Chapter Four

2490 Words
Chapter IV Ilang linggo ang nakakaraan nang makatanggap ako ng mensahe galing kay Reese papunta siya ngayon dito sa resto, i need to prepare some food para sa kanyang pagbabalik. "Nasaan ka na?" tanong ko nang matanggap niya ang aking tawag. "Im on my way, baka medyo ma late lang ako ng kaunti dahil sobrang traffic pa." sagot niya naman sakin. "Ok, masaya ako sa iyong pagbabalik besty." sabi ko rito at binaba na ang tawag. Ilang oras pa ako naghintay sa pagdating ni Reese and finally he's here, patakbo akong pumunta sa kanya niyakap ko siya nang mahigpit, he's totally different tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa tinaasan ko muna siya ng kilay bago hinampas ng dyaryo. "Grabe yan ba ang pa welcome mo sa akin?" sabi nito sa akin. Pagkatapos ko siyang tawanan ay agad ko siyang kinaladkad papasok sa resto, pinaupo ko siya malapit sa bintana at binigyan ito ng paborito niyang inumin, habang umiinom siya ng mochaccino ay pasimple ko siyang kinunan ng litrato. "If you want to see him once again, don't waste any time." type ko sa aking cellphone at sinend ito kay Chase, nangako ako sa kanya na kapag nagparamdam si Reese sa akin ay agad kong ipapaalam ito sa kanya. Reese's POV: "Wag mong kalimutan na pumunta sa Ray.n.bow mamaya, ok?" basa ko sa mensahe ni Dominic. Lumabas ako ng balconahe at pinagmasdan ang magulong syudad, nagdadalawang isip ako kung pupunta ba ako o hindi, I'm not ready to face that guy and his family. One week earlier, "Finally you're here." sabi sa akin ni Dominic, pagkatapos niya akong tawagan ay agad ko siyang pinuntahan sa sinabi nitong address. "Ikaw ha!, hindi ka manlang nagsabi na uuwi ka ng Pilipinas." sabi ko rito. "I want to surprise you." nakangiti nitong sabi, nakasunod lang ako sa kanya habang papunta kami sa kanyang room. "Matanong ko lang?, sino ba tong business partner na sinasabi mo?" takang tanong ko sa kanya. "You mean Chase Natividad?" natuod ako sa aking kinatatayuan nang sabihin niya ang pangalang iyon, bigla nalang ako nakaramdam ng sakit. I sip in my cup as i feel the heat of the sun in my skin, now i believe in a song that "its a small world after all", there's no reason for me to hide anymore i need to face him. Late na akong nakarating sa Ray.n.bow i see Raymond playing with this two unfamiliar kids, i just say hi to them as i enter the resto, nagwave lang naman ang bakla at tinuro kung nasaan si Dominic. Nang makalapit na ako sa pinto ay nakarinig ako ng mga taong nag-uusap sa loob. "We can't start the meeting without my partner." rinig kong paliwanag ni Dominic. "Partner?, you mean your wife?" sabi naman ng babae. "I'm sorry, I'm late." sabi ko nang makapasok ako sa loob. "I don't have a wife but i have a good friend, Mr. & Mrs. Natividad this is Reese Montemayor my business partner." pakilala naman ni Dominic sa akin. Now i feel this awkward feeling in this room, nakita ko ang pagkagulat sa kanilang mga mata. "Nice to meet you Mr. & Mrs. Natividad." bati ko sa kanila habang nakangiti. Tumayo si Chase at inabot ang aking kamay, i can still feel the electricity that flows in his hands, agad kong binawi ang aking kamay nang marahan niya itong pinisil, Chloe gave me a plastic smile as i shake her hand. Kumain muna kami bago magsimula ang meeting, hindi ko maiwasang mailang habang magsalita dahil panay ang titig ni Chase sa akin. Kriiiiiiing. "I think your phone is ringing Mr. Montemayor." biglang sabi sakin ni Chloe, sinadya ko talagang itext si Raymond para tawagan niya ako, i excuse myself para sagutin kunwari ang tumawag sa akin. "Yes, ok I'll be right there." sinadya kong iparinig sa kanila. "Uhmmm, Dominic, Mr. & Mrs. Natividad I'm sorry but i need to go, kailangan ko pang sunduin ang pinsan ko." sabi ko habang inaayos ang aking bag. "Magkita nalang tayo mamaya sa apartment Mr. Montemayor." pormal na sabi ni Dominic, binigyan ko nalamang siya ng ngiti bago ako umalis ng kwarto. Galit ako sa aking sarili dahil mahina ako pagdating kay Chase, galit ako dahil akala ko makakalimutan ko ang sakit na naidulot niya sa akin pero nagkamali ako. Pasimple kong pinahiran ang mga luhang lumabas sa aking mata, i bitterly smile at Raymond when he see's me leaving his place. Pumasok ako sa sasakyan ni papa at pinaharurut ito ng takbo. After i left that resto i found my self sitting in a bench watching the sun slowly disappear. Habang nagmumuni-muni ay napatingin ako sa magkasintahan na naghaharutan, napangiti nalang ako nang maalala ang panahon na magkasama pa kami ni Chase. "Ang ganda talaga ng tanawin rito." napatayo ako nang marinig ang pamilyar na boses sa aking likuran, its Chase and he's holding a bouquet of flowers. "Happy anniversary my donkey." bati niya sa akin, i brightly smile and i hug him tightly. "Look ma he's smiling, baliw ba siya ma?" napabalik ako sa aking ulirat nang sabihin iyon ng bata sa kanyang ina, maybe that kid is right? maybe I'm crazy because after all this years i can't still forget the person who make me like this, ramdam ko ang paglamig ng hangin at dahan-dahang pagtulo ng ulan kasabay nito ang pag-agos ng aking luha, bakit kailangan ko pang maramdaman ang sakit na ito. Dominic's POV "Hey, how are you?" tanong ko kay Reese sabay abot ng pineapple juice. "Thanks." sabi niya naman sakin. "Wag kang mag-alala, I'm fine." dagdag nito sabay ngiti. "I'm glad that your OK, I'm going to miss that beautiful smile of yours." sabi ko. "Thank you." walang alinlangan niya akong niyakap, tinapik ko naman ang kanyang likod, unti-unti kong naramdaman ang paglaho ng kanyang init ng kumawala ito mula sa pagkakayakap sa akin. Ilang linggo na ang nakalipas nang umuwi si Reese sa pinas and i already miss the presence of him. I checked the time on my phone and it was already 12 am. Bumangon ako at tinungo ang kwarto ni Reese pinagmasdan ko ito at inalala ang mga araw na nandito pa siya. Tiningnan ko ang litrato naming dalawa na nakasabit sa pader ng kanyang kwarto ito ang unang araw na nagkakilala kami. Flashback.... Dahil linggo ngayon ay napag-isipan kong magpapawis, i jog in the park near in my apartment, napatigil ako kakatakbo nang mapansin ko ang lalaking nagbibisekleta and he's going to hit me with his bike... "Out of the way." sigaw ng niya. Baang@#$%&. "F*ck?, ahh..my head." tanging sambit ko. "Hey are you ok?". nag-alalang tanong niya sa akin, tanga ba siya? mukha ba akong ok?. "Uhmmm im so sorry sir, i didn't mean to-". I raise my palm to stop him from talking. "Would you please stop talking?" sabi ko sa kanya, tiningnan ko ang lalaking nakabangga sakin, and i was surprised to see an angel, he's gorgeous, i cant stop staring at his dark tantalizing eyes. "Sir, please listen to me your head its bleeding we need to go to the hospital now." this time he's really panicking, hinawakan ko ang ulo ko and its really bleading, my eyes suddenly gets blurry until i see is all black. "Hmmm, where am i?" tanging ungol ko. "Thank god youre still alive." i just slightly smiled at him as he signed a cross. "Hoy pasencia ka na talaga ha, hindi ko talaga sinasadya na mabangga kita." paghihingi niya sa akin ng pasencia, agad na siyang nagtagalog nang malaman niya na pinoy din ako. "Ano ka ba ok lang yun, alam naman nating aksidente lang ang nangyari, by the way whats your name?" tanong ko sa kanya, nandito kami ngayon sa labas ng hospital kung saan ako dinala matapos akong himatayin. Ngumiti siya at inilahad ang kanyang kamay. "I'm Reese Montemayor and you are?" "Im Dominic Aquino, nice to meet you Reese." agad kong inabot ang kanyang kamay, sa lahat ng ngiti na nakita ko ang kanyang ngiti lang talaga ang nakakuha ng aking atensyon. "Selfie muna tayo." nakangiti nitong sabi. "Wag na nakakahiya." pagtanggi ko rito. "Dominic naman eh, dapat may picture tayo bago tayo magkalayo." wala na akong nagawa pa at pumayag nalang ako sa kanyang gusto. Reese Montemayor ang pangalang nagpatibok sa puso kong NBSB, i really like Reese but i need to hide my feelings for him para hindi masira ang aming pagkakaibigan. Nagdesisyon akong tanggapin ang alok ni Chase Natividad para may rason ako kung bakit ako bumalik ng Pilipinas "Whaaaat?, nasa pinas ka ngayon?" sigaw niya sa kabilang linya, Ilang araw na ako rito sa tinutuluyan kong apartment, its time para malaman na niya. "Uhm yeah, noong nakaraang araw pa, mind to visit me here?" sabi ko rito, i gave him my address and i ended our call, hihintayin ko nalang siya rito. "Ikaw ha!, hindi ka manlang nagsabi na uuwi ka ng Pilipinas." sabi niya sa akin. "I want to surprise you." nakangiti kong sabi, nakasunod lang siya sa akin habang papunta kami sa aking room. "Matanong ko lang?, sino ba tong business partner na sinasabi mo?" takang tanong niya sa akin. "You mean Chase Natividad?" sagot ko sa kanya, napatingin ako sa kanya nang huminto ito, i suddenly see pain in his eyes. "Hey are you ok?" tanong ko sa kanya, ngumiti ito sa akin at tumango. Marami akong hindi alam tungkol kay Reese, i want to know what his background is. "Yes Mr. Lopez." sagot ko nang mapatawag ang private investigator na inihired ko. "Hawak ko na ang mga files tungkol kay Chase Natividad." sabi nito. "Cge, magkita nalang tayo, same place." agad ko nang binaba ang tawag, malalaman ko na kung ano ang ugnayan ni Reese at Chase. Pagkatapos maibigay ni Mr. Lopez ang mga papel ay umalis na ako sa lugar na iyon at agad na bumalik sa aking apartment. "Good morning Mr. Natividad are you available this sunday? I need to talk to you about the proposal of your business, you can bring your family I'm happy to meet them too." type ko sa aking cellphone at sinend ito kay Chase, makikilala ko na rin sa wakas ang taong nagbigay ng sakit sa taong lihim kong minamahal. Sunday... Ito ang araw na makakaharap ko ang taong nanakit sa minamahal ko, nandito ako ngayon sa Ray.n.bow Resto na pagmamay-ari ng kaibigan ni Reese, nakaupo ako sa dulong bahagi ng mesa nang dumating si Chase kasama ang kanyang pamilya. I texted Reese before i left my apartment pero hanggang ngayon wala pa rin siya, tama kaya ang desisyon kong papuntahin siya rito? "I'm sorry, I'm late." sabi ni Reese ng makapasok ito ng silid. Kitang-kita sa mag-asawa ang gulat at pagkabigla. Nakaramdam ako ng selos nang mahinang pinisil ni Chase ang kamay ni Reese, marami kaming pinag-usapan tungkol sa negosyo nang magring ang telepono ni Reese. "I think your phone is ringing Mr. Montemayor." biglang sabi ni Chloe. He excused himself and answered the call. "Yes, ok I'll be right there." sabi nito sa kabilang linya. "Uhmmm, Dominic, Mr. & Mrs. Natividad I'm sorry but i need to go, kailangan ko pang sunduin ang pinsan ko." sabi nito. "Magkita nalang tayo mamaya sa apartment Mr. Montemayor." sabi ko sa kanya, binigyan niya muna ako ng isang ngiti bago ito umalis. Its already 7pm pero hindi pa rin dumadating si Reese i try to call his digits but i failed to reach him, ininom ko ang huling laman ng beer bago ako lumabas ng aking apartment. Tinungo ko ang resto ni Raymond baka sakaling bumalik siya doon, pagdating ko ng resto ay wala si Reese. Nasaan kana Reese? "Subukan mo kayang puntahan ng park na ito, baka sakaling nandoon siya ngayon." sabi sakin ni Raymond bago ako umalis ng Resto, nakaka-ilang dial na ako pero hindi niya parin sinasagot palakas ng palakas pa naman ang ulan. Pagdating ko sa sinasabing park ni Raymond ay nakita ko si Reese na nakaupo sa bench habang basang-basa sa ulan, mabilisan kong kinuha ang payong sa likod ng sasakyan at patakbo ko siyang nilapitan. "Hindi ka man lang nagsabi na maliligo ka sa ulan, sana sinamahan kita." pabiro kong sabi sa kanya. "Dominic?" tanging sabi nito, niyakap niya ako at muli siyang umiyak. "It's ok, you can cry on me anytime." sabi ko sa kanya habang mahina kong tinatapik ang kanyang likod. Chase's POV: Isang mensahe ang natanggap ko mula kay Raymond, dali-dali akong sumakay ng sasakyan at tinungo ang park kung saan palagi kong dinadala si Reese noon. Pagdating ko roon ay nakita ko siya na nakaupo sa bench at basang basa, pupuntahan ko na sana siya nang biglang dumating si Dominic, masakit tingnan na ang mahal mo ay nakayakap sa iba at wala akong magagawa dahil ako ang dahilan kung bakit nararanasan niyang masaktan ngayon. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang papalayo, maybe this is the best that i can do. "Hon basang-basa ka, saan ka ba nanggaling?" tanong sakin ni Chloe, hindi ko siya pinansin at dire-deretso kong tinungo ang aming kwarto para maligo. Weeks has passed, nandito ako ngayon sa boracay para sa isang business seminar, pagkatapos kong mag-ayos ng aking gamit ay lumabas ako ng balconahe at pinagmasdan ang ganda ng lugar. Hapon na nang lumabas ako ng hotel, naglalakad ako sa tabi ng dagat nang mapansin ang isang familiar na mukha, its Reese! Nakatingin ito sa papalubog na araw habang ang kanyang mga paa ay nakababad sa tubig. Parang may humaplos sa aking puso at napangiti ako nang makita ko siya. Kinagabihan lumabas ako ng aking room para kumain sa labas, i want to enjoy my first day here in boracay pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa hotel, i need to rest dahil magsisimula na ang seminar bukas. Its been a long day sa wakas natapos na rin ang unang araw ng seminar, dahil maaga pa lang napagdesisyunan ng aking mga kasama sa seminar na mag-inuman. Nagkakasiyahan ang lahat nang mapansin ko si Reese na nakaupo malapit sa dagat. "Hey, pwede ba akong umupo rito?" mahinang tanong ko sa kanya, bigla siyang napatayo nang makita ako. "Ch-Chase?, wha-what are you doing here?" takang tanong niya sa akin. "I'm attending a seminar, how about you? Why are you here?" sagot ko sa kanyang tanong. "Uhmmm, I'm also attending a seminar." sabi nito. "Kamusta ka na?" muling tanong ko rito. "Ha?, i-i need to go, bye." sabi nito at patakbong siyang umalis, bago ko pa siya habulin ay kinaladkad na ako ng aking kasamahan sa seminar. 2nd day of the seminar, muli na naman kaming nagkita ni Reese, nakaupo ako nang dumaan siya umupo ito sa ikalawang upuan malapit sa bintana, hindi na ako nakikinig sa sinasabi ng speaker dahil ang atensyon ko ay nasa kanya, i really miss my donkey, gusto kong maramdaman muli ang kakaibang pagmamahal na si Reese lang ang makapagbibigay, ang totoong pagmamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD