PILIPINAS....
Sama-sama kaming lahat sa pag-uwi sa Pilipinas. Wala sa plano na kasama ako sa kanilang pag-uwi. Dahil ang plano ko kahapon ay bumalik na ng Mexico. Pero hindi ako pinayagan nina ate Clea at kuya Afzal. Maayos na kaming nagpaalam sa isa't isa ni Gian kahapon. Sinabi ko sa kanya na ayusin muna niya ang tungkol sa mga magulang niya.
Hindi lang usap ang nangyayari dahil nagtukaan na rin kami. Magkadikit na eh palalampasin pa ba namin ni Goyong Caloy charooot. Wala munang s3x dahil di pa kami totally bati. Pumayag naman siya sa dry humping kaysa tuluyan na kaming maghiwalay. Pareho kaming basa pero kalma lang muna. Tudo pigil ako dahil fertile pa naman ako. Tiyak may mabubuo na naman kapag pinapasok ko.
Sa eroplano lumalayo ako sa kanya dahil ayokong mahalata ng mga kuya's. Si Janisha ang palagi kong kasama dahil pinag-uusapan namin palagi ang mega projects na hawak niya. Kinuha niya ang mga opinion ko at ideas sa bawat anggulo ng kabuuan ng proyekto. Hindi ko alam kong sino ang head at may-ari ng kompanya. Pero may kontrata na akong pinirmahan bilang official employee sa kompanya nila. Nangatwiran pa ako na paano ako maging kasapi kong nasa malayo naman ang kinaruruonan ko.
Pumayag naman daw ang head na maging online employee ako. Sa bawat meeting ay kasama ako through online. Hayop! Pati trabaho may online employee na. Baliw na siguro ang may-ari ng kompanya at nagtiwala pa sa online employee. Kung sa bagay si Janisha naman ang nagrekomenda kaya kapag palpak si Janisha ang masisisi.
Ang mga kuya's namin minsan sumisilip sa mga pinaggagawa namin ni Nisha. Pinagtatawanan pa kami dahil pati sa himpapawid proyekto ang pinag-uusapan at pinag-aaralan namin. Legit na daw na kapag namamayapa na kami pati sa harapan ni San Pedro sketch paper ang ilalahad namin. Si Gian naman ay talagang nakamasid sa bawat detalye. Hindi umiimik pero nasa harapan lang namin matamang nakikinig at nanunuod.
Hindi pa tapos ang buong project but we are almost there na daw. Excited na rin tuloy akong makita ito ng personal. Sino kaya ang bumili ng lugar at napagsama-sama ang isang grupo.
Bumyahe na kami papuntang Engineer's Paradise Island. Namangha ako sa kabuuan ng Isla. It's really amazing at malapit lang sa Isla ni kuya Adrian. Dati naming pinapasyalan ay ang Isla ni kuya Adrian. Hindi ko naman inaasahan na silang magbabarkada ang magmamay-ari ng buong malawak na Isla at pinangalanan pa nilang Engineers Paradise Island.
Nang nasa Isla na kami nalaman ko na rin kung sino ang boss ko sa Engineer's Global Construction. Kaya pala pinipilit ako ni Nisha na magtrabaho sa kompanya nila. Hawak pala siya sa leeg at pati leeg ko nais niyang hawakan. Wala ng atrasan dahil nakapirma na ako.
Nang dalhin niya ako sa bahay niya, hindi pa ito tapos at marami pang kulang. Nahahalata kong may mabigat siyang dinadalang problema. I guest may financial problem siya. Sa bawat tanong niya sa akin kung ano ang gusto kung design, colour at kung anu-ano pa ang dapat gawin sa loob medyo naiilang siya.
Wala siyang confidence na tanungin ako dahil hindi pa niya ito magagawa sa ngayon. May pinagdadaanan siya at nafe-feel ko yon.
I hug him para gumaan naman ang pakiramdam niya. “Huwag kang magmamadali, aayon din ang lahat sa nais mo basta magtiwala ka lang sa sarili mo. Hindi naman kayo nagpapaligsahan diba?”sabi ko.
“Wait for me sweetheart bigyan mo lang ako ng kunting panahon para ayusin ang lahat,”tumango ako bilang sagot.
~ooo0ooo~
Pagkabalik namin sa manila plano ko na talagang makausap ang aking ama tungkol sa mga bata. Kaya pumasok ako sa library room nila ni daddy.
Papa, can I talk to you po?
“Yah sure seat down princess,"he said.
Sorry po kung naglihim ako. Hindi naman po sa ayaw kong ipaalam sa inyo. Kaya lang po ayaw ko lang munang umuwi dito sa bahay mo hangga't wala akong maipakitang certificate. Lumayo po ako sa inyo dahil gusto kong may maipagmalaki ako sa pagbalik ko.
Nakagawa man ako ng mali, pinatunayan ko parin sa aking sarili na karapat dapat ako bilang Della Torres. Pa, may kambal akong anak na mga lalaki. Lagot, tinitingnan lang ako ni papa.“Feslak humanda ka sampal ni heneral. Bago dumapo ang kamay niya mamanhid ka feslak,”anas ng isip ko.
Nang itaas ni papa ang kanyang kamay agad akong pumikit. Woooohhhhh akala ko sampal 5.0 version na. Hinaplos lang pala ni papa ang pisngi ko.
“Salamat sa diyos at nag-matured na ang pangalawa kong prinsesa. Alam mo bang sobrang proud ang papa sa mga achievements mo. Si mama mo nagtatampo dahil hindi niya nasaksihan ang mga achievements mo. Pero ako sobrang saya kasi naging matatag ka gamit ang iyong sariling kakayahan,”sabi pa ni papa.
“Anak naroon ako sa mga mahalagang araw mo. Nakamasid at taos pusong nagpapasalamat sa panginoon dahil napakatapang mo. Noong isinilang mo ang kambal, noong nakipag competition ka, noong idinaraos mo ang birthday nila, noong guma-graduate ka. Sa lahat ng special occasion ng buhay mo saksi ako,”natulala ako sa sinabi ni papa.
“Nagtataka ka kung bakit hindi ako nagpakita sa'yo? Nagtataka ka kung bakit nanahimik ako at hindi nagalit sa'yo? Dahil mahal na mahal kita anak, love is support, love is strength, love is braveness, love is achievements, love is powerful acceptance,”humagulhol ako ng iyak habang nakayakap kay papa. He is really a hero para sa aming magkakapatid.
“Handa kana bang aminin kina mama,mommy, daddy, Tito at tita mo? Nasasabik na rin sa apo si mama mo nagpapasaring na para mabigyan ng apo,”sabi ni papa.
Papa ikaw na po ang magsabi nahihiya ako eh. Tinawag ni papa ang lahat sa office niya. Agad naman silang pumarito.
“Anong nangyari dyan at nakayakap pa sa'yo,”si mama.
Alam nyo bang may dalawang apo na tayo? May kambal na anak na si Adriana. Gabriel André and Gunner Carl ipinakita ni papa ang mga larawan ng dalawa sa laptop niya. Recently lang ito at kuha ang mga ito sa graduation ko.
“Ang mga mata ay kuhang-kuha mula kay Gracey pero bakit kamukha ni Gian ang mga bata? Si Gian Carlo Guerrero ba ang ama nila?”tumango ako bilang pag-sang-ayon sa tanong ni mama.
“My god, my goodness kailan ka babalik sa Mexico Adriana? Sasama kaming lahat. Panginoon ko bakit itinago mo ang mga apo . Ang cute nila tawagan mo ngayon din Adriana,”utos ni mommy.
Tinawagan ko kaagad ang number ni Abuela.
“Hola mi amor! Cómo estás?”
Hola abuela estoy bien, ¿dónde están los gemelos?(I'm fine, where are the twins?)
“Ellos juegan en la sala de estar”(they play in the living room)
“Hola Mamá, sabes todo sobre Gracey pero también lo mantienes en secreto.(Ma you know everything about gracey but you keep it a secret too.)
“Respetamos los deseos de su hijo. No quiere hacerte saber su situación. Tu padre y yo vimos que confiaba en que lograría algo en la vida, así que lo apoyamos. Ahora lo admite de buen grado porque lo ha conseguido,"(Nirerespeto namin ang kagustuhan ng anak mo. Ayaw niyang ipaalam sa inyo ang situation niya. Nakita naman namin ng papa mo na pusigedo siya na may marating sa buhay kaya sinuportahan namin siya. Ngayon kusa na niyang inamin dahil nagtagumpay na siya.)
“Hola mama!¿Cuando vendrás a casa?"(kailan ka uwi dito)..si Gab.
“Hola mama! I miss you,”...si Gunner.
Mamá irá a casa mañana así que no te preocupes más. Y estoy con tus abuelos. ¿No quieres verlos?(Uuwi na si mama dyan bukas kaya huwag na kayong mag-alala pa. At kasama ko ang mga lolo at lola ninyo. Di ba gusto na ninyo silang makita?)
“Abuelo Marcus, hola abuelo,"(Lolo Marcus, hello Lolo)sabay na sigaw ng dalawa. Hahaha binuko na rin kaagad si Papa. Hindi na niya naagapan ang bibig ng mga bata.
“Kilala kana nila Marcus Della Torres?”nanliliit matang tanong ni mama.
“Abuelo, Prometes darnos un caballo,"si Gunner.
“ Sí, los caballos están listos,"
“Yeheyyyy thank you abuelo!”nagtatalon nilang sigaw.
Excited na si mama na makita ang apo niya. Tiyak daw na hindi na siya makakatulog hanggang bukas.
“Bakit hindi mo pinaalam kay Gian ang tungkol sa mga bata Gracia?”tita julieta asked. Because we have a lot of things to settle down tita. His parents don't want me to be girlfriend before because I am a poor.
“Diyos por santo mi amor, isa kang tagapagmana ng mga Herrera at Della Torres paano niya naisip na isang kang dukha?,”histerikal na sabi ni tita Judy.
Dahil ayokong malaman ng lahat na galing ako sa mayamang pamilya. Kung tatanggapin nila ako dapat tanggapin nila ng bukal sa kanilang mga puso bilang ako at hindi bilang sa istado ng mga magulang o pamilya ko.
“Yah, she has a unique point of view knowing that the Guerrero's are mayabang. For all the parents of the squad that we meet so far. Ang mga Santos at Guerrero pa lang ang hindi natin makakasalamuha,”sagot ni mommy.
“We are so proud of you Gracey, because you achieved everything according to your goals,”si Tito Mark
“Thank you Tito!"
“Anong plano ni Gian tungkol sa anak natin kuya?"tanong ni daddy.
“Si Gian na ang bahala sa lahat, hindi ko sasabihin ang mga plano niya. Basta maaayos niya ang kanyang pamilya nasa likuran lang nila tayo,”si papa.
~ooo0ooo~
Maayos naming napag-usapan ang lahat. Mananatili munang lihim ang tungkol sa mga bata. Magkasama nga kami papunta dito sa Mexico. Tuwang-tuwa ang abuelo at abuela ko sa pagbisita nila. Sabi nga nila kung walang sekreto na mabubunyag hindi dadayo ang buong pamilya sa lugar nila Lolo.
“Kapag nalaman ng mga kapatid mo ang tungkol sa mga pamangkin nila tiyak magwawala ang mga iyon. Hamanda ka sa ate Afsheen mo tiyak puro mura at kurot ang matatanggap mo,"sabi ni mama.
Mahuhulog din kaagad ang loob ni Ate Afza sa mga pamangkin niya. Ang cute kaya nila hindi halatang may lahing Filipino.
“Nagbubuhat ng sariling bangko ang architect namin,”si mommy.