Three weeks na rin akong nasa company ng Engineer squad. Naging maayos na rin ang lahat at naging maganda na rin ang pakikitungo nila sa akin. Minsan nasa EPI site ako para pagtuunan ng husto ang proyekto. Kasabay ko na rin na inayos ang bahay ni Gian. Palagi naman niya akong tinatawagan para kamustahin. Actually kagamitan nalang ang aking pinagtutuunan para sa bahay. Isa ko itong surprise sa kanya kapag umuwi na siya mula sa ibang bansa. Ang 3ACE Hotel ang malapit ko na ring matapos. Ang swerti talaga ni Ate Afsheen at ang mga pamangkin ko dahil tanggap siya ng mga beyanan niya. Nakakainggit dahil magkasundo sila ni Tita Janette. Ding, dong, Ding,dong! Natauhan ako sa aking pagmumuni-muni ng umiingay ang doorbell sa aking unit. Sino kaya ang dumating? Wala pa namang nakakaalam sa baha

