tatanggalan ng mana

1635 Words
Plano ni Gracey na sa kasal ng ate Afsheen niya aaminin niya kay Gian na may anak na sila. Isasama na niya ang mga bata pag-uwi niya sa Canada. Alam niya na maging mahirap sa kalooban ng abuela at abuelo niya ang kanyang gagawin na desisyon dahil sobrang napamahal na ang mga batang apo sa tuhod ng mga ito. Mas minahal pa nila ito ng husto kaysa sa sarili nitong mga apo. Abuelo, abuela, debéis asistir a la boda de Afsheen. Mamá se enojará mucho contigo si no asistes.(Grandpa, Grandma, you must attend ate Afsheen wedding. Mama will be really upset with you if you don't attend). “Está bien, iremos juntos,”(okay we will go together)pagpayag ng abuelo ko. Gracias abuelo, te amo. Minsan may online meeting kami dahil kailangan kong i-explain sa kanila ang bawat detalye ng proyekto sa EPI. Dahil ang design na napili nila ay desinyo ko kaya ako ang mas higit na nakakaalam sa bawat himaymay ng obra. Minsan nakakainis dahil kapag nasa online meeting na nakatulala lang si Gian na parang wala sa mundo. Physically present but mentally absent eka nga. Napupuno nalang ng tuksuhan ang buong conference room dahil sa tulalang President. Nakakatuwa dahil sa kanya inatas ang pamamahala ng Engineer's Global Construction. Mas mahal kasi ni Gian ang linya ng trabahong ito. “Earth on Mr. Gian Carlo Guerrero. Ligawan mo na kasi sir, mukhang hanggang crush ka lang po eh,”sabi ng isang staff. “Ahhammmm tama na yan, hustisya naman po sa mga single dito kawawa naman kami. Kinikilig kayo masyado eh, para tuloy kaming nanunuod ng Korean drama,"singit ni Janisha. Pwedi na ba natin na i-adjurn ang meeting. Kailangan ko pa kasing pumunta sa site ng aming project. “Okay architect naiintindihan na namin ang mga dapat gawin. Maraming salamat sa oras na inilaan mo sa amin. Mag-iingat ka, bye,”sabi ni Gian. Pagka hang ng tawag agad akong gumayak para pumasok sa aking trabaho. Napakain na ang kambal kaya masaya na silang naglalaro. Nagpaalam na ako sa aking abuelo at abuela. ~ooo0ooo~ “Gian Carlo, kaarawan ng iyong ina bukas hindi ka man lang ba dadalo. Nakakatampo ka naman anak, nag-iisa ka nga lang tapos pagkakaitan mo pa ako ng oras,”nagdadrama na naman ang kanyang ina. Okay mom I'll be there, I will make sure to clear my schedule tomorrow. "Thank you son!” Nakikita niya na ikinagagalak ng kanyang ina ang kanyang pag-sang-ayon sa pagdalo sa kaarawan nito. Tinawagan niya ang kanyang secretary at pinakiusapan na huwag tumanggap ng appointment kinabukasan dahil may mahalaga siyang event na dadaluhan. Pumunta siya sa isang sikat na jewelry shop sa “Suarez Glamour Diamond Collection” para bumili ng regalo para sa ina. Isang diamond earrings ang kanyang binili para sa ina. Umagaw sa kanyang paningin ang isang napakagandang design ng diamond ring. Naiimagine niya ang hitsura nito kapag nakasuot sa palasingsingan ni Gracey. Nang tanungin niya ang presyo nito ay may kamahal nga. Pero para sa pinakamamahal niyang babae kahit mababawasan ng malaking halaga ang kanyang naipon para sa bahay niya sa EPI ay hindi niya iisipin. ****** “Gian Carlo hijo glad to see you,”humalik siya sa noo ng ina. Kasama sa kumpolan ng mga ito ang mga Amiga at kasosyo sa negosyo. Ang ama naman niya ay kasama ang mga kumpadre na nagkukwentuhan tungkol sa negosyo ng mga ito. “Hi Gian babe, I'm glad you're here. I miss you so muc, mwahhh. Gail what are you doing? Nakakahiya ka wala kang delikadisa. Congratulations kumare at mukhang magkakaapo kana soon. Kailan ba ang kasal ng dalawang ito. Aba ay bilisan na kamo nila dahil tumatanda na kayo. Kailangan nyo ng makita ang inyong mga apo kumare,”sabi ng kaibigan ng aking ina. Oo nga kumare kinukulit ko na ng husto itong anak ko na pakasalan itong si Gail dahil bukod sa maganda, matalino, ay mayaman na. If we emerge our business into one mas madaling mapalago na namin ang aming negosyo. At tama ka sa sinasabi mo kumare matanda na kami ng kumpadre ninyo. Hinila niya si Gail sa may harden at balak na doon ito kausapin. “Ano ba Gian Carlo nasasaktan ako sa ginagawa mo arayyyy,”hinaing ni Gail. Talagang masasaktan ka Gail dahil nagsisimula kana naman sa kabaliwan mo. Alam na alam mong hindi kita gusto at kinamumuhian kita sa ginawa mo sa London para masira ang relasyon namin ni Gracey. Itigil mo na iyang kabaliwan mo hangga't may natitira pa akong respito sa'yo. Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na hindi ikaw ang tinitibok ng puso. Si Gracey ang mahal ko at siya lang ang pakakasalan ko. “How dare you Gian pinagkakasundo na tayo ng mga magulang natin pero tinatanggihan mo,”umiiyak niyang sabi. Matanong nga kita Gail, magkasundo ba ang damdamin natin para sundin ko ang gusto ninyo? Umpisa pa lang diretsahan ko ng sinasabi sayo na hindi kita gusto para huwag kang umasa. “You will regret it Gian, I swear to God that you will regret it,”sigaw niya habang panay ang iyak. Tumakbo ito palabas ng bahay. Nilapitan naman ako ng aking mga magulang. “Gian, what you are doing? Why she run and cried?" Because I asked her to stop pestering me. “You son of a b*tch b*st*rd pakkkk. You will marry no one but Garcia's daughter alone,”my dad said after he slap me. “Kung nagmamatigas ka wala kanang mamanahin pang ari-arian mula sa amin. Mas maigi pang i-donate namin sa charity kaysa mapunta sa isang suwail na anak na katulad mo. No matter how hard you try we will not let you succeed,"sigaw ng ina ko. Nagkakagulo na silang lahat sa labas dahil gusto daw ni Gail na mag-suicide. Ito na naman at idadaan nila ako sa puwersahan at iba-blackmail. Naglaslas ng pulso kaya agad naming dinala sa hospital. “Gusto mo bang may buhay na mawawala dahil dyan sa katigasan ng ulo mo Gian? Our decision is final you have to marry Gail when she recover,"my mother said. Hell no! It's either ang kaibigan ninyo ang mawawalan ng anak o kayo ang mawawalan ng anak mom. Kayo ang nagsulsol sa kanya para mapahamak siya. Paano ko papakasalan ang babaeng hindi ko naman kayang mahalin. She's like a sister to me and nothing else. Gusto ninyong pulutin ako sa kalsada o sa kangkongan. Fine mom, hindi ko kailangan kahit isang peso ninyo. “How dare you idiot pakkkk! Wala kang kwentang anak, sana hindi na kita binuhay pa,”sigaw ng aking ina. Agad akong umalis sa hospital na yon. Walang kwenta kung mananatili ako doon. Sarado ang utak nila, hindi ko alam kung anong lason ang pinakain ng ama at ina ni Gail sa kanila. Me: Bro, libre ka ba? Justine: Nasa bar lang ako bro. Ryan: Hindi ba kami invited? Nasa Pilipinas ako g*go. Zhykher: Okay let's meet at Justine's bar. “Wooooaaaaahhhh nagsisimula na kaagad si Guerrero hindi pa nga kami nakarating,”si Ryan. “Malaki ang problemang kinakaharap bro,”sagot naman ni Justine. “Kasing laki ba ng itlog ni Guerrero ang problema nya?”si Zhykher. “G*go tang*na mo seryoso yong tao eh hinahaluan mo ng kabulastugan. Bro, anong problema mo huh? Huwag mong idaan sa alak dahil wala kang makukuhang sagot dyan,"sabi ni Ryan. Nagpupumilit parin ang mga magulang ko na pakasalan ko si Gail. Kanina birthday ni mommy, pagkapasok ko pa lang sa bahay namin ginagawa na kaagad siya ng eksina. Hinalikan ako sa harap ng mga kaibigan ng ina ko. Syempre nag-eexpect kung kailan kami magpapakasal. Masinsinan ko siyang kinausap katulad ng dati na wala talaga akong nararamdaman sa kanya. Lantaran ko pang inamin na si Gracey lang ang mahal ko. Noong nasa London pa kami siya naman ang dahilan na nagkamalabuan kami. Ang mga magulang ko ang dahilan kung bakit naging obsessed sa akin si Gail. Dahil palagi nilang tinutulak para dumikit sa akin. Hindi ko rin alam kung ano ang pinapakain ng mga magulang ni Gail sa mga magulang ko at parang naging sunod-sunuran na sila sa nais ng mga ito. Kapag hindi daw ako sumunod sa gusto nina mommy at daddy. Tatanggalan nila ako ng mana at sa halip ay ido-donate ang mga ari-arian nila sa charity. Wala akong pakialam sa kayamanan nila. Pero ang sabihin na hindi nila ako hahayaan na magtagumpay sa mga nais ko ay isang kalabisan naman yata. Kung makikialam sila sa bawat diskarte ko bro's ano ang maipagmamalaki ko kay Gracey at sa pamilya niya. Matapobre ang mga magulang mo bro, ngayon ko lang na point out kung bakit ayaw ipaalam ni Gracey na nagmula siya sa mayamang angkan. She's a quiet clever lady. Gusto niyang magustuhan siya bilang siya at hindi dahil nagmula sila sa mayamang pamilya. Gusto niyang makuha ang suporta ng mga beyanan niya ng bukal sa puso. Hindi iyong makikipagplastikan lang sa kanya at i-good treatment siya dahil isa siyang prinsesa. “Bro, nandito lang kami I suggest you to trust us. Invest under our name para hindi mapakialaman ng mga magulang mo ang iyong negosyo na itatayo. Hindi ka namin pababayaan kaya huwag mong problemahin yan. Hindi alak ang dapat mong maging sandalan kundi kaibihan,”sabi ni Justine. “F*ck you Araneta kailan ka naging makata,” mura ni zhykher. ,“I live here in Makati that's why I learn few makata banat,”sagot naman niya. Lol, d*ckheads kilabutan ka sa pinagsasabi mo.. si Ryan. “Just transfer all your money to your private account dahil tiyak akong bukas na bukas din lilimasin ng ama mo ang cards mo. Kahit sabihin mong hindi mo kailangan ang pera nila mabuti parin iyong may back up savings ka for emergency,"Zhykher said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD