko po ng tulong ngayon." sumbong ko sa guard.
"Sige sir papunta na po kami jan." agad nitong sagot.
"Salamat po." napatayo ako bigla nang makarinig ng yapak ng paa paakyat. I grabbed the baseball bat that Dominic gave, inihanda ko ang sarili ko kung sakaling pumasok ang kawatang ito sa aking kwarto.
Agad akong pumwesto sa likod ng pinto, mahinang bumukas ang pinto at niluwa nito ang tao na may dalang kutsilyo buong pwersa kong hinampas ng baseball bat ang kanyang kamay kaya natumba ito at napasigaw sa sakit muli ko siyang hinampas sa katawan at binuksan ang ilaw, lumabas ako ng kwarto at patakbong tinungo ang sala. Napatigil ako dahil may dalawa pang lalaki doon, what to do?, kailangan kong lumaban, basta bahala na, sumugod ang isang lalaki akma niya akong saksakin sa tiyan kaya umiwas ako at hinampas siya sa likod, sumugod din ang isa pa buti nalang may kaunti akong training sa muay thai noong nasa New York pa ako.
Bigla akong nahilo nang may tumama sa aking likuran hinarap ko siya at ang lalaking umakyat sa aking kwarto ang nakita ko habang hawak-hawak niya ang vase, bigla akong hinawakan ng dalawa sa magkabilang braso, s**t! hindi ako makagalaw masyado silang malakas, napahiyaw ako sa sakit nang suntukin ako ng lalaki sa tagiliran.
Hindi ko na kaya, ilang oras nalang at mawawalan na ako ng malay, isang suntok pa sa mukha ang natanggap ko mula sa kanilang tatlo, i was about to pass out nang biglang may humampas sa isang lalaki, nagsidatingan din sa wakas ang mga guard.
"Tumawag kayo ng ambulansya." sigaw ng isang guard. Bago pa ako lamunin ng kadiliman ay nasulyapan ko pa ang mukha ng bumuhat sa akin, and i passed out.
Chloe's POV
(Phone ringing…)
Bumangon si Chase at sinagot ito, simula nung bumalik siya galing boracay ay umiba ang pakikitungo niya sa akin, palagi kaming nag-aaway parang ang gulo na nang aming bahay.
"Good night my donkey, i love you." rinig kong sabi niya sa kanyang kausap, donkey? I think i heard that before? Nagtulog-tulogan ako nang bumalik siya sa kama, i try to hug him pero agad naman itong tumagilid.
Linggo nagluto ako ng paborito ni Chase, sabay sabay kaming kumakain pero parang ako lang ang tao rito. Napaharap ako kay Chase nang magsalita ito.
"Dadalhin ko muna ang mga bata." walang emosyon nitong sabi.
"Saan naman kayo pupunta?" takang tanong ko sa kanya?
"Ipapasyal ko muna sila sa mall, napapansin ko kasi na puro gadgets lang ang hawak nila buong araw." paliwanag nito.
"Oh sige mas mabuti nga kung ganun." tipid kong sabi sa kanya.
"Oo at para makapagpahinga ka na rin sa kakabantay sa kanila." sabi nito, naghihintay ako na yayain niya rin akong lumabas pero wala akong narinig mula sa kanya.
Iba ang kutob ko sa mga nangyayari naninibago ako kay Chase, tinawagan ko si Mando para sundan si Chase at ang mga bata.
Naghihintay ako nang tawag mula kay Mando nang tumunog ang aking telepono, unknown number ang tumawag sa akin kaya sinagot ko ito.
"Hello?" sabi ko sa kabilang linya.
"Hi Chloe." nanlaki ang aking mga mata dahil sa pamilyar na boses ng tumawag, bigla akong nakaramdam ng takot at nanghina, how did he get my number, bakit pa siya bumalik? agad kong pinatay ang tawag.
"Hello Mando?" mahina kong sabi.
"Tama nga ang kutob mo, magkasama nga silang dalawa, ipapadala ko nalang mamaya ang mga litrato." sabi nito sa kabilang linya at pinatay na rin ang tawag.
Kailangan kong gumawa ng paraan para muling ilayo si Chase kay Reese, mahal ko siya higit pa sa buhay ko hindi ko gustong agawin siya ng iba sa akin, hindi ako makakapayag.
"Oh, Buti at naisipan mong bisitahin kami rito hija." bungad sa akin ni papa.
"Im sorry kung ngayon lang ako nakapunta masyado kasing busy ang buhay ko." sabi ko rito.
"Ba't ikaw lang? Where are the kids?" tanong sakin ni mama
"Iniwan ko muna sila kay Chase mom." sabi ko rito.
"You look so haggard hija, is there a problem?" biglang tanong ni mama sakin.
"Hay, Chase is cheating on me Mom." lakas loob kong sumbong rito.
"What?" sabay na sabi ng papa at mama.
"Hindi na talaga nagtanda ang p*t*** in*ng yun." sabi naman ng aking kapatid na si Christian na kakarating lang.
"Watch your language Christian." ma awtoridad na sabi ni Papa.
"Christian you're here?, kailan ka pa umuwi?" galak kong sabi sa kanya.
"Hmmm, yesterday? Balita ko palagi kang pinapaiyak ng asawa mo?" sabi niya sa akin.
"Yes that's true and now he's cheating on me." mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanila.
"Oh my poor little princess, maganda ba ang pinagpalit sayo ng asawa mo?" sabi ni mama.
"No mom he's a gay at hindi ko matatanggap na pinagpalit ako sa isang bakla." galit kong sabi.
"Hahahha, baka mas magaling lang siya sayo kaya ka niya pinagpalit." natatawang sabi ni Christian.
"Will you please stop teasing your little sister." saway ni papa kay Christian.
"Fine, let me help you my sissy just tell me where i can find this faggot." at tumawa ito na parang demonyo.
Late na nang nakauwi si Chase sa aming bahay, malamang nandoon na naman ito nanggaling kay Reese, inabangan ko siya sa pinto pero nilagpasan niya lang ako na parang hangin dire-direcho lang ang kanyang lakad paakyat.
Inutusan ko si Mando na nakawan si Reese at bugbugin ito, we already have a plan for him.
12:20 am, biglang tumunog ang telepono ni Chase, bumangon ako at tinignan kung sino ang tumawag, its Reese, pinatay ko ang kanyang telepono para hindi siya magising, humiga ako at niyakap siya ng mahigpit.