Chapter Two

2749 Words
Chapter II Nakaparada ako sa harap ng pinapasukang kumpanya ni Reese, kilala na rin ako ng kanyang mga katrabaho dahil palagi ko siyang sinusundo tuwing out niya na. "Boss magandang hapon po." bati ko sa guard na nakaduty ngayon. "Oy ikaw pala Chase, sunduin mo si Reese?" tanong niya sa akin, obviouse ba? Kaya nga ako narito eh, si manong guard talaga alam niya namang araw-araw ako rito at palaging sinusundo si Reese magtatanong pa tsk... "Ay opo boss, wala pa ba siya?" sagot ko naman rito. "Wala pa eh, hindi pa siya nakapaglog-out." sagot niya naman sa akin. Tumango lang ako sa kanya at binagyan niya ako ng upuan, habang naghihintay ay nag-uusap lang kami ni manong guard. "Anong pinag-uusapan niyo? Parang ang seryoso ah, out na po ako kuya Bert." sabi ni Reese. "Oh prince charming nandito na pala ang princessa mo." napangiti naman ako sa sinabi ni manong guard nginitian ko si Reese at kinuha ang kanyang bag. "Ano Reese? wag mo nang pahirapan ang batang yan sagutin mo na, mukhang iba talaga tama sayo eh." tukso ni manong guard sa kanya. "Hahaha kuya bert talaga, sige po alis na kami." tanging sagot lang nito sa guard, kalat na kasi na nililigawan ko siya, nakayuko habang naglalakad si Reese dahil halata talaga ang pagpula ng kanyang mukha. "Araay, oh bakit." isang malakas na suntok sa braso ang binigay niya sa akin nang makarating kami sa Ray.n.bow Resto. "Ikaw talaga kung ano-ano ang pinagsasabi mo sa mga guard, tinutukso tuloy ako sa opisina." sabi nito at agad siyang nagtampo na parang bata. "Sagutin mo na kasi ako para hindi kana tuksu-in." pagkumbinsi ko rito. "Bahala ka nga jan." sabi lang nito at agad siyang kumain. Pagkatapos naming kumain ay hinatid ko na siya sa kanyang apartment, pagbaba niya ay agad niyang binato sa akin ang helmet at dali-daling pumasok ng gate, nagalit ata siya sa akin hmmm, aalis na sana ako nang bigla siyang lumabas ng gate at muli niya akong tinawag. "Hoy Chase Natividad, sinasagot na kita." pasigaw niyang sabi sa akin. Natulala ako sa sinabi niya, hindi ako makapaniwala totoo ba ang sinabi niya na sinasagot na niya ako? Nahimasmasan lang ako nang tawagin niya ulit ako, agad akong bumaba ng aking motor at niyakap siya ng mahigpit. "Sir? Ok lang po ba kayo." pukaw sakin ng aking empleyado. "Oh Joyce ikaw pala, bakit?" tanong ko sa kanya, si joyce ay ang aking manager sa coffee shop at kaibigan din namin ni Reese. "Ba't ka nakangiti jan sir?" tanong niya sa akin. "Ha? Hindi naman ako nakangiti ah.." pagmaang-maangan ko sa kanya, nakangiti ba talaga ako? "Sus, hay naku Chase tatanggi pa eh kitang-kita naman, ano ba kasi yang tinitignan mo jan nang napangiti ka ng kay ganda." sabi niya, pipigilan ko sana siya kaso agad niya namang tinulak ang swivel chair. Nag-iba ang kanyang ekspresyon nang makita ang picture namin ni Reese, kita sa kanyang mukha ang kalungkutan. "Tumayo ka na jan Chase at hinahanap ka na ng asawa mo." malamig nitong sabi sakin, agad niyang pinunasan ang kanyang luha na bigla nalang tumulo. "Joyce" tawag ko sa kanya, huminto siya at tumingin sa akin. "May balita ka na ba sa kanya?" tanong ko sa kanya umiling lang siya at agad na ring lumabas. Lahat kami walang alam kung nasaan si Reese, lahat kami nag-aalala sa kanya. Kasalanan ko to kung bakit lumayo siya sa akin, kung bakit niya kami iniwan, kung siya lang sana ang pinili ko masaya sana kami ngayon. Inayos ko ang aking sarili at agad na ring lumabas ng opisina. "Hon, are you ok?" salubong sakin ni Chloe. "Yeah, I'm good." sabi ko sa kanya sabay halik sa kanyang labi, "how's your day?" Tanong ko. "As usual nakakapagod pero ok lang atleast natuturuan ko ng maayos ang mga bata." sagot nito. Wala kaming imikan ni Chloe habang nasa biyahe hanggang sa pagdating sa bahay. "Chase sabihin mo nga sa akin ang totoo?, may problema ba tayo?" seryoso niyang sabi sa akin. "Ha?, wala, wala tayong problema." sabi ko nalang sa kanya sabay hithit ng sigarilyo. "Wag mo nga akong ginagago Chase, alam ko kung may problema ka, akala mo ba hindi ko napapansin? Madalas ka nang uminom tuwing gabi tapos yan! Yang pagsisisgarilyo mo, are you thinking of someone? Are you still thinking if Reese? mahal mo pa rin ba si Reese?" Pasigaw niyang sabi sa akin na siyang kinatigil ko, hinarap ko siya at mahigpit kong hinawakan ang kanyang braso. "Wag na wag mong isasali ang pangalan ni Reese sa away natin kung ayaw mong masira ang buhay nating dalawa." galit kong sabi sa kanya, kitang-kita sa mukha ni Chloe ang pagkabigla. "Bitawan mo ako." sabay hablot ng kanyang kamay. "So you're still in love with him, ha! ang tanga ko naman para ipagsiksikan ang sarili ko sa taong hindi kayang sukli.an ang pagmamahal ko, para akong pulubi na nanlilimos ng pagkain, im just a fool." mga salitang pumukaw sa akin mula sa katotohanan, dahil sa pagmamahal ko kay Reese hindi ko namalayan na may nasasaktan na pala akong iba, masyado akong nabulag. Siguro nga kailangan ko nang kalimutan si Reese para sa magiging pamilya ko. Five years later.... Nagising ako dahil sa halik sa akin ng aking kambal sina Oliver John at Olive Joy, niyakap ko silang dalawa at gumanti din ako ng halik. "Eyw daddy ang baho ng hininga mo." sabi sa akin ni Olive Joy. "Oo nga, eyww." sabat din ni Oliver. Natawa ako dahil sabay pa silang nagtakip ng kanilang ilong. "Ang arte niyo naman, who wants another kiss from daddy?." Sabi ko sa kanila agad naman silang nagtakbuhan palabas ng kwarto. Tiningnan ko ang aking asawa na nakatayo sa pinto ng aming kwarto. Masasabi kong naging mas matatag pa ang aming pagsasama sa loob ng limang taon, we need to let go of the past and move forward for a better future. Pagkatapos kong maihatid ang aking mag-ina sa school ay dumiretcho na ako sa shop meron na rin kaming tatlong branches at naisipan pa naming dagdagan ito. Papasok na ako ng opisina nang makatanggap ako ng mensahe from unknown sender, isang litrato ng lalaki ang naka-upo sa resto ni Raymond ang sinend ng sender sa akin. "If you want to see him once again, don't waste any time." basa ko sa text ng sender. Agad akong sumakay ng sasakyan at tinungo ang Ray.n.bow. Pagdating ko doon ay pumarada muna ako sa labas ng resto, isang lalaki ang umupo malapit sa bintana at nakangiti ito na nakikipag-usap kay Raymond, i really miss his smile, gusto ko siyang puntahan at yakapin ng mahigpit pero nag-aalangan ako baka makasira lang ako ng kanilang araw, muli ko siyang tiningnan at agad na ring umalis, masaya ako dahil maayos ang kanyang kalagayan. Reese's POV: NEW YORK CITY; Its been a year since i left the Philippines, pagkatapos ng kasal ay agad kong nilisan ang resort, wala akong pinagsabihan kung saan ako pupunta gusto ko lang mapag-isa, gusto kong takasan ang sakit na naidulot ng lugar na tinuring kong mahalaga sa akin. Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha, dali-dali kong kinuha ang aking mga gamit, paglabas ko ng pinto ay nakasalubong ko ang gwapong lalaki na naka one night stand ko. "Hey babe where you going? Want some coffee?" alok niya sa akin. "Thanks but i need to go, I'm late for my work. Bye." Pagsisinungaling ko sa kanya at agad akong umalis ng kanyang apartment, buti nalang at linggo ngayon naka ilang miss calls na rin si Dominic sa akin, isa din siyang pinoy, my business partner and my housemate, ayaw ko naman siyang mag-alala sa akin kaya tinawagan ko siya. "Hello?" Sabi ko nang matanggap niya ang aking tawag. "Reese nasaan ka? Saan ka pumunta? Kanino ka na naman sumama? Paano kung-." sunod-sunod nitong tanong sakin at agad ko namang pinutol ang kanyang pagsasalita. "May masamang mangyari sayo? Ok ka lang ba?, hay nako Dominic memorize ko na ang mga tanong mo, eto na pauwi na ako, anong pagkain jan?" sabi ko nalang sa kanya. "Oo na, im just worried about you Reese, nagluto ako ng paborito mong ulam, sinigang na bangus." sabi nito. Agad akong pumara ng taxi at umuwi. Pagdating ko ng bahay ay agad akong sinalubong ng nakapamewang na si Dominic. Hindi ko siya pinansin tuloy tuloy lang ako sa paglakad hanggang sa makarating ako ng kwarto. Pabagsak kong inihiga ang aking katawan sa kama, dahil sa antok at pagod ay agad akong nakatulog. Napabalikwas ako ng bangon nang may sumabog, tawang-tawa naman na nakaupo si Dominic habang hawak-hawak ang kanyang tiyan, dahil sa inis ko ay binato ko siya ng unan, hindi pa rin siya tumitigil sa kakatawa kaya nilapitan ko siya at binatukan. "Aray naman...Hahahah, sorry na ayaw mo kasing magising eh." sabi nito habang tumatawa pa rin. "Che, papatayin mo ba ako sa nerbyos?." galit kong sabi sa kanya. "Uy grabe ka, hindi naman, ikakamatay ko kapag nawala ka." sabi nito habang hinihilot ang kanyang batok. "Oh bakit? May dumi ba ako sa mukha?" muli nitong sabi . "Ah wala, ligo lang ako." agad akong pumunta ng banyo, alam kong biro lang iyon ni Dominic pero inaamin kong kinilig ako sa sinabi niya. Pagkatapos kong maligo ay agad akong lumabas ng kwarto, napatigil ako nang makita ang aking repleksyon sa harap ng salamin, masasabi kong sa loob ng limang taon ay malaki na talaga ang pinagbago ng physical kong anyo, ang dating payat na may glasses ngayon ay isa nang diyosa..(charot nagkalaman lang). This is the new Reese Montemayor, have s*x with random men who i met in the club and leave their place by the morning, i don't go for serious relationships coz it only brings heartbreak in your life. "Hoy Reese!, Kakain ka ba o titingnan mo nalang ang sarili mo sa salamin?" sabi sakin ni Dominic. Napangiti at napailing nalang ako sa sinabi niya, minsan hindi ko talaga maintindihan si Dominic minsan para siyang nanay. Monday, I woke up to the sound of my alarm clock It's already 6:30 am, It was really bad getting up early but I need to get up so Dominic will not hit me again. Pagbaba ko ng kwarto ay kaunti palang ang kumakain, isang food haus ang bussiness namin ni Dominic at dito na rin kami nakatirang dalawa. Dahil busy pa si Dominic ay ako nalang ang kumuha ng order ng dalawang costumer, ako na rin ang naghatid ng kanilang pagkain. Late na nang magclose ang food haus, nakakapagod man ay kailangang kumayod para sa future, paakyat na ako nang makatanggap ako ng tawag. Suddenly my body weakened at what my cousin said, Dominic was shocked when I suddenly cried. He asked me what had happened but I was just like a deaf that nothing could hear, I just kept on crying. I was hugged tightly by Dominic to calm down, buti nalang at nandito siya sa aking tabi. Ilang araw ang nakalipas nang makatanggap ako ng balita, hindi muna ako pinatulong ni Dominic sa baba kahit anong pilit ko na tulungan siya ay ayaw niya talaga, magpahinga nalang daw muna ako. Araw ng linggo, nakaupo ako sa sofa habang nanonood ng tv nang lapitan ako ni Dominic. "Hey, how are you?" tanong niya sa akin sabay abot ng pineapple juice. Kinuha ko ang juice at nginiti-an siya "Thanks." sabi ko rito. "Wag kang mag-alala, I'm fine." dagdag ko sabay ngiti. "I'm glad that you're ok, I'm going to miss that beautiful smile of yours." sabi niya. "Thank you." walang alinlangan kong niyakap si Dominic, tinapik niya naman ang ako sa likod. PHILIPPINES 02:10 am... Its been five years since i left this country at sa wakas nakabalik na rin ako ng Pilipinas, paglabas ko airport ay agad kong nakita sina Tito Roel at Marie na kumakaway sa akin, niyakap ko sila ng mahigpit nang makalapit ako sa kanila. Pagkatapos maipasok ng aking mga gamit sa sasakyan ay agad na rin kaming umalis ng airport, simula nang mamatay ang aking mga magulang si Tito Roel na ang gumagamit ng sasakyan ni papa. Dahil sa pagod ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, naramdaman ko nalang ang mahinang pagtapik sa akin ni Marie, minulat ko ang aking mga mata at tumingin sa labas ng sasakyan. Bumaba ako ng sasakyan at pinagmasdan ang kabuuan ng aming bahay, magkahalong saya at lungkot ang nararamdam ko ngayon masaya dahil sa loob ng maraming taon makikita ko na ulit ang pinakakamahal kong lola, malungkot lang dahil wala na siya. Ilang linggo ang nakalipas nang malibing ang aking lola, papunta ako ngayon sa resto ng aking besty na si Raymond. Bago pa ilibing si lola ay pinaalam ko na sa kanya na nakauwi na ako ng Pinas na siyang ikanagulat niya, nagalit pa nga siya sa akin dahil hindi man lang daw ako nagpaalam sa kanya bago ako umalis. I park our family car in front of Raymond's resto, ilang oras din ang ginugol ko sa daan bago makarating dito dahil sobrang trapik, pagbaba ko ay agad akong sinalubong ng aking besty super hug pa ang bakla halata sa kanyang mukha ang labis na kasiyahan. Matapos niya akong yakapin ay tinignan niya ang aking buong katawan, napataas pa ito ng kilay bago ako yakapin ulit, maya-maya ay isang malakas na hampas ng dyaryo sa ulo ang aking natanggap mula sa kanya. "Grabe yan ba ang pa welcome mo sa akin?" sabi ko sa kanya habang hinihimas ang aking ulo na siyang tinawanan niya lang at agad niya akong kinaladkad papasok sa kanyang resto. Umupo kami malapit sa bintana, binigyan niya muna ako ng paborito kong mochacinno bago siya umalis para ipaghanda ako ng makakain, ito talaga ang na miss ko dito sa Ray.n.bow masarap na pagkain at very accommodated na bestfriend. We talk a lot about what happened last five years while eating, napatingin ako sa labas ng bintana nang mapansin ang pag-alis ng isang sasakyan. Bigla na lang ako kinabahan nang makita ang isang familiar na mukha, napaharap ako kay Raymond nang tapikin niya ako sa kamay. "Okay ka lang ba?, you look so pale." tanong niya sa akin. "Ha?uhm, oo o-okay lang ako." sabay inom ng tubig, ba't ba ako kinabahan ng ganito? Maybe he's not that person i know, baka namalikmata lang ako. "So Reese kailan balik mo sa New York?" mausisa niyang tanong sa akin. "Uhm, maybe next mo-." napatigil ako sa pagsasalita nang may tumawag sa akin. "Uhm, excuse me sasagutin ko lang to." sabi ko kay Raymond na tumango at sumenyas naman. "Hello Dominic? Whats up?" tanong ko sa kanya. "Reese i have good news for you." excited niyang sabi sa akin. "W-whats the good news Doms?" taka kong tanong sa kanya. "Naalala mo yung kinuwento ko sayo noon na business partner sa Pilipinas?, i already accepted his offer." masaya niyang balita sa akin. "What?, paano yung negosyo natin sa New York?" nag-aalala kong tanong rito. "Don't worry, i already told my sister to manage our business there in New York while I'm in the Philippines." paliwanag niya sa akin. "Whaaaat?, nasa pinas ka ngayon?" sigaw ko sa gulat, nagsitinginan naman ang lahat na kumakain sa akin. "Uhm yeah, noong nakaraang araw pa, mind to visit me here?" sabi nito. Pagkatapos naming mag-usap ni Dominic ay agad akong nagpaalam sa aking besty at pinuntahan siya. Chloe's POV: Naka-upo ako sa sofa habang nanonood ng tv nang dumating ang aking asawa, iba ata ang aura niya ngayon? Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo, pagod siya pero kitang-kita ang kasiyahan sa kanyang mga mata. "How's your day Hon?" tanong ko sa kanya nang umupo siya sa aking tabi. "Good things happen today hon." sagot niya naman sa akin. "Hmmm?, what do you mean?" takang tanong ko rito. "Do you know Dominic Aquino?, he already accepted my offer we are now business partners, and we're going to meet on sunday, he wants to see you and our children." masaya niyang balita sa akin. "Woow, I'm so proud of you hon." agad ko siyang niyakap at binigyan ng halik." "So wala ba akong award jan?" isang malokong ngisi ang gumuhit sa kanyang mukha, alam na alam ko na ang ibig sabihin ni Chase, dahil sa pangungulit nito sa akin ay agad na akong pumayag. Binuhat niya ako na parang bagong kasal papasok sa aming kwarto, binaba niya ako sa kama ng dahan-dahan at tinadtad ng halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD