Chapter 3
Ilang araw ko nang napapansin ang pagbabago ni Chase, masayahin ito at palagi niya na akong nilalambing.
Pinagmasdan ko ang natutulog kong asawa, hinaplos ko ito sa mukha at hinalikan ang kanyang labi, pinatong ko ang aking ulo sa kanyang dibdib at mahigpit siyang niyakap.
"Good morning hon." bati ko kay Chase nang makababa na ito ng hagdan.
"Morning hon, ang aga mo atang nagising? Anong meron?" takang tanong niya sa akin habang inaayos ang kanyang long sleeves.
"Wala lang, ginagampanan ko lang ang pagiging asawa ko sayo." sagot ko naman sa kanya, ngumiti ito at lumapit sa akin sabay halik sa labi.
Pagkatapos kong asikasuhin ang aking asawa ay agad kong pinuntahan ang mga bata na mahimbing pang natutulog, dahil sabado naman ngayon at maaga pa ay hindi ko nalang sila ginising.
Nakaupo ako sa sala at gumagawa ng aking lesson plan nang tumunog ang telepono ng aking asawa, naiwan niya ito sa ibabaw ng lamesa dahil sa sobrang pagmamadali na makipagkita sa aming mga investors, binasa ko ang mensahe galing kay Mr. Aquino magkikita pala sila bukas kasama kami, pagkatapos kong basahin yun ay agad ko nang tinago ang kanyang telepono at pinagpatuloy ang naudlot kong gawain.
Mag-aalas onse na ng gabi pero hindi parin nakakauwi si Chase, nag-aalala na rin ako sa kanya hindi ko naman ito matawagan dahil naiwan niya ang kanyang telepono dito sa bahay. Nakahiga na ako sa kama nang marinig ko ang pagdating ng kanyang sasakyan, mabilis akong bumaba para salubungin siya. Isang lasing na Chase ang bumungad sa akin habang akay-akay ito ng dalawang empleyado, dahan-dahan nila itong inihiga sa sofa.
"Anong nangyari ba't nalasing si sir niyo?" tanong ko sa dalawa.
"Nagkaroon po ng kaunting selebrasyon kanina sa shop mam birthday po kasi ni sir santos." paliwanag nito.
"Ganun ba?, Cge magpahinga na rin kayo, salamat ha, pasensya na kayo naabala pa kayo ni sir niyo." sabi ko sa kanila.
"Ok lang po mam, cge po mauna na kami." tumango lang ako at hinatid sila sa labas ng gate.
Pagbalik ko sa loob ng bahay ay agad akong kumuha ng planggana na may lamang tubig at pinunasan ang katawan ni Chase.
"Mahal kita Reese, miss na miss na kita." napatigil ako sa pagpupunas ng marinig iyon, ibang kirot ang dulot ng mga salitang iyon sa akin, hanggang ngayon hindi niya pa rin nakakalimutan ang baklang yun.
Pagkatapos kong bihisan at kumutan si Chase ay tinungo ko ang ref at kumuha ng beer, gusto kong magpakalasing ngayong gabi para samantalang kalimutan ang sakit na nararamdaman ko.
Nagluluto ako sa kusina nang magising ang aking asawa napahawak pa ito sa kanyang ulo, kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at binigay ito sa kanya, yan kasi ang una niyang hinahanap kapag may hangover ito.
Pinagluto ko rin siya ng bulalo para lalong mawala ang sakit ng kanyang ulo, pagkatapos naming mag-almusal ay nag-ayos na kami ng mga bata, gusto kasi kaming makita ni Mr. Aquino ang bago niyang business partner.
Pumarada kami sa isang sikat na resto dito sa pilipinas ang Ray.n.bow, pagpasok namin ay agad kaming sinalubong ng crew ng resto, nagulat pa si Raymond nang makita kami ni Chase, sandali muna silang nag-usap bago niya kami dalhin sa isang private room. Pagpasok namin ng kwarto ay nakaupo sa dulong bahagi ng mesa ang isang lalaki ito siguro si Dominic Aquino, tumayo siya at lumapit sa amin.
"Hello Mr.Aquino this is my wife Chloe and this is my kids." pakilala sa amin ni Chase, inabot ko ang kanyang kamay at nakipagshake hands rito.
"You have a beautiful wife, bagay kayo." sabi niya habang nakangiti.
"She is the most beautiful woman in this world, kaya mahal na mahal ko yan eh." proud nitong sabi.
"You are a good father, tingnan mo naman ang bunga ng inyong pagmamahalan" sabi ni Dominic, nakangiti itong nakayuko habang mahinang kinurot ang pisngi ng kambal. "You're kids is so adorable, take a seat." muli nitong sabi.
"Para hindi kami makaistorbo dadalhin ko muna ang mga bata sa labas." boluntaryong wika ni Raymond agad naman akong tumango, dahil kilala din naman ng mga bata si Raymond ay agad rin silang sumama.
"So let's start?" panimula ni Chase.
"Wait, may hinihintay pa tayo." sabi naman ni Dominic.
"Ha?, sino pa ang hinihintay natin Mr. Aquino?" takang tanong ko sa kanya.
"We can't start the meeting without my partner." paliwanag ni Dominic.
"Partner?, you mean your wife?" sabi ko sa kanya.
"I'm sorry, I'm late." sabi ng isang lalaki nang makapasok ito sa loob ng kwarto.
"I don't have a wife but i have a good friend, Mr. & Mrs. Natividad this is Reese Montemayor my business partner." pakilala niya rito.
Tiningnan ko ang aking asawa, kita sa kanyang mukha ang pagkagulat at pagkasabik. Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa pagbabalik ni Reese.
"Nice to meet you Mr. & Mrs. Natividad." nakangiti niyang sabi at inilahad ang kanyang kamay para mangamusta.
Tumayo ang aking asawa at inabot ang kamay nito "Nice to see you Reese, sorry i mean Mr. Montemayor." sabi ni Chase habang nakangiti, kita ko ang mahinang pagpiga nito sa kamay ni Reese.
I stand and i clear my throat. "Nice to meet you Mr. Montemayor." sabi ko at binigyan siya ng pilit na ngiti.
"Let's eat first?" sabi ni Dominic.
Habang kumakain kami ay hindi umaalis ang paningin ng aking asawa kay Reese, he change a lot after he vanished he's more masculine than before, buong hapon akong tahimik, sumasagot lang ako kapag tinatanong ako ni Dominic, hindi ko maiwasang mag-alala paano kung iwan kami ni Chase dahil bumalik na ang dati niyang mahal, ang taong hindi niya nakalimutan sa loob ng ilang taon, i need to do something. Kailangan kong ilayo ang asawa ko kay Reese.
Raymond's POV:
Nasa loob ako ng aking opisina nang makatanggap ng tawag mula sa aking besty na si Reese.
"Haler besty?" masigla kong sabi rito ngunit isang malakas na iyak lang ang sagot niya sa akin.
"Pwede mo ba akong puntahan dito sa park?" sabi nito, hindi na akong nagdalawang isip pa at agad na pinuntahan si Reese, hindi na siya iba sa akin tinuring ko siyang little sister dahil ulila na akong lubos.
Pagdating ko sa park ay agad kong nakita si Reese na nakaupo sa bench at nakatingin sa dagat, nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit kailangan niya ngayon ng karamay. Tiningnan ko siya sa mata at pinunasan ang luhang tumutulo sa kanyang pisngi, at unti-unti kong inilapit ang aking mukha sa kanya.
"Raymond naman eh." sabi niya at agad niyang tinulak ang aking mukha.
"Eto naman, pinapatawa lang kita. What happened ba kasi." seryoso kong sabi rito at bigla nalang siyang umiyak.
"Ano ba naman Reese paano ko malalaman ang hinanakit mo kung sa tuwing tinatanong kita iyak lang ang isasagot mo?, nandito ako para makinig sa mga drama mo sa buhay best." mahaba kong sabi sa kanya, tiningnan niya naman ako at tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Oo na eto na, nakita ko si Chase na may kasamang babae best." sumbong niya sa akin.
"May kasama lang na babae nagdrama ka na jan? Baka pinsan niya lang yun." paliwanag ko naman rito.
"May magpinsan bang naghahalikan?" sabi pa niya.
"Siguro?, ano ka ba, dapat kasi alamin mo muna ang buong kwento bago ka magjudge, ayos pa ba kayo ng jowa mo?" sabi ko rito.
"Okay naman kami, tama ka dapat inalam ko muna kung ano ang totoo bago ako magdrama." malungkot nitong sabi.
"Mahal mo kasi ang taong yun kaya hindi kita masisi kung bakit ka nagseselos ng ganyan." paliwanag ko rito.
Matapos naming magheart talk ni Reese ay hinatid ko na siya sa kanyang apartment. Kinabukasan niyaya ko siyang gumala sa mall para mawala naman ang kanyang stress. Pagkatapos naming mag-grocery at magshopping ay kumain kami sa isang fast food nang mapansin ko ang pamilyar na mukha na kakapasok lang ng mall.
"Reese?" tawag ko sa kanya, binigyan niya lang ako ng nagtatanong na mukha. "Si Chase ba yun?" turo ko sa lalaking nakaupo sa bench. Agad namang lumingon ang bakla at tumango lang ito bilang pagsang-ayon?.
"Anong ginagawa niya rito? tanong ko ulit sa kanya.
"I don't know, sabi niya kanina may photoshoot sila ngayon?" paliwanag niya sa akin.
Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Reese nang may lumapit kay Chase na babae at hinalikan siya sa labi, kita ko ang pamumuo ng luha ni Reese hinawakan ko siya sa kamay at hinimas himas ito para kumalma siya.
"Best, try to call him if he lied it means he's cheating on you." pagkumbinsi ko rito na siyang sinunod niya naman.
"Hello?" sabi ni Reese, binigay niya rin sa akin ang isang earphone para marinig ko rin daw ang sasabihin ni Chase.
"Yes donkey?, ba't ka napatawag?" sagot naman ni Chase sa kabilang linya, mahina akong napatawa dahil ang corny ng kanilang callsign, binigyan niya naman ako ng matalim na tingin kaya tumahimik nalang ako.
"Asan ka?" sabi niya sa mahinahong boses.
"Nasa studio, may kailangan ka ba?" sagot naman ni Chase.
"Ah.,Wag mong kalimutan ang ice cream ko mamaya ha." masiglang sabi ni Reese. Tiningnan ko ang kanyang mga mata alam ko kahit nasasaktan na siya ay pinilit niya paring ngumiti, ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya sa oras na ito.
"Sige donkey, tawag na kami. Bye see you later." sabi naman ni Chase at binaba na niya ang tawag.
Hindi na mapigilan ni Reese ang sarili at tumulo na nga ang kanyang mga luha, hindi na namin tinapos ang aming pagkain at niyaya na siyang umuwi.
Lumabas ako ng aking opisina nang makarinig ako ng ingay, nadatnan ko si Chase na inaawat ng security guard at ilang empleyado.
"Anong kaguluhan to?" pasigaw kong sabi kaya tumigil sila.
"Siya kasi sir bigla niya nalang sinuntok si mark." sumbong sakin ng aking empleyado.
"Sige na, ako na bahala rito, gamutin niyo yang sugat ni mark." utos ko sa kanila. "Sa opisina tayo mag-usap Chase." sabi ko rito at agad naman siyang sumunod.
"Please Raymond sabihin mo na sa akin kung nasaan si Reese." pagmamakaawa niya sa akin nang makapasok kami sa aking opisina.
"Ilang beses ko bang sasabahin sayo na wala rito si Reese, hindi ko rin alam kung saan siya pumunta." paliwanag ko sa kanya.
"Hindi ako naniniwala na wala kang alam, ikaw yung best friend." sumbat nito sa akin, tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Yes I'm the best friend, ako yung karamay niya sa tuwing may problema siya, ako yung sumasalo sa lahat ng responsibilidad na dapat ikaw ang gumagawa." sumbat ko rin dito.
"Please Raymond nagmamakaawa ako sayo sabihin mo na sa akin kung saan si Reese hindi ko kayang mabuhay nang wala siya." pagmamakaawa nito.
"Hindi mo kayang mabuhay nang wala si Reese? pero kaya mo siyang lokohin?, ano akala mo sa kaibigan ko isang laruan na kapag nagsawa kana basta mo nalang itatapon?, ano ka klaseng tao Chase, hinayaan mong masaktan ang best friend ko." galit kong sabi sa kanya. Bigla nalang natahimik si Chase at napaupo sa sofa, siguro natamaan siya sa mga sinabi ko sa kanya.
Napayuko siya at napahilamos sa kanyang mga palad maya-maya ay humagulgul ito, guilty man ay iyon ang totoo bakit kailangan niya pang lokohin at saktan ang puso ng little sister ko.
"Nagsisisi ako sa mga ginawa ko Raymond, hindi ko akalaing aabot sa ganito ang lahat, please tulungan mo akong hanapin si Reese, promise magbabago na ako, starting right now i will take care and love him, i promise. Please Raymond help me find my donkey, i can't afford to lose him." sabi niya sa akin habang nakahawak sa aking mga kamay.
Sino ba naman ako para hindi patawarin ang kamalian ng bawat tao, hindi ako diyos para maghusga sa kanila.
"Ugh, fine i will help." sabi ko nalang sa kanya.
Niyakap niya ako ng walang pag-aalinlangan, pagkatapos naming mag-usap ni Chase ay agad kong tinawag si Reese, maluwa-luwa naman itong lumabas sa kabilang kwarto, napatawa pa ako ng malakas dahil naalala ko na naman ang mga eksena kanina rito sa loob ng aking opisina, ano ba yan parang mga teenager kung mag-away ang dalawang to, Hay! naku tatanda ako ng di oras sa kanilang dalawa.
Ilang araw din akong walang balita sa aking little sister dahil naging busy ako sa aking negosyo, i was in my bed when Reese called me he's crying again, ano na naman kaya ang problema neto.
"Yes baby girl?" sagot ko rito
"Raymond please help me find Chase, ilang linggo na siyang hindi umuuwi sa bahay namin, nag-aalala na ako sa kanya.
"Where are you now?"
Umabot pa ng isang buwan ngunit hindi pa rin nakikita si Chase, wala naman daw silang alitan ni Reese bago siya mawala, nagresign na rin sa kanyang trabaho ang aking little sister para makatulong sa paghahanap sa nawawalang nobyo.
Isang araw nakatanggap si Reese ng tawag mula kay Chase, i feel his happiness when he heard his boyfriends voice, sinamahan ko pa siyang makipagkita roon pero isang balita ang mas sumira sa pag-ibig nilang dalawa, nasaksihan ko kung paano naging miserable ang buhay ni Reese.
As time goes by unti-unti na ring natatanggap ni Reese na wala na si Chase sa kanyang buhay, nandito kami ngayon sa Palawan para masaksihan ang pag-iisang dibdib ni Chase at Chloe. He asked by him to be his best man on his wedding day ilang araw pa niyang pinag-isipan iyon bago niya tanggapin ang pakiusap ni Chase.
"Reese? Ready ka na ba?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong kumatok.
"Yeah, I'm almost ready." sagot naman niya.
Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng kanyang kwarto, napansin ko ang video na nakaplay sa kanyang laptop.
"Pinapanood mo pa pala yan?" tanong ko sa kanya, tiningnan niya lang ako at pinagpatuloy ang pag-aayos ng kanyang sarili.
"Hoy Reese ayos ka lang ba?" tanong ko rito nang mapansin na nahihirapan na siya sa kanyang ginagawa, lumapit ako sa kanya at bulontaryo kong inayos ang kanyang necktie.
"Pwede ka namang hindi pumunta diba?." sabi ko sa kanya.
"Gaga ka ba? Alam mo namang ako ang kinuhang best man diba?, at isa pa masayang araw to para kina Chase at Chloe ayaw ko namang maging killjoy sa kanila." malungkot niyang paliwanag sa akin.
"Sabagay, pero yung totoo ok lang ba yan?" sabay turo ko sa kanyang dibdib, sino ba namang tao ang masisiyahan kung ikakasal sa harap mo ang taong tinuring mo nang mundo.
Tumigil kaming dalawa sa pag-uusap nang may kumatok sa labas ng kwarto ni Reese, bumukas ang pinto at iniluwa nito si Chase, this is the time na makakausap nila ang isa't-isa kahit sa huling sandali bago ikasal si Chase, i will give them some privacy.
"Sige Reese alis muna ako, congrats uli Chase." paalam ko sa kanilang dalawa, tumango naman si Chase sa akin.
Pagkatapos ng misa ay kasama pa kaming pumunta ni Reese sa reception, kakatapos lang magsalita ng tatay ni Chloe nang dumating kami.
"Now lets hear some message from our best man." sabi ng mc
Mahina kong tinapik si Reese dahil nakatulala na naman ito, kanina ko pa siya napapansin na nakatingin sa mesa nina Chase, napabuga siya nang hangin bago siya tumayo at pumunta sa harap.
"Good afternoon ladies and gentleman, sa lahat ng hindi nakakakilala sa akin I'm Reese Montemayor at ako ang inatasang maging best man ng aking kaibigan na si Chase." pasimula niyang sabi.
"On behalf of our friends, the bridesmaids and myself, nagpapasalamat ako kina Chloe at Chase dahil naging bahagi kami ng kanilang special day, i know you're both put a lot of hard work and effort into getting everything ready for today and its amazing." kahit nakangiti siya ay halata pa rin ang sakit na nararamdaman niya ngayon, Reese is such a great pretender and i don't blame him kung bakit siya nagkaganun.
He gave his best speech he ever had mga mensahe na may laman at hinanakit, i saw tears flowing in his face after he ended his piece, hindi na siya nakapagpigil, i feel pity for my little sister, sinubukan ko siyang tawagin pero hindi niya ako pinansin, hahayaan ko muna sya kailangan niya munang mapag-isa.
Simula nang mawala si Reese ay nagbago na ang lahat, araw-araw akong kinukulit ni Chase kung may balita na raw ako kay Reese, kahit ako ay walang kaalam-alam kung nasaan na ang baklang yun, umalis siya nang walang paalam.
Buong araw kong pinapalangin na ok lang ang kanyang kalagayan.
"Please Raymond, alam kong tinatago mo na naman sa akin si Reese." galit na sabi niya sa akin.
"Baliw ka ba Chase? ba't ko naman siya itatago sayo?, ilang ulit ko nang sinabi na hindi ko alam kung nasaan siya." paliwanag ko rito.
"Let me search your house, malakas ang loob kong nandito siya."
Hinayaan ko lang siyang halughugin ang bawat kwarto ng aking bahay, pagkatapos niyang maghanap ay pabagsak siyang umupo sa sofa, he looks frustated so i offer him some tea.
"See? Nahanap mo ba?" mapanuya kong sabi sa kanya, tinapunan niya lang ako ng masamang tingin.
"Hindi ka ba nag-aalala sa kanya?" seryosong tanong ni Chase sa akin.
"Me?, syempre nag-aalala rin, alam mo Chase ang hirap hanapin ng taong ayaw magpahanap." sabi ko sabay inom ng tsaa.
"Hayaan na muna natin siya ngayon malay mo bukas o sa makalawa lilitaw din ang bangkay niya diba?" pabiro kong sabi sa kanya, napaubo naman si Chase sa narinig.
"Alam mo hindi magandang biro yun." wika nito.
"Matanong ko lang, bakit ka pala nawala ng ilang buwan?" seryosong napatingin si Chase sa akin, eto talaga ang gusto kung itanong sa kanya, i want some explanation.
"Fine, i can trust you naman diba?, but please promise me that you can keep this as our secret." seryoso nitong sabi.
Nanlaki ang aking mata sa mga rebelasyon ni Chase, nakaramdam ako ng galit sa taong yun hindi ko inakalang magagawa niya iyon para makuha lang ang kanyang gusto.