"Ms. Della Torres I heard that you don't want to participate in the competition." Yes ma'am it's true and I give the chance to Ms. Yvonne Cale. I think she is more deserving and capable than me ma'am. Ipinakita ni Janisha sa screen ang video na inaway ako ni Yvonne. Napapailing nalang ang aming professor sa kanyang nakita.
"In my office Ms. Cale. And Ms. Della Torres my decision is final, you cannot change it on your own decision,"
Ufff Janisha naghahanap ka ng gulo.
"I don't care and I am confident that you can get raid their itchy attitude," depensa niya. Hindi ko na kailangan na makipag-away o kompetinsya sa kanila Neng. I have my own ways to reach my goal.
"F"ck your ways Geng, I really hate it when you didn't try to kick their ass back," palaaway talaga ang Aragon na ito.
Pumunta na ako sa office ng aming professor, hindi ko alam kong ano ang mangyayari.
"Hey sweetie! Where are you going?" it's Goyong.
Huwag mo akong gambalain Goyong Caloy may gyera akong lulusobin. "Anong gyera yan? Wala ka namang sandata,"
Ang gulo mo tumabi ka sa dadaanan ko.
"Ang init ng ulo mo may regla ka ba?"
Oo meron kaya di tayo pwedi ngayon, tabi. "Hahaha seryoso ka?" Kung di ako seryoso papasok ka ba na--
"Bibig mo Adriana Gracey Herrera Della Torres,"
Bakit ka sumigaw? Anong mali sa sinabi ko? You asked me kung may regla ba ako dahil mainit kamo ang ulo ko. Tapos sinagot kitang oo kaya hindi tayo pweding mag-usap habang mainit ang ulo ko. Then you ask me kung seryoso ba ako. Kung di ako seryoso papasok ka ba na may bukol.
Uffff ree bap, ang tatalino eh noh? Daig mo pa si Einstein, Goyong Caloy. Dyan kana nga sayang ang oras ko sa kakitiran ng utak mo.
"Have a seat Ms. Della Torres and Ms. Cale,"our professor said.
Now explain your side Ms. Cale on why you bully Ms. Della Torres. When I asked you in the past who wanted to participate, you did not raise your hand but except Ms. Della Torres at the end.
Hindi sumagot ang bruha at sa halip ay iyak lang ang naging tugon. Eepal pero puro kaartehan lang ang alam. Kaya sinabi ng professor na hindi na magbabago ang kanyang desisyon na ako ang isasali sa competition.
Pagkalabas namin ay hindi ko inaasahan ang kanyang pag-atake sa akin. Agad niya akong sinabunutan at binalibag. Kaya tumama ang ulo ko sa bakal.
"That's what you deserve because you think you're good enough,"she said.
"Gracey!" Agad akong binuhat ni Gian para dalhin sa clinic.
Gian ibaba mo na ako mild lang naman eh. "No! Huwag matigas ang ulo Gracey," Gian said.
Agad naman na ginamot ng doctor ang aking sugat. Sabi ng doctor medyo may impact ang pagkakauntog. Kailangan ko daw magpahinga kaya pinayagan akong umuwi. Tinawagan ko na din si Nisha na uuwi muna ako sa bahay at siya na ang bahala sa gamit ko.
Inakay ako ni Gian palabas ng Campus para ihatid pauwi.
"Gian babe who is she?" Sabi ng babae.
"Please Gail spare me today because I don't have time to argue or either to explain,"
"Babe we will have a dinner together tonight don't forget,"sigaw ng babae.
I remember her isa siya sa customer namin sa coffee shop. Magta-taxi nalang ako Gian, samahan mo na siya baka magalit pa sa'yo.
"I don't care about her, so don't mind about it. Kababata ko siya at anak siya ng best friend ng mommy ko,"he explained.
I didn't ask you who is she?
"You don't, but I feel that I have to explain with you sweetheart,"gian said.
Nakakainis naman bakit kailangan pa niya akong ihatid sa condo. Kaya ko naman ang sarili ko, napaka-oa talaga ng gago. Ang sarap niyang tirisin na para lisa sa ulo. Ang kakulitan niya ay napakakati sa ulo ko.
“Are you mad at me sweetie?”
Huwag kang mang-asar dahil masakit na ang ulo ko. Huwag mo ng dagdagan pa dahil baka tuluyang mabiyak na. Magmaneho ka maayos at tumahimik ka nalang dyan.
Bwesit ang Yvonne Cale na yun, humanda talaga ang babaeng iyon. May araw rin ang pambu-bully mo b*tch.
“Where here sweetheart,” Agad siyang bumaba ng kotse at pumunta sa gawi ko para buksan at alalayan akong makalabas kahit hindi naman kailangan. “He insists to be gentleman kahit medyo bastos,”my mind murmured.
Okay na ako Gian hindi mo na ako kailangan na ihatid pa sa itaas. Hindi mo naman kailangan gawin ang mga bagay na ito eh. “Masaya ako sa ginagawa ko kaya huwag mo akong pagbawalan Gracey,” he said.
Pagdating namin sa unit ko ay talagang pumasok pa siya. Kinakabahan ako kasi kami lang dalawa. Pumasok ako sa room ko para magpalit ng damit. Medyo nahilo ako at mukhang masama ang pagkakahampas ng ulo ko sa bakal.
“Sweetie pwedi ba akong pumasok sa loob,” Bukas iyan walanghiya kaya pwedi kang pumasok.
“Ang init naman ng ulo mo ako na nga itong nagpresentang mag-alaga at nagmamalasakit sayo, tapos ikaw pa itong galit,"sabi ni Gian habang may dalang sandwich at juice.
So utang na loob ko pa ngayong iyang mga pinagagawa mo hinayupak ka.
“Wala ka talagang galang sa akin eh mas matanda ako ng limang taon sa'yo,”nagmaktol pa.
Paano kita gagalangin eh ang kulit mo. Ano nalang ang sasabihin ng iba kapag may nakakakita sa atin. “We are in a relationship so why you think what other people think about us?”
My god Gian, relationship na ikaw lang ang nag-a-assume na tayo.
“Gusto mo ba ako? Palagi ba akong laman ng utak mo? Masaya ka ba kapag nakikita mo ako? Kasi ako, gusto kita o sasabihin kong mahal na Kita. Palagi ka kasing naka build sa utak ko. Naging prinsesa kana sa kastilyo ng imahinasyon ko. Masaya ako kapag nakikita kita. At lalo na ito naaadik akong paghahalikan kasi nakakatakam,”, ang gago tumabi sa akin at sinalikop ang labi ko.
Goyong naman eh bakit ba ang bastos mong damuho ka. Tinulak ko siya dahil sa inis, umaandar na naman ang pagiging automatic niya. “Paano ako naging bastos kung normal lang naman sa mga nagamamahalan ang maghahalikan.
“Ang tanong mahal ba kita?”
Bibig mo lang naman ang nagsasabi na hindi mo ako mahal pero ang mga mata mo hindi marunong magsisinungaling,” sabi niya. Nagulat naman ako sa kanyang sinabi, ganun na ba talaga kahalata ang mga mata ko?
“Kailangan na lumusot Gracey,”anas ng isip ko. Paano mo nalalaman ang nalalaman ng mata ko samantalang naka salamin namin ako.
“Kumain ka muna para may lakas ka sa gagawin natin ngayon,” pilyo pang nakangiti ang g*g*.
Umayos ka huh para kita mababangasan.
“Ang tapang mo naman sweetheart kaya mo pang saktan ang taong lubos na nagmamahal sayo. Say ah! ubusin mo kaagad para makapagpahinga ka ng kunti. Do you want to file compliant to the girl who hurt you?"
No! I don't want to do anything against her. I have my competition next week, so I have to focus on it and not her ass. She is crazy and she cannot control her jealousy. Kagaya ng girlfriend mo kanina na nanlilisik ang mga mata sa galit ng makitang may kasama kang iba. Why you didn't focus on her. Ang mga mata niya ay naglalarawan ng sobrang sakit na para bang pinag taksilan mo siya.
“Why you push me out Gracey? Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin? Alam kong naninibago ka lang sa akin. At hindi mo pa ako lubos na kilala. Though matalik kong kaibigan ang kuya mo pero para sayo hindi parin sapat. Paano mo ako makikilala kong ayaw mong maging malapit ako sa'yo. At bakit mo ba iniintindi si Gail, di ba sinabi ko naman sa'yo na hindi ko siya mahal dahil kababatang kapatid lang ang tingin ko sa kanya,” seryoso niyang sabi.
“Pwedi ko bang tingnan ang mga preparation mo for your competition? Gusto ko lang makita kong gaano ka ka-prepared. Baka may maidagdag ako sa mga designs mo," sabi niya. Pero mataman ko lang siyang tinitingnan.
“You didn't trust me, at alam mong kasama ako sa competition kaya natatakot ka na baka ma sabotage ka. C'mon sweetheart wala sa bukabularyo ko ang gawan ka ng masama.
Ikaw ang nag-iisip niyan, hinahanting ka lang sa sarili mong multo. Nasa laptop ko naka save ang mga designs ko. Kahit pa naman ibinta o nakawin mo ang mga designs ko wala kang mapapala. Bawat detalye ng obra ko nakatatak sa utak ko. Kapag nakita kong nasa ibang kamay ang kahit na isa sa mga desinyo ko alam kong hindi niya mapapatunayan ang isang bagay sa likod nito. Ako ang lumikha kaya ako lang ang higit na nakakaalam sa special na katangian nito.
Architect ako at hindi writers ng nobela na kapag ninakaw ang mga obra nila iiyak sila at ngangawa nalang. Kasi nakalimutan nilang bawat kwento na binuo nila may special silang ginawa para maging maganda ang kahihinatnan nito. Libre mong tingnan lahat pero huwag mo lang nunuin ang mga obra ko.
“Sweetie may lagnat ka ba? Napasobra ba ang impact ng pagkakauntog mo sa bakal? Bakit biglang nag-matured kang mag-isip?”
Baliw.....