Hindi na ako dumalo ng graduation ko. Pinuntahan ko si Gracey sa Canada at America pero wala siya doon. Nababaliw na ako sa kakaisip kong nasaan siya. Kinausap ko na ang Papa at Mama niya. Inamin ko na rin na may relasyon kami ni Gracey.
Sinabi naman ni Tito Marcus na hayaan ko nalang muna si Gracey na magpalamig ng ulo. Tahimik lang daw kasi ito pero kapag nagalit she needs space para makapag-isip. Wala na akong ibang magagawa kundi ang sundin ang payo nila.
Umuwi ako ng Pilipinas para hawakan ang Engineer's Global Construction. Sa grupo ako ang naatasan na pamahalaan ito. Unang magiging proyekyo nito ay ang Engineer's Paradise Island kung saan private namin itong magkaibigan. Ang magiging asawa lang namin ang unang makakapasok sa lugar na ito prohibited for outsiders pero kapag pamilya kana sa mga may-ari ng lugar may access kanang makapasok.
Binabad ko ang aking sarili sa pagtatrabaho habang hinihintay ang pagbabalik ni Gracey. May mga ibang negosyo akong binubuksan pero palagi itong pinuputakti ng aking ama. Ayaw niya talagang tumayo ako sa sarili kong mga paa. Ang Engineer's Global Construction lang ang hindi niya nagagalaw dahil pag-aari ito ng mga kaibigan ko. Nakakahiya sa magiging asawa ko kung wala akong sariling negosyo.
Lahat ng mga kaibigan ko ay may naipupundar na para sa future nila. Pero ako ang palaging naiiwan dahil sa kontrabida kong mga magulang. Nariyan parin ang makulit kong kababata na hindi talaga tinatablan ng hiya.
~ooo0ooo~
Ibero-American University
Sa wakas nakatapos na ako sa aking kurso and of course with Latin Honors. Isa ako sa junior architect and interior designer sa Ibero-American Construction. I am a high paid Architect dahil ang mga unique designs ko ang kanilang pinipili. May maipapakita na akong certificate kay pag-uwi ko sa Canada.
Alam ni Janisha kong saan ang destination ko pagkatapos kong maglayas. Pero hindi ko ipinaalam sa kanya na buntis ako at may anak na kami ni Gian. May mega projects daw siya sa Pilipinas. At kailangan niya ang best designs ko. Syempre hindi naman daw niya aakuin na gawa niya ang designs na ibibigay ko. May ilalahad din siyang designs niya na pagpipilian. May ibinigay akong tatlong pinaka the best designs ko.
Ang number one design ko ang napagbotuhan nila. Dahil ang design ko ang nanalo sa beddings sa akin mapupunta ang bayad charot. Paghahatian namin ni Nisha iyon kapag kompleto na ang project. I imagined kung gaano kaya kaganda ang lugar na ito at may walong bahay na the designs tapos may airport sa tuktok. Mga bigatin daw ang grupo na ito. Paggawaan pa ng daungan, makauwi nga ng Pilipinas at mapuntahan ang lugar.
“Mami, mami, me robó el robot,"
“No mami es un mentiroso, solo jugué mi auto,”
(Mommy, mommy he stole my robot.
No mommy he is liar, I only played my car).
Ayan na sila rambolan na naman. My identical twins Gabriel André and Gunner Carl. Hindi mo sila makikilala kapag hindi mo titingnan ang dot na tattoo sa kanang kamay nila. Gabriel have one dot and Gunner have two dots. Pina tattoo ni kuya Mikhail para makilala ang kambal. Mata ko ang nakukuha nila pero ang hitsura ay sa ama nila walang labis at walang kulang.
May mission si kuya Mikhail sa Russia kaya mukhang hindi makakadalo sa kasal ni kuya Afzal. Hindi ko isasama ang kambal baka makita lang ng hinayupak na cheater. Iiwanan ko sila sa mga pinay na yaya nila dito sa Mexico. Mapagkatiwalaan naman sila at nariyan naman ang mahal kong Lola na ayaw lumayo sa mga apo niya sa tuhod. Hindi siya makakadalo sa kasal ni kuya dahil umaataki na naman ang kanyang rheuma.
Te dije que no hay necesidad de pelear, tienes que compartir tus juguetes.(I told you no need to fight, you have to share your toys.)
Kids, mommy is going to Canada to attend your uncle Afzal's wedding. behave here and don't fight. Always remember what I said, you two will always be on your side. Don't let go and don't let each other down no matter what.
Copia mamà!si Gabriel.
Copy mom!si André.
Bago ako bumalik dito sa Mexico kailangan kong ipaalam kina papa, mama at kina mommy at daddy. Hindi ko na ililihim sa kanila. Sobra na ang pagsisinungaling ko alam kong hindi na tama itong ginagawa ko. Sinabi ko na lahat kay Lolo at Lola dahil sila lang ang kakampi ko. Galit na galit si kuya Mikhail sa sinapit ko pero nirerespito naman niya ang desisyon kong hayaan si Gian at huwag niyang saktan.
Alam kong pinaiimbistigahan niya si Gian kaya tahimik na siya sa ngayon. Hindi tulad noong una na palagi siya sumasabog sa galit. Kung ano man ang natutuklasan niya tungkol kay Gian siya lang ang nakakaalam. Hindi naman sila nagkulang sa pag-aalaga sa akin. Lalo na si ate Micah na kahit busy sa hospital palagi parin na naka-monitor sa akin.
Dahil sa Canada ako lumaki hindi ko alam na palagi pala silang bumibisita sa Pilipinas. Ngayon ko lang sila nakasalamuha at napaka malambing pala nila. Yung tipong iniingatan ka dahil takot silang magalusan ka. Sobrang Mahal nila ang mga anak ko. Taliwas sa pag-uugali ng mga magulang ni Gian. Alam kong kapag balang araw magkikita man sila hindi gugustuhin ng mga anak ko ang trato nila.
Dito sa Mexico sila ay mga prinsepe ng mga Nieves. At ang mga Tito nila ay binibilhan sila ng mga totoong toy car na napapaandar nila ng manual at automatic. Si Monroe ay isang IT expert/ drag racer at si Mateo ay isang mechanical engineer at motorbikes racer na kasapi sa team ni Marquez.
Tinuturuan nila ang mga bata na maging advanced sa paggamit ng mga technology. Hindi ko sila pinipigilan o kinukontra dahil alam kong magagamit ng mga bata ang mga kaalaman na yan paglaki nila. Mga Tito at tita ang tumuturo sa kanila at alam kong hindi sila pababayaan.
Tinutularan ko si Papa Markus na never kumukontra sa mga nais namin. Si mama lang naman ang mahina ang loob dahil palagi kaming pinagbabawalan. Nakikitaan na ng original na talento ang mga anak ko. Isang mahilig magdrawing ng design sa computer ko si Gunner Carl. At mahilig makikialam sa mga ginagawa kong design masarap daw laruin.
Si Gabriel André ay mahilig gumawa ng mga tower design at building gamit ang clays.
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa muli naming pagtatagpo. Sa ngayon hi indi pa naghahanap ng ama ang mga bata. But I can't deny that they are a part of him.
Janisha emails....
“Geng, Im excited to see you...
Dapat umuwi ka, dahil kapag hindi ay talagang unfriend na kita.
Mahigit dalawang taon kang hindi nagpapakita. Hindi mo pinapakinggan ang mga nais kong Ikwento sana sa'yo.
Naiintindihan ko naman na napamahal kana sa bansang Mexico pero nakakatampo dahil hindi mo man lang ako niyayang magbakasyon.”
I'm sorry Neng, pero this time isasama na kita pagkabalik ko dito.
~ooo0ooo~
Toronto Canada
“Bruhaaaaa welcome home, grabeh ang ganda na niya. Sana all Mexicana, lumilitaw na talaga ang pagiging Spanish mo. B*tch nakakatulong sayo ang paglalayas mo. Nakakatumboy ang beauty mo, naging rare eh lalong maiinlove sa'yo si Goyong mo..ayehhhh kinikilig ako,”baliw niyang sabi.
“Welcome home Gracey!”sigaw nilang lahat.
Aytona ang iyakin kong ina, kapit na kapit sa pagyakap sa akin. Mama, hindi na ako makakahinga eh. “Bakit hindi ka umuuwi huh? Kung may problema ka dapat sinasabi mo sa amin. Nakakatampo ka naman anak, parang hindi mo na kami pinagkakatiwalaan,”dram ng mama ko.
Nagmano muna ako kina daddy, mommy, tita, tito at papa. Ang sarap ng yakap ni papa nakakawala ng pangungulila.
Papa saglit lang po! Kinuha ko sa loob ng aking bag ang anim na trophy at mga certificate at ibinigay kay Papa. Nagulat ako ng biglang ngumawa si mama.
“Tingnan mo ang anak mong iyan Marcus ang dami niyang achievements pero hindi natin nasaksihan. Binasa ni papa isa-isa at naging emotional siya. Papa naman! Bakit ka umiiyak? Di ba ipinangako ko sa'yo na hindi ako uuwi ng bahay kapag hindi ako nagtagumpay. Natupad ko na po kaya congratulation Papa dahil hinayaan mo akong lumipad.. charot.
“Architect and Interior/Exterior designer Andrina Gracey Della Torres welcome home,”sigaw ni kuya kasama ang mga barkada niya galing sa labas. Of course Gian Carlo is beside him.
Captain Afzalian Della Torres congratulation and thank you for inviting me.
“Ate Adriana wanna hug? I can carry you now, it's pay back time,”sigaw ni Cedrian ang pinaka na miss kong bunso.
Kaya walang pag-alinlangan na tinakbo ko ang kinatatayuan niya at nagpakanlong sa kanya. “Ang laki mo na Ced, na miss kita ng sobra. I know your secret ate, you are good in hiding but not in me. I miss you too and I love you ate Adriana. Sabay pakita niya sa akin ng picture kasama sina Gabriel André and Gunner Carl.
Kaya tumili ako ng ubod ng lakas sa gulat. Bigla akong nagpapanic sa aking nakikita. “Guys mamaya na ako makikipag chikahan sa inyo,” hinila ko si Cedrian patungo sa aking silid.
Cedrian, paano mo nalaman? Kailan mo pa nalaman yan?
“Isa ka sa mission ko ate, kailangan kong i-monitor para masiguro ang mga kalagayan ng mga kapatid ko. Malapit ka ng manganak noong pinuntahan kita sa Mexico. Naroon ako ng isilang mo sila,” naiyak ako ng makita ko na kanlong niya ang dalawang bata kasama si ate Micah at ang iba ko pang mga pinsan.
I am connected to Monroe and Mateo dahil ako ang master nila. Nakita mo ang mga dots na yan? Iyan ang mga kambal mo, they have their device para malaman ko kung nasaan sila.
Malaki na sila ate, huwag mo ng ilihim sa pamilya. Hindi ka nila papatayin kapag sinabi mong si kuya Gian ang ama nila. He is waiting for you too. Maligo ka muna at kakain na tayo ng pananghalian.
Tulala ako sa mga sinabi ni Cedrian...