I'm busy on checking in every details about the project's in EPI. Maganda naman ang pakitungo ng ibang mga staff. Nobody knows na girlfriend ako ng boss except sa personal secretary ni Gian.
Pero naabisuhan ko na siya na huwag ipaalam sa iba. Hindi ako pumayag na ipaalam ni Gian sa lahat ang relasyon namin. Gusto kong pakisamahan nila ako ng normal yung tipong walang special treatment.
Ibinalik ko ang aking dating hitsura na may makapal na eye glasses. Balik nerd looks ako kagaya nung college days ko. May mga feeling maganda na taas kilay kung tumingin. Dahil wala ang boss nila puro chismisan sa mga kasamahan. At ang worst ay tinatambak nila ako ng maraming trabaho. Hindi ako pweding umangal o lumaban.
Hindi talaga maiiwasan ang mga salbahe na walang magawa sa buhay kundi mamintas at manira ng kapwa. Katulad ng narinig ko ngayon...
“Hoy beshy nakita mo yung nerd na ipinakilala ni sir Gian sa atin kahapon? Siya ang inatasan na maging architect sa EPI project nila ng mga kaibigan ni boss na yummy din,”narinig kong sabi ng isang babae.
“Di magugustuhan ni sir Gian yon, ang pangit nga ng mukha at napaka badoy manamit beshhh,”sagot naman ng isa. Pero naiinis ako dahil sa kanya pinahawak ang EPI project. Pangarap ko pa naman na mapabilang sa proyekto na iyon dahil nakita maraming mga gwapo. Malay mo sa Engineer squad pala ang swerti ko,”malanding sabi ng isa.
“Ay oo nga beshy tama ka pati daw mga kamag-anakan ng mga kaibigan ni sir Gian puro mga daks at gwapo. Napaka yummy daw ng mga iyon,”sabi naman ng isa.
“Gagawa ako ng paraan para maalis ko ang nerd na yan. Ang ganyang hitsura ay madali lang takotin, isang bully mo lang tiklop na yan hahaha,”tuwang-tuwa na sabi ng isa.
Napapailing nalang ako sa kanilang mga sinabi. Not this time girls, sobra na ang mga pasakit na pinagdaanan ko. Oras na para karapatan naman ng mga anak ko ang ipaglalaban ko. Magsaya lang kayo hangga't gusto ninyo. May oras din na para sa akin. Pagkatapos kong magbanyo lumabas na tin ako. Nauna ng lumabas ang dalawang bruha.
“Ms. Nerd heto pa ang mga bagong dumating na proyekto. Tutukan mo yan ng maigi bago bumalik ng bansa ang boss natin,”sabi ng isang architect employee.
“Grabeh ka naman Enguerra, bago pa nga lang si ma'am Gracey dito tinatrato mo na ng ganyan. Bagay nga talaga apilyedo mo sa inggitera. Isusumbong talaga kita kay boss pag-uwi niya,”depensa ng secretary kaya hinawakan ko ang kamay niya. Sinenyasan ko siya na huwag patulan.
“Magsumbong ka hangga't gusto mo Ponce wala akong pakialam. Hindi ka naman paniniwalaan ni boss dahil ako lang ang kanyang paniniwalaan. Baka nga pagbalik ni boss magiging kami na,” sabi pa ng maarting architect.
“Assuming ka talaga lagi kang nagpapa-flirt pero hindi ka naman pinapansin ni boss. FYI may maganda at mabait ng girlfriend si boss,”sagot naman ng secretary. Kaya hinawakan ko ang kamay niya at sinabing tama na.
Huwag mo nang patulan wen, hahaba lang ang bangayan. Hayaan mo na siya sa gusto niya. Malungkot siguro lovelife niya kaya napadasal na magkaroon ng prince charming.
“Ikaw naman kasi ma'am Gracey nagpapaapi na kayo eh. Ang ganda ninyo sa video call kapag may conference tayo tapos ngayon nagsusuot kayo ng pang nerd glass. At ayaw nyo pang aminin na girlfriend kayo ni sir Gian.
Ayoko ng special treatment inday kaya ayokong ipaalam sa kanila. Papasaan ba at malalaman din nila kalaunan.
“Pero ma'am inaabuso kana niya, trabaho niya sa'yo pa niya ipinasa. Busy ka sa pagtutok sa EPI project dahil ayaw ni sir Gian na ipasa sa iba.
Kaya ko yan kaya huwag kang mag-alala. Trabaho na tayo para mabawasan naman ang mga nakatambak. “Ma'am Gracey hindi ko alam kung makatarungan po ba ang lahat pero sobrang napaka unfair na po eh,” reklamo pa ni wenny.
Trust me inday magiging okay din ang lahat. “Ahhhhmmm bago ka dito diba? Pwedi ko bang makita ang mga designs mo?”tanong ng isang lalaki. Napataas ako sa aking kilay dahil sa kanyang sinabi. Ang presko naman nya ngayon pa nga lang kami nagkita design ko na kaagad ang hinahanap niya
“By the way I'm architect Ron. Gusto ko Lang Makita ang mga designs mo dahil nagtataka ako kung bakit ang project ng EPI ay sa'yo ibinigay samantalang ngayon ka pa lang nagjoin sa kompanya na ito,”sarkastikong sabi ng lalaki.
Anong problema mo kung sa akin nakaatas ang proyekto sa EPI? May sarili ka naman sigurong proyekto para pagtuunan mo ng pansin. Bakit mo kailangan tingnan ang mga designs ko? At ang big boss na ang pumili kung saan niya tayo inatasang magtrabaho.
“Napakayabang mo naman, mukha ka naman manang, dapat sa'yo maging architect doon sa iskwater. Mukha namang wala kang maibubuga. Siguro pinatikim mo lang si boss na tahong mo kaya ka nariyan sa posisyon na yan,”
Pakkkk! Ubod ng lakas kong sinampal ang lalaking nagngangalan na Ron. Hindi niya napaghandaan ang impact ng aking pag-ataki kaya lumagapak sa sahig.
Napasinghap naman ang lahat na naroon sa kanilang nakita.
Matuto kang rumispito ng kapwa mo. Hindi porket baguhan at sinaunang panahon pa manamit kaya mong bastusin ng basta-basta na lamang. Kung ang mga nerd noon hindi lumalaban at umiiyak nalang kapag binubully. Pwes hindi na ngayon! Asahan mong nasa bago kanang henerasyon. Ang mga nerd na katulad ko ay hindi na hinahayaang makapang-api ang mga katulad ninyong mga walang kwenta.
Hinawakan na ni wenny ang aking braso dahil nanggigigil ako sa lalaking kaharap ko. Tumayo naman ito at bumalik sa kanyang pwesto. “Ma'am Gracey pagpasyesyahan nyo na po ang mga pangyayari. Ganyan po talaga ang ugali niya eh, dahil magaling at sa ibang bansa nakapagtapos sa kanyang pag-aaral. Gusto niyang siya ang umangat at makakuha ng maraming proyekto.
Unang araw ko palang pero napakarami ng asungot na humaharang sa aking trabaho. Ganda na ang hinahanap ninyo para rumispito kayo sa kapwa ninyo? Dahil nerd look ako hindi ninyo kayang respituhin? Gusto nyo na pumapasok sa trabaho magmukhang pokpok manamit.
Ang hirap naman ninyong pasayahin. Kung magsusuot ng daring na damit sasabihin ninyo: nilalandi si boss kaya ganyan manamit. Siguro gustong tumikim kay boss kaya nagpapakitang motibo. Hindi na kayo makafocus sa mga trabaho ninyo dahil puro chismis na ang inaatupag ninyo. Ngayong nerd look naman ako mali parin sa paningin ninyo. Porket sa akin inatas ang pamamahala sa EPI nalalamangan ko na kayo. O di kaya'y wala kayong tiwala sa kakayahan ko dahil sa nakikita ninyong hitsura ko. Tao pa na kayo? Hindi nyo na kasi kayang bigyang mamuhay ng normal ang mga simpleng tao na nais mamuhay ng mapayapa eh.
“Esguerrra, kuhanin mo ang mga files na itinambak mo dito sa pwesto ko. Kung hindi mo ito kukuhanin ngayon, dito sa harap ng lahat pulunitin ko ang mga ito.”
Sigaw kong sabi sa malanding babae kanina. Nakatulala ng nakatingin ang ibang mga impleyado na naroon sa aking inakto. Nagmamadali namang lumapit ang babae para kuhain ang mga files.
Oh wait, makinig kayong dalawa naka recorded ang eksina natin. Maliban sa cctv na narito may cctv din na nakahanda at malinaw kayong naririnig. Ito ang ginamit ko dahil alam kong bully ang aabutin ko sa unang araw ko dito sa trabaho. Ipinakita ko ang black colour device na nakasabit sa suot kong damit. Kaya ngayon palang umpisahan nyo ng ihanda ang inyong resignation letter” Mas lumaki ang mata ng dalawang architect dahil sa kanilang narinig. Namutla pa ang hitsura ng babaeng malandi.
“P-po?” she asked.
Malinaw ang narinig mo kaya huwag kang magbibingi-bingihan architect Esguerrra. Ang lalaki naman ay masamang nakatingin sa akin at mukhang papalag ito sa sinabi ko. Kampante naman akong tumayo ng matuwid para ipaalam sa kanya na hindi ako natatakot. Kalaunan umalis na rin ito mula sa kinatatayuan nito.
“M-ma'am I'm sorry po patawarin mo po ako sa aking nagawang pagkakamali. Ako lang po ang inaasahan ng pamilya ko,” nangiyak-ngiyak niyang sabi.
Sana naisip mo muna kanina yan bago ka magmayabang noh. Nakapinsala kana eh, bago ka masakit ng kapwa mo maging alerto ka muna. Alam mo naman ang panahon ngayon uso ang cctv o hidden footage.
“M-ma'am please forgive me, just give me a chance please,”she begged. Ganda ba ang hinahanap mo hija? Sandali lang may ipapakita ako sa'yo. Wenilyn pahiram nga ako ng suklay dyan. Kulang sa suklay yata ang buhok ko kaya nahihirapan silang tingnan ang hitsura ko. Agad naman tumalima ang secretary ni Gian at binigyan ako ng suklay.
Tinanggal ko ang aking mega lens at ang braces ng ngipin na suot ko. Pagkatapos kong suklayin ang aking buhok tinalian ko ito paitaas. Kitang-kita na tuloy ang mahaba kong leeg. Sorry Esguerrra dahil hindi ako mahilig mag make up. Prepared ako sa natural beauty kaya hindi ko nakasanayan ang pagme-make -up. Nakita ko ang mga kaopisina na napatulala habang nakatingin sa akin.
Kalma lang po kayo, ayaw ko sanang maging mayabang dahil hindi naman kailangan. Ginagawa ko lang ito para ma meet ko ang requirements ni Esguerrra. Balik trabaho na po tayo guys. Go back to your work too Esguerrra.
“Ma'am Gracey grabe ang ganda nyo po,”wenilyn praised me.
Salamat inday .....