yakap lang

1624 Words
Bumaba na ako para sumabay sa kanila na kumain ng tanghalian. Nakakaasiwa man pero hindi ko kailangan magpahalata. Bago ako babalik ng Mexico kailangan kong aminin kay papa para siya na ang bahalang mag-explain sa lahat. Si Papa ang may pinakamalawak na pag-uunawa kaya sa kanya ko unang sasabihin. “Gracey anak ngayong nakapagtapos kana sa iyong pag-aaral-- “Kasalan na!” Ohooo,ohooo,ohooo, bwesit pumasok ang kanin sa ilong ko. “Suminga ka!”sabay abot ni Gian ng tissue. Ma, doon muna ako kina Lolo at Lola. “Ilang taon kanang nakatira doon ah. Hindi ka pa ba nagsasawa doon? Umuwi kana dito at dito kana rin magtrabaho. Aba matanda na kami ng papa mo kailangan namin na may anak sa tabi namin. Si Aliyah palaging nasa new york at si Cedrian naman palaging nasa mission nakababad,”nagtatampong Sabi ni mama. Mag-anak ulit kayo ni papa para may aalagaan na ulit kayo hahaha...nagsitawanan naman ang lahat. “Luko kang bata ka, imbis anak ninyo ang aalagaan namin kami pa ng papa mo ang papaanakin mo. Matagal ng namahinga ang matres ko anak kaya huwag kang assuming na magkakaroon kapa ng kapatid,”baliw na sagot ng aking ina. Ganyan ka cool ang mama namin hindi napipikon sa mga kalukuhan namin. Pagkatapos kong kumain tumayo na ako at may binulong kay papa. Sinabi ko lang naman na pupunta ako ng farm namin dahil na miss ko na ito. “Excuse me guys, lalarga muna ako." “Kararating mo lang anak, saan ka naman pupunta?”mama asked. Sasagap ng sariwang hangin ma. “Ate gusto mo ihatid ka nina kuya? Pagod ka sa byahe eh,”singit ni Cedrian. “Yes Gracey we are free!”si kuya Zhykher. No thanks kuya, joyride lang ako saglit. Sasamahan pa ako para maging toxic ang lakad ko. Agad na akong umalis dahil baka may umiipal na naman. Ang pangit naman kung wala akong pasalubong sa mga trabahador kaya naisipan kong bumili ng mga pride chicken, tinapay at soft drinks para pagsaluhan namin. “Kaya mo bang bitbitin ang lahat ng yan?” Namo kang hinayupak!...napasigaw ako sa gulat. Bakit ka nandito? at paano mo ako nasundan? “I have my ways!" “F*ck your ways!” “I'll pay for it!” F*ck your wealth Guerrero, huwag mo akong idaan sa kayabangan ng yaman mo. “Gracey!” Pero ang demonyo makulit, ATM niya ang pinunch sa cashier instead na ATM ko. Sa inis ko mas dinagdagan ko pa ang order ko. Mamulubi ka bwesit epal ka eh. Tumatawa lang ang crew at cashier, nahalata nilang nang-iinis ako. Nilagay ko kaagad sa kotse ang mga pinamili at sumakay para makaalis na. Ang g*g* di nagpapahuli at agad na sumakay. Saan ka pupunta? “Kung saan ang punta mo doon ako,”sagot nya. Sa impyerno ang rota ko. “Doon din ako para may kasama ka,”pang-aasar pa nya. Kaya agad kong pinasibad ang kotse, sasama ka pala sa impyerno ah tingnan natin. “Gracey your over speeding, slow down sweetheart wala pa tayong lahi,”sigaw niya. Para naman akong natauhan at biglang pinapreno ang kotse. Humahagurot naman ang gulong nito. “Jesus! Don't do that again Gracey. Alam kung galit ka parin sa akin pero sana naman pakinggan mo ang paliwanag ko,”sabi niya. Nagsi-agusan naman ang mga luha ko. Abuela calling.... H-hello! “Hola mamá buenos días. Tuve malos sueños mamá.” “Qué es?” “ Tú y papá tuvieron un accidente automovilístico. Mamá, te extraño y te amo mamá.(hello mama good day. I had a bad dreams mama. What is it? You and papa got a car accident. Mama, I miss you and I love you mama.) No te preocupes hijo, estoy bien. Los extraño y también los amo a ambos.(don't worry son I'm okay. I miss you and I love you too both.) Volveré a casa rápidamente hijo.(I will come back home quickly son.) Gabriel André tienes que cuidarte, Gunner, está bien.(Gabriel André you have to take care Gunner okay.) “Lo entiendes?”(understand?) “Si mama?” “Sino ang bata na yun?”tanong ni Gian “Anak ko!” “What?” Oh bakit nagulat ka? We do s*x gumamit ka ba ng protection? “Huwag kang magbiro ng ganyan Gracey!” Bakit kita seseryosohin? Ako ba seneryoso mo? Anyway nevermind huwag kang mag-alala wala kang pananagutang obligasyon. Pinaandar ko na ulit ang sasakyan para tumungo na sa aking pupuntahan. “Gracey! About me and Gail--congratulation. Siya naman ang gusto ng mommy mo para sa'yo kaya nararapat lang na kayo ang magkatuluyan. “Gracey! Listen-----kung pilitin mo akong makinig sa'yo mas mabuti pa kung bumaba kana ng kotse ko. I don't want to hear your novelty award winning explanation. Tumahimik naman siya kaya pinaandar ko na ulit ang kotse. Pagdating sa Rancho siya na ang nagbaba ng lahat. Agad naman akong pumunta sa kwadra ng mga kabayo para bisitahin ni Thor. Agad naman niya akong nakilala kaya inilabas ko kaagad siya at namamasyal kami. Buong maghapon kaming nag-iikot hanggang sa magtakip silim na. Kailangan kong umuwi dahil a-attend pa ako sa bachelorette party ni ate Clearose. Siya ang nagmaneho ng kotse kaya nakatulog ako. Sobrang pagod ko naman kasi sa kakaikot kasama si Thor. “Sweetheart.....hey Gracey nandito na tayo,"marahan niya akong tinapik. Gracey I'm sorry kung nasaktan kita pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon na pakinggan man lang ang side ko. I swear to God hindi kita niluko. Inirapan ko lang siya saka ako lumabas ng kotse. Bahala siya, ayoko ng magpadalos-dalos sa mga desisyon ko. Dapat ayusin muna ng ina niya ang sariling pag-uugali. Ayokong maging Sarah Labhati version na may villain na beyanan. Nagpalit na ako ng damit para pumunta sa party. Iiwasan ko muna siya para walang makahalata na may relasyon kami dati. Though wala naman kaming closures pero since ng makita ko ang malanding iyon sa unit nya iyon na ang araw na katapusan ng kung anong meron kami. ~ooo0ooo~ Bakit ayaw niya akong pakinggan kahit saglit man lang. Bakit ba kasi ako nagkakaroon ng magulang na kontrabida sa buhay ko. Kahapon pa sa kasal niya ako iniiwasan. Ganun na ba niya ako kakinamimuhian at kung makaiwas siya ay parang may nakakasawang sakit ako. Okay naman kami ni Tito Marcus dahil nung maglayas si Gracey pinuntahan ko siya dito at kinausap kung alam ba nila kung nasaan si Gracey. Inamin ko rin sa kanya na may relasyon kami ng anak niya at sincere ako. Nung isang araw ng pumunta si Gracey sa Rancho tinext kaagad ako ni Tito Marcus kung saan ang lakad nito kaya nakasunod ako. Akala ko maaayos ko na ang problema namin pero hindi pala. Kung noon na ba blackmail ko siya, ngayon ay hindi na dahil palaban na ang Adriana Gracey Della Torres. Sumasabay sa joke pero kapag sinusubukan ko nanininghal kaagad na akala mo ay may regla. Tito pwedi po bang humingi ng pirmeso sa inyo? Pwedi ko po bang makausap si Gracey bago kami umuwi ng Pilipinas. Kung ano man ang magiging desisyon niya bahala na si batman. Pero hindi po ibig sabihin na susukuan ko ang anak ninyo. May mga projects pa kasi na hindi natatapos kaya kailangan ko munang pagtuunan ng oras. Kahit maging hadlang man ang mga magulang ko wala akong pakialam. Hindi ko kailangan ang kayamanan nila kung hindi nila tatanggapin ang babaeng mahal ko. Kahit normal na buhay lang po ang maibibigay ko sa anak ninyo Tito Marcus sana okay lang po sa inyo. Kung magsusumikap akong mabuti siguro naman mabigyan ko rin ng magandang buhay ang prinsesa ninyo. Sa ngayon hindi ako nakakatayo sa aking mga paa dahil bawat subok ko pilit akong hinihila ng mga magulang ko pababa. “Bakit ayaw mong humingi ng tulong sa mga kaibigan mo o sa amin?”tito asked. Si Gracey po tumatayo sa sarili niyang mga paa na hindi naka depende sa inyo. Ni ayaw nga niyang ipaalam sa mga magulang ko kung ano ang istado niya sa buhay dahil gusto niyang tanggapin siya kahit galing siya sa mababang istado. Mga magulang ko po ang may problema dahil sa pagiging mata pobre nila. Susubukan ko ulit Tito, kapag tuluyan na nila akong nilulumpo sa inyo na po ako lalapit. “Sige hijo ikaw na ang bahalang sumuyo sa anak ko. Ang akala namin mahinhin at malambot ang puso niyan. Kabaliktaran pala dahil mas matigas pa sa bato kapag nagagalit. Mapasaan man at pakikinggan ka rin niya,” permission granted. Kumatok ako sa kwarto ni Gracey pero walang sumagot kaya dahan-dahan kong binuksan ang kanyang pintuan. Bahala na kung magagalit basta makapag-usap lang kami. Natutulog pala kaya hindi sumasagot. Ang ganda na niya pero pumapayat, hindi naman sa ayaw ko sa payat. Mas maganda kasi kapag may laman siya nakakadagdag appeal sa kanya. Ngayong tinatanggal na niya ang reading glasses niya mas lalong lumitaw ang kulay ng mga mata niya. Ang sarap yakapin kung pwedi lang sana. Sobrang nami-miss ko na ang Gracey ko. Nakakalungkot pala na abot kamay mo na pero hindi mo man lang mahahawakan. Pero bahala na kung upakan mo man ako Gracey. Yayakapin kita maiibsan lang ang pangungulila ko sa'yo. Sumampa ako sa kama niya at dahan-dahan na pumasok sa comforter niya. Nilagay ko sa uluhan niya ang aking braso at mahigpit siyang niyayapos. Nagulat siya at nagpupumiglas... Please sweetheart payakap naman kahit saglit lang, hindi ko lang kaya na abot kamay na kita pero hindi naman nahahawakan. Gusto pa sana kitang makakasama kaya lang marami pa akong trabaho sa Pilipinas. Hindi kita susukuan kahit sa ngayon ayaw mo man pakinggan ang paliwanag ko. Saksi ang diyos na hindi kita niluluko. Mag-iingat ka palagi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD